CHAPTER 04

1338 Words
"Ano ayos ba ang pormahan ko?" Napataas ang isang kilay ni Sophie habang hinahagod ng tingin ang kababata nyang si Leonhart. Nakasuot ito ng kulay itim na sando. Kitang-kita nya ang matipunong pangangatawan nito at pati na rin ang nagkalat na tattoo nito sa braso. Tumalikod pa ito sa kanya at doon ay natigilan sya. Napansin nya kasi ang likod nito na puno ng tattoo. Hindi nya iyon napansin kaninang umaga dahil nagbibihis na ito ng damit nang abutan nya sa ibaba. "May bagong tattoo ka na naman?" takhang tanong nya dito. Halos puno na ng tattoo ang likod nito kaya naman naningkit ang mga mata nya. Lahat ng pagpapa-tattoo nito ay sinasabi nito sa kanya noon, bukod tanging itong bagong nakita lang nya ngayon sa likod nito ang hindi nya nalaman. Napakamot ng buhok si Leonhart sa tanong nya at nag-peace sign ito sa kanya. "Hehe, ang busy mo kasi nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko nasabi sayo agad," paliwanag nito sa kanya. "Eh bakit kagabi hindi mo nabanggit yan?" balik nya dito. "Nakalimutan ko eh. Ang sakit-sakit kaya ng ipin ko. Wala na nga ako sa sarili dahil sa sobrang sakit." ngumuso ito sa kanya at nag-iwas ng tingin. "Sus! Ang galing mo talaga lumusot kahit kailan. Bakit hindi mo pa palagyan ng tattoo pati 'yang mata mo?" sarkastikong sabi nya. Ngumisi naman ito sa kanya. "Pwede rin," anito at nagtaas-baba ang kilay. Binato nya ito ng throw pillow na nahawakan nya. Mabilis naman nitong nasangga iyon. "Oh bakit na naman?" tanong nito sa kanya. Napailing lang sya. Nagtatampo sya dahil hindi nito naalalang sabihin sa kanya ang ginawa nitong pagpapaburda. Kahit maliit na bagay lang iyon ay naiinis sya. Ngayon lang kasi nakalimutan ni Leonhart ang bagay na 'yon. Tumahimik sya at naupo sa couch. Nakabihis na sya suot ang malaki at maluwang na t-shirt ni Leonhart. May nakasulat na Buzz Tone sa harap ng damit nya at may design na drum sticks. Kulay itim iyon at hanggang tuhod nya. Nakashort sya ng maiksi at tinernuhan nya ng puting rubber shoes ang suot nyang damit. Feel nya ay mukha na syang rakista at hindi siguro aakalain ng makakakita sa kanya na dentista sya. Sanay sya sa ganitong pormahan dahil na rin kay Leonhart. Tumabi si Leonhart sa kanya habang inaayos ang sapatos nito. "Bakit ka tumahimik dyan? Nagtatampo ka ba? Sorry na," lumamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Bumuntong-hininga sya at inirapan ito. "Hala sya, sorry na nga eh. Sumasakit kasi ang ipin ko kaya hindi ko yun nabanggit agad sayo," paliwanag nito sa kanya. Tiningnan nya ito sa mga mata at ngumiti ito. Nasilayan na naman nya ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Geez! Kaya ayaw na ayaw nya itong tinitingnan ay dahil lagi syang napapako sa gwapong mukha nito, pero hindi naman nya iyon maiwasan dahil nasisiyahan syang pagmasdan ito. "Ang gwapo ko ba?" tudyo nito sa kanya kaya napakurap sya. Kaagad syang nag-iwas ng tingin kay Leonhart. "Ang kapal mo!" umirap sya dito at humalukipkip. Pasimple na lang nyang pinagmasdan ang ginagawa nitong pagtatali ng sintas ng sapatos. Maya-maya ay nakarinig sila ng busina mula sa labas kaya nagmamadaling tumayo si Leonhart. Sigurado sya na ang mga kabanda na nito iyon. "Nandyan na sila, halika na," anito sa kanya matapos nitong matanaw ang sasakyan sa labas. Hinila na sya nito sa kamay kaya nagpatianod na sya dito. Sumakay sila sa puting van at si Kalil pa lang at si Draco ang naroon. "Hi Doktora!" bati sa kanya ni Draco. Ngumiti lang sya dito. "Hello Draco, kamusta ka?" tanong naman nya dito. "Okay lang Doktora. Kamusta na 'yang si Leonhart binunot mo na ba ang bagang nyan?" tatawa-tawang sabi nito. Nakita nyang sinamaan ito ng tingin ni Leonhart. "Ay! Hindi pa pala nabunot ni Doktora ang bagang mo bro, mukha ka pa ding alien," humagalpak ito ng tawa matapos pagmasdan ang mukha ni Leonhart. "Tangna ka!" singhal naman dito ni Leonhart. Natawa na lang sya dahil sanay na sanay na sya sa mga ito. May kalokohan kasi talaga ang mga P.A ng Buzz Tone. Magkatabi sila ni Leonhart sa loob at sa harap nila nakapuwesto si Draco at Kalil. Ngumiti lang si Kalil sa kanya kanina pagpasok nya. Mukha kasing abala ito sa cellphone nito dahil titig na titig ito roon. "Kuya Ricky doon na tayo kila Zach," ani Draco sa driver kaya umandar na ulit ang sasakyan. Pupuntahan na nila ngayon si Zacharias at pagkatapos ay si Wesflo naman. Habang daan ay tahimik lang sila ni Leonhart. Nakasandal ang ulo nito sa balikat nya at sya naman ay tahimik na nagcecellphone. "Doktora, hindi ka ba niligawan ni Leonhart kahit minsan?" bigla ay tanong sa kanya ni Draco pero nakatalikod ito sa kanila. Natigilan sya sa tanong nito. Hindi nya alam kung bakit bigla nitong naitanong ang bagay na iyon. Matagal na silang magkaibigan ni Leonhart at yun lang naman ang namamagitan sa kanila wala ng iba. "Para kang tanga magtanong gunggong," si Leonhart ang sumagot. Tumawa naman si Draco at lumingon sa kanila. "Doktora, bukas ay pupunta ako sa clinic mo at magpapabunot ako ng ipin. Baka pwede na din pumormal ng ligaw sayo." nakangising sabi nito sa kanya. Napangiti na lang sya dahil lagi syang binibiro ni Draco kapag nagkikita sila nito. Alam nyang biro lang talaga iyon at hindi nya alam kung bakit lagi sya nitong binibiro ng ganoon kapag magkasama sila ni Leonhart. "Hindi ka type ni Sophie. Gusto mo ako na lang ang magtanggal ng mga ngipin mo? Libre na lang." si Leonhart ulit ang sumagot. Natawa si Kalil at lumingon tuloy ito sa kanila. "Ito naman, masyado kung maka-bakod. Akala ko ba bestfriend lang?" tudyo ni Kalil. "Bestfriend ko nga sya kaya pinoprotektahan ko sya sa mga lamanglupang katulad ni Draco," sagot ni Leonhart. "Langya ka, ano namang akala mo sakin maligno? Si kuto lang yun!" ani Draco na ang tinutukoy ay si Roz. Nagtawanan na lang sila hanggang sa huminto ang van sa tapat ng bahay ni Zacharias. Bumusina ang driver nila at mabilis naman na lumabas si Zach mula sa bahay nito. Patakbo itong lumapit sa kanila at agad na pumasok sa loob ng van. Ngumiti ito nang makita sya nito. "Hi, Doktora!" bati nito sa kanya. "Hi your face Zach." sagot ni Leonhart at tinapik-tapik nito ang dibdib ni Zach. "Anyare sayo mukha ka pa ding alien," sabi ni Zach at umatras. Bumaba ito para pumwesto na lang sa tabi ng driver. Nang makaupo ito roon ay umandar na ulit ang sasakyan. "Nandoon daw ba kila Wes si Roz?" tanong ni Kalil kay Zach. "Oo nagtext sya kanina, doon na lang daw natin sya daanan," sagot ni Zach. Tiningnan nya si Leonhart at nakapikit lang ito habang nakasandig sa kanya. "Sumasakit pa ba?" mahinang bulong nya dito. "No, it feels better now," sagot nito kaya nakahinga sya ng maluwag. Ilang minuto lang ay nakarating na din sila kila Wes. Bumusina ulit ang driver at lumabas na si Wes sa pinto kasama ang P.A nito na si Roz. Sumungaw naman sa bintana si Draco dahil bumalik pa si Wes at humalik muna sa asawa nitong si Deveraux. "Sana all boss Wesflo!" sigaw ni Draco kaya binatukan naman ito ni Roz na nauna ng sumampa papasok sa loob ng sasakyan. Sumunod na rin si Wesflo matapos itong makahalik sa asawa nito. Sa pinakalikod pumwesto ang mga ito. Kumaway si Deveraux kila Draco na syang natatanaw nito sa bukas na bintana ng van. Nang umandar ang sasakyan ay nagtanong sya kay Wes. "Wes, may kasama ba si Deveraux sa bahay nyo kapag umaalis ka?" tanong nya dahil nacucurious sya. "Wala," tipid na sagot nito sa kanya. As usual tipid pa din itong magsalita pero hindi na tulad ng dati dahil madalas na itong ngumiti. "Hindi sya natatakot?" tanong pa ulit nya. "Hindi Doktora kasi wala naman pwedeng gumalaw kay Deveraux sa lugar nila bossing. Katakot na lang nila sa boss loverboy ko," si Roz na ang sumagot sa tanong nya. Napatango-tango na lang sya sa sagot nito. Bilib din sya sa asawa ni Wes dahil ang tapang nito. Bata pa ito noong mapangasawa ni Wes at ito ang dahilan kung bakit nagbago ang Wes Flores na may pusong bato noon. Natutuwa sya na malaki na ang pinagbago ni Wes ngayon dahil kay Deveraux.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD