Marahas akong napatayo sa swivel chair ko sa narinig na balita. Tumama pa sa glass wall ang upuan, mabuti na lang at hindi nabasag. Ngunit kaya mabasag ko iyon. Walang nang higit na magpapakaba sa akin bukod sa narinig.
I'm getting married!
No way!
"Saan mo nakuha ang tsismis na 'yan?" sigaw ko sa sekretarya ko.
Nakayuko siya at bahagyang nanginginig sa takot. Sino'ng hindi matatakot sa itsura ko ngayon? Malamang na mukha akong makakasakal ng tao.
Hindi niya nagawang sagutin ang tanong ko nang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Stephano. He's my bodyguard and a very trusted friend. Aside kay Kuya at Dad. Wala na akong ibang pinagkakatiwalaan.
"What is this rumors I am hearing, Stephano? Ikakasal ako kanino?" asik ko.
Sumulyap siya sa sekretarya ko. He gestured her to go out. Kaagad naman iyong sinunod ng babae. Tumingin siya sa akin nang makalabas ito.
"Unfortunately, it's not a rumor," saad niya.
Nawalan ng lakas ang mga binti ko. Humawak ako sa lamesa para alalayan ang sarili ko. "W-What?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Totoo ang balitang ikakasal ka na."
"No!" asik ko. "Hindi ako magpapatali sa kahit kaninong lalaki!"
There's no way na hahayaan ko ang sarili kong maging sunod-sunuran sa isang adan! Malaki ang galit ko sa kanila. Bukod na lamang kay Dad, Kuya at Stephano. They will act superior and will treat me like a dog.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Mrs. Sarmiento wants you to go home. Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya kaya ako ang inutusan."
That's a good idea. I should go home. Kailangan kong kausapin si Mom tungkol dito. This can't happen.
Kinuha ko ang bag at susi ng kotse ko saka lumabas ng opisina. I told my secretary to cancel my meetings for today. May mas importante akong pupuntahan at gagawin. Binilisan ko ang pagmamaneho papunta sa bahay.
I rushed inside the house. Saktong pababa si Dad nang makapasok ako. Tumuwid ako ng tayo nang lumapit siya. Kumunot ang noo niya sa pagtataka.
"You're early today, Savannah. May nangyari ba?" tanong ni Dad.
Bumuka ang labi ko upang sabihin ang ipinunta ko rito ngunit magdalawang-isip ako bigla. I suddenly forgot how should I talk with Dad.
Napailing siya. "Hanggang ngayon talaga magdadalawang-isip ka pa rin magsabi ng mga concerns mo. Tell me what is it? I won't get mad whatever it is."
Napayuko ako. They were really understanding kaya hindi ako masanay-sanay. Before they adopted me, I grew up in a harsh home. I was abused physically and emotionally. Kaya hindi ako sanay na may mabait sa akin dahil lumaki akong trinatratong parang basahan.
"Totoo po bang ikakasal ako?" mahina kong tanong.
Realization flickered on Dad's eyes. "Ang bilis talagang kumalat ng balita. I was against it at first because I knew you wouldn't agree but your mother insisted."
Imbes na ang sabihing ayokong ikasal, iba ang nasabi ko.
"Sino. . . Sino po ang pakakasalan ko?"
Bago pa ako masagot ni Dad. Parehas na napunta ang mga mata namin sa lalaking lumabas ng kusina kasama ni Mom.
" Nandito kana pala, anak!" masayang saad ni Mom.
Para naman akong nagyelo sa kinatatayuan ko. Hindi maalis ang mga mata sa lalaking sa akin din nakatingin ang mga kulay gintong mga mata. Napalunok ako nang maramdaman ang pamilyar na t***k ng puso ko.
I suddenly want to run and hide away from him.
"Oh! I almost forgot. Do you remember him, 'nak?"
How can I forget him? He's the last person I wanted to see.
Alessandro Forfax.
What is he doing here?
"He's your fiance, anak."
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Mom.
What? No way!
Not him!