Lexie
"Oh bakit parang di maipinta yung mukha mo?" napatingin ako sa kaibigan ko.
"Is he always like that?" tanong ko dito.
"Ang alin?" lumapit siya sa akin at kumuha narin siya ng cup para magtimpla ng kape. Meron kase mini kitchen dito kung saan pwede ka magsnack at coffee.
"Ilang days na wala sa trabaho si Alexander." inis kong sabi.
"Hala siya? Asawa ka? Girl put in mind empleyado ka lang. Kung mag inarte akala mo asawa."
"What? Secretary niya ako malamang hahanapin ko siya ako lang naman humahawak sa mga schedules at trabaho niya noh" pagrereason out ko.
Tumawa ito "Your right SECRETARY ka lang." tinaasan ko siya ng kilay. "You only need to do is to do your job. Diba sinabihan kana ng HR if wala boss mo so all you need to do is to re-sched all meetings he have "
"Alam mo kontrabida ka talaga"
"Uh-ah ikaw yung kontrabida, remember your role? Being a mistress"
"Shut up, jas"
"If I were you, sundin ko nalang magulang mo. You are the successor in your family, bat kapa magtatrabaho bilang secretary if you can be the CEO in your own company?"
Umiling ako "Gusto mo ikaw nalang maging anak ng magulang ko? I wont mind"
Tumawa lang ito sa sinabi ko "Really Jas, Im serious. I can give you the company, I dont care. First of all ayoko ko maging taga pagmana and second I hate being their daughter"
"Haaaays. Mabait ka Lex, I know that. But the people around you hindi nila alam yan. Because you let the beast out from your soul, stop ruin people's life Lex."
Tumahimik ako, dahil kahit ako alam ko sa sarili ko hindi din ako ganito noon, noon nung okay pa yung pamilya namin "Stop looking for revenge. Dahil hindi kasalanan ng iba kung masaya pamilya nila, blame your father dahil siya yung totoong nagkasala dito. I hope you know that"
I drink my coffee dahil wala ako maisagot kay Jasmine. I know shes right pero hindi na ito tungkol sa revenge eh nahulog na ako, kaso sa taong pamilyado na.
Magsasalita na sana ako kaso bigla pumasok yung department head nila Jasmine. "I think this is not the right time para magchismis Ms.Santos"
"Im sorry maam. I'll send you the files right away" sagot ni Jasmine nagpaalam muna ito sa akin bago ito umalis.
Tiningnan ako ng Head ni Jas mula ulo hanggang paa "I think you are the new secretary here?"
Tumango ako.
Hindi na ito muling nagsalita, lumabas nalang agad ito.
Tinapos ko muna yung coffee ko bago ako bumalik sa table ko.
Nung andun na ako sa table napansin ko sa glass wall ng office ni Alex parang may shadow. Bigla akong napangiti baka dumating na siya kaya di na ako nagdadalawang isip pumasok sa office nito.
"Hi gorgeous" bati ng kaibigan ni Alex. I know he likes me gwapo siya pero di siya yung type ko.
"What are you looking for?"
"Oh right. I need the files na inutos niya sayo last time, pinapakuha niya kase yun sa akin." nakangiti niyang sabi.
Kaya lumabas ako para kunin yung sinasabi niya, ramdam ko naman sumunod ito.
"Here" abot ko sa kanya. "Can you also give this to him" His schedule baka naman gusto niya malaman.
"Just send that to his email. Gotta go?"
Tumango ako. Uupo na sana ako ng tawagan niya ako "Lexie" kaya lumingon muli ako dito. "Your single right?"
Nagulat ako sa deretso niyang tanong, di ako makasagot. He got the nerve "Silence means Yes. See youuuuu" napailing nalang ako.
"His cute." nagulat ako sa pagsulpot ni Jasmine sa tabi ko.
"Jesuuus. Nakakagulat ka naman, Jas" may inabot ito sa akin.
"Pinapaabot ng Head ko sa boss mo. Sino yun?"
Umupo na muna ako "Kaibigan ni Alex"
"I think he likes you"
"Ts. His not my type"
Lumapit ito sa akin "Seriously? Lexie-Lexie? Parang naging tanga kana nung nakilala mo si Alex uh"
"Just go to the point, b***h" inis kong sabi dito.
"Use him. Maybe his the key para mapaglapit kayo ni Alex?"
Napaisip ako sa sinabi niya "You have the point. Pero bakit parang nag iba ang ihip ng hangin kung kanina makasabi ka na tigilan kona yung ginagawa ko, ngayon your giving me an Idea what to do"
"Oh this is my evil side. Earlier it was my angel side"
"Gaga" Natatawa kong sabi.
"I know right" at iniwan na niya ako.
Napaisip ulit ako sa idea na binigay ni Jasmine. Mas malaking chance kung gamitin ko yung kaibigan ni Alex, kesa naman yung andito lang ako sa office naghihintay sa wala.
×
Sabay kame umuwi ni Jasmine, sakto kase sabay kame nag out. Nakikitira pala ako sa apartment nito, dahil nga tumakas lang ako, dapat kase nasa state na ako.
Mag isa nalang kase si Jasmine wala na siyang pamilya kaya sarili nalang niya binubuhay niya.
Umupo na ako sa maliit na mesa ni Jas. "I told you mag order nalang tayo, para di kana magluto" sabi ko habang nilalapag niya na yung ulam sa mesa.
"Duuuh hotdog lang yan at itlog hindi naman yan nakakapagod lutuin" umupo narin ito. "At girl wag magastos, remember kinuha ng magulang mo yung ATM mo, buti nalang nga nakuha mo yung kotse ng tauhan ng papa mo"
"Ts. Malaki naman sahod natin uh, bat ba ang kuripot mo"
"Sorry naman. Nag iipon ako nuh, para naman may sarili na akong bahay hirap kaya yung umuupa lang"
Kumuha na ako ng hotdog at itlog, pasalamat nalang di ako maarte sa ulam kaso nga lang di ako marunong magluto or sa gawaing bahay buti nalang naiintindihan ako ni Jasmine "Ts. Dont worry pag nasa pader na ako ng magulang ko bibilhan kita ng bahay"
Bigla ito ngumiti "Sarap maging kaibigan mo"
"Tse! Feeling ko nga ginagamit mo lang ako" pabiro kong sabi.
"Ngayon mo lang nalaman?" Tas sabay kame napatawa.
"Gaga. Kumain nalang nga tayo"
Kahit mayaman ako hindi ako maarte sa kaibigan wala akong pinipili basta totoo lang. At kung paano ako magsalita nahawa narin kay Jasmine at hindi ako madamot. Diba ang bait ko? Hahahaha.
Napailing nalang ako. Sumubo nalang ako kanin kase para pagiging baliw nahawa na rin ako kay Jasmine.
Nagbeep yung cellphone ko, kinuha ko ito para makita kung sino nagtext.
Number lang yung nagtext hindi kona sana papansinin baka kase mga admirer ko lang, ganda ko kaya. Kaso parang nakilala ko yung text niya.
"Hi Gorgeous" kase nakalagay sa text.
Kaya nireplayan ko nalang baka kase tama hula ko "Bawat text ko may bayad" text ko dito.
Isang minuto lang nagbeep na naman cp ko kaya tiningnan ko ulit ito "Hahaha okay lang. Basta replayan mo lang ako"
Hindi na muna ako nagreply, inantay ko kung magtext ulit ito. At tama nga ako tinext niya ulit ako "Hey, its me Kit"
Napangiti ako, umaayon sa akin ang lahat uh "I know" reply ko.
"Its sunday tomorrow, are you free?"
"Are you courting me?" text ko ulit dito.
"Dalian mona kumain kase hugasan kona yumg pinggan" pagmamadali ni Jasmine sa akin.
"Kunin mona, busog na ako" sagot ko ng hindi siya tinitingnan.
"Pwede ba?" text ni Kit sa akin.
"Sino ba yan katext mo?" lumapit ito at tiningnan niya yung text. "Goodluck" sabi ni Jas sa akin nung makita niya kung sino katext ko at hinayaan na lang niya ako para maghugas na ito.
"Okay lang basta wag agad umasa na sasagutin kita"
"Yes! Willing to wait" Kit.
Eh kung si Alex ka edi sana sinagot na kita kahit hindi mona ako ligawan Hahahaha. Harot ka girl "Okay"
"Ill pick you tomorrow at 7:30am. Send me your address ❤"
Ang aga naman. Hindi nalang ako umangal sa oras, tinext kona lang sa kanya yung address.
Sofia
Pagbukas ko ng pinto bumukas din yung kabilang pinto at si Sabby ang lumabas.
"Goodmorning, Queen"
I smiled at her sabay na kame bumaba. Dumeretso na kame sa kusina andito na rin ang mga boys "Si Kit?" tanong ni Sabby kila Alex.
Tumabi na ako kay Alex, I give him a morning kiss.
"Umalis yun ng maaga, ewan kung saan ang punta." sagot ni Kuya.
"Manang pakiabot nalang yung gatas" utos ko sa bagong katulong namin.
Tumayo ako kase parang may narinig akong ibang boses "Love, where are you going? Your milk is here" sabi naman ni Alex.
"Wait. May titingnan lang ako" pumunta ako sa Living room, there I saw a girl standing, nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya ako napansin.
"Who are you?"
Lumingon ito sa akin at nagulat ako ng makilala ko kung sino ito.
"She's Lexie Cantal, yung secretary ni Alex" biglang singit ni Kit.