Chapter 13

1228 Words
Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting parang may meaning "Goodmorning po maam" bati niya sa akin, tinaasan ko ng kilay si Kit. Ngumiti si Kit sa akin "Im courting her" Tiningnan ko ulit si Lexie "Sumabay na kayo sa amin kumain" hindi ko na inantay yung sagot nila, naglakad na ako pabalik sa dining room. "Sino-" hindi na naituloy ni Sabby tanong niya. Nakatingin silang lahat sa likod ko except kay Alex, tumabi na muli ako kay Alex. Umupo na silang dalawa, pinakuha ni Kit ng extrang plate para kay Lexie. "Woah. Kailangan ko bang umalis?" napatingin kame lahat kay Kuya "Ang daya ni Kit, sabi mo tuturuan mo pa ako pano manligaw, bat nakabingwit kana" Natawa si Sabby at Kit sa sinabi ni Kuya. Umiling nalang ako, tahimik lang si Alex sa tabi ko habang nilalagyan niya ako ng kanin sa plato ko. Nung tiningnan ko si Lexie, nahuli ko siyang nakatingin kay Alex. Nung makita niyang nakatingin ako iniwasan niya agad ang tingin niya. "So kailan lang, Kit?" tanong ni Sabby. "Yesterday?" parang di pa sigurado yung sagot nito. "Thats quick." sabi ni Sab sabay tingin sa akin. "Lexie right?" "Yes maam" sagot nito. "Sabrina, not maam. Secretary ka ni Alexander diba?" Tumango ito "You know she have a wife, right?" nagulat ako sa tanong ni Sabby, parang nagtaka pa si Lexie sa tanong niya kaya napatango nalang ito "She's also your boss, hindi mo lang siya nakikita sa office pero isa siya sa boss mo" "What are you saying" suway sa kanya ni Xyrus. "What? She's new so pinapakilala ko lang siya kay Sofia." "Okay lang po yun sir." Lexie. Tahimik lang si Kit "His Xyrus my boyfriend" tinuro niya si Kuya "His mark, sofia's brother" pagpapakilala ni Sabrina dito. "Kit, did they call you for the result?" tanong ni Alex. "Oh. Kanina lang, idadaan lang nila mamaya dito" Tumango si Alex at tumingin siya sa akin. "Its the DNA, love" "I see. Pero diba dapat hindi lang yun yung alamin natin? How about that doctor?" I ask. "Pero diba mas madali kung yung DNA nalang dapat alamin natin? Tutal wala naman magsasabotage sa DNA kase nakaprivate yung pagprocess niyo" singit naman ni Sabby. I sigh. Inilapag na ni manang ang dessert sa mesa. Hindi na muna ako kumuha, parang nawala kase ako ng ganang kumain. Bumulong si Alex na aakyat daw muna ito, tumango lang ako dito. Napatingin ako kila Kit masaya sila nagkwekwentuhan kasama si Lexie. Lexie Napansin kong umalis si Alex sa dining kasunod dun si Sofia may tumawag ata dito kase umalis agad ito ng magring ang phone nito. Nakikitawa nalang ako sa kanila habang naguusap sila na feeling interesado ako sa usapan nila. "Kit" bulong ko dito "MagCR lang ako" "Samahan na kita." Umiling ako dito "Ako na." Buti nalang busy si Sabrina makichismis, naoffend kaya ako sa sinabi niya kanina, that's why I know that she dont like me. Napangiti ako nung makita ko sa window na nasa labas si Sofia kaya umakyat ako ng palihim. Hmmm baka nasa kwarto si Alex? Habang tinitingnan ko yung bawat pintuan ng kwarto, napahinto ako sa isang kwarto dahil may narinig ako nagbukas na pinto dun sa loob ng kwarto na yun. Kaya dahan-dahan ko binuksan ito. There I saw Alex, napatulala ako ng makita ko siya halfnaked, nakatowel kase ito sa ibaba parang bagong ligo lang ito. Buti nalang nakatalikod ito, s**t! Bat ang perfect mo Alex?! Sarap mo tuloy ikama eh. "Love, have you seen my phone? Narinig ko kase sa loob ng banyo na nagriring ito." narinig niya ata pagbukas ko ng pinto. Love? Ang sarap pakinggan parang ako lang si Sofia uh. Humarap si Alex sa akin, mas lalo ako napatulala ng makita ko yung harap niya. "What are doing here?" Napatingin ako sa mukha nito nakakunot yung noo niya sa akin. Chill Lex wag mong ipakita na naaakit ka sa katawan niya. "Hinahanap ko kase yung Cr, parang nawawala ata ako ang laki kase ng bahay" pagrereason out ko habang nakangiti sa kanya. "Nasa baba, ask my maid" tipid niyang sabi. Alis na Lexie baka dumating si Sofia sabi ko sa sarili ko "Okay. Thanks" dahan dahan ko clinose yung pinto. Gusto ko sumigaw sa kilig, feeling teenager self? Mapapasaakin ka din, alex. Wala pa akong gusto na hindi ko nakukuha. Pagbaba ko dumiretso agad ako sa dining andun parin sila nag uusap kaya lumapit ako kay Kit. Sa ngayon tiisin ko muna si Kit kase siya yung tulay para sa amin ni Alex. "Done?" Tumango ako habang nakangiti, sakto kakarating lang ni Sofia, napatingin ito sa gawi ko kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti. × Nakauwi na ako, at nabibingi na ako kay Jasmine kanina niya pa kase ako kinukulit. "Ikwento mona kase!" Natatawa ako "Haaaays damot mo, hindi man lang magshare" "Eto na" tapos kwinento ko sa kanya ang nangyari. "Really? Buti di nagalit or nahuli man lang ni Sofia?" Ngumiti ako sa kanya "Hangga't di ko pa nakukuha si Alex hindi ako gagawa ng rason para mahuli ni Sofia. At kailangan ko pa makuha ang loob niya at nung bestfriend niya ata yun si Sabrina. Obvious kase na ayaw nila sa akin" "Pero may ichismis ako sayo, may nakausap kase ako isa din sa trabahante nila sa opisina, yun kase matagal na yun sa kompanya. Ewan ko ba kung goodnews to or badnews" huminto to at tiningnan ako ng seryoso. "Hoy ano na?" inis kong tanong pabitin kase. "Nagtanong tanong kase ako about sa boss natin. Alam mo ba na limang taon inantay ni Alex si Sofia? Parang dun palang girl wala kana pag asa, dahil inakala nilang lahat patay na si Sofia kase may pangyayari naganap noon ikakasal na kase sana sila kaso daw ang kwento kinidnap si Sofia" seryoso akong nakikinig dito "Pero habang inaantay nito si Sofia kahit hindi siya sure kung buhay pa ba to or hindi may naging karelasyon si Alex" bigla ito napaisip "Charmaine ata pangalan niya, 8years daw ata ito kulit ng kulit kay Alex para mahalin siya. Pero after 8years huh sinagot na siya ni Alex kahit parang hindi naman ata siya gusto ni Alex" "So?" tanong ko. "Baka sayo after 10years maging kayo na" sabay tawa nito. Binatukan ko siya "Aray naman, nananakit?" "Sira ka kase. At hindi ko aantayin ang sampung taon nuh, malay mo may gagawin ako para wala na siyang takas." Napakunot noo nito "Ano naman?" "Anakan niya ako" nakangiti kong sabi. "Baliw ka girl? As in gagawin mo yan? Baka mapatay ka ni sofia niyan" "Hindi pa naman buo isip ko sa plano ko. Pero 2nd option ko siya pag di ko talaga siya makuha" She sigh "Alam mo kung isumbong nalang kaya kita sa daddy mo? Para matigil kana?" "Alam mo naguguluhan na ako sayo, minsan supportive minsan hindi" inis kong sabi dito. "At plano palang naman, pero mas gugustuhin ko yung mamahalin niya ako nuh. Subukan ko lahat ng powers ko sa paglandi, para lang makuha ko siya" nakangiti kong sabi. "Alam mo sinasayang mo ganda mo, para lang maging kerida, pero ikaw lang ata ang mistress na maganda" sabay ngiti niya sa akin. "Dahil diyan di lang bahay ibibigay ko sayo pati narin kotse" Tas sabay kaming napatawa. Hay naku Alex, nababaliw na ata ako sayo. Parang kaya kong gawin ang lahat makuha ka lang :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD