Saktong 9:00 PM nang makarating ang Buzz Tone sa venue. Inalalayan ni Leonhart na makababa si Sophie mula sa sasakyan. Nauna ng naglakad sa loob ang bokalista nilang si Zach, sumunod ang gitarista nila na si Kalil at naiwan pa sa sasakyan ang bassist nilang si Wes.
Habang naglalakad sila ni Sophie papunta sa loob ng bar ay nadaanan nila ang ilang mga kababaihan na agad syang nahila upang magpa-picture. Natigilan si Sophie nang tingnan nya ito. Tumango lang ito sa kanya at ipinaubaya sya sa mga fans na nagkakagulo.
"Miss, pwede bang magpakuha sayo ng picture?" sabi ng isang babae kay Sophie. May hikaw pa ito sa dila.
"S-sure," sagot naman ni Sophie at tinanggap ang cellphone ng babae.
Ngumiti sya sa camera nang kuhanan sila ni Sophie ng picture. Umangkla pa ang braso ng babae sa kanya. Sa ikalawang pagkuha ni Sophie ng picture ay humalik naman ang babae sa pisngi nya.
Nagulat sya doon at bahagyang natigilan si Sophie.
"Thank you Miss!" nakangiting sabi ng babae matapos ibalik ni Sophie dito ang picture.
Kaagad naman syang lumapit kay Sophie at nagmamadali itong hinila para lagpasan na ang iba pang mga fans.
Pumasok sila sa loob ng isang salaming pintuan. Parang private room iyon, may nagpeperform pa kasi sa stage at sila na ang susunod dun.
Nasa loob na ang mga kasama nya pero wala pa si Wes. Naupo muna sila ni Sophie habang ang dalawang P.A nila na si Draco at Roz ay umiinom na ng alfonso.
"Nasaan na si Wes?" tanong nya sa mga ito.
"Susunod na 'yon," sagot naman ni Draco.
"Baka mamaya ay mawala na naman 'yon ha," paalala nya sa mga ito. Minsan na kasing nawala si Wes noon at kinidnap ito ng mga taong nakaaway nito. Pero okay na ang kasong iyon ngayon. Siguro naman ay wala ng magtatangkang gumawa ulit niyon kay Wes.
"Masyado ka namang nerbiyoso. Oh ayan na pala sya eh."
Napalingon sya sa tinatanaw ni Roz at naroon na nga si Wes. Naglalakad na ito palapit sa kanila.
"Ang tagal mo boss lover boy!" ani Roz dito nang makapasok na si Wes.
"Hindi pa ba tayo tutugtog? Wala namang kwenta yung nagpeperform sa stage paalisin nyo na," anito sa kanila.
"Ang hard naman nito, hayaan mo ng matapos para naman makapagpahinga muna tayo," sabi ni Draco.
"Ulul! Ang sabihin mo gusto mo lang uminom," sabat naman nya.
"Ganoon na nga," tumatawang sagot nito sa kanya.
"Ang daming chicks sa labas Leonhart ah? Bakit behave ka yata ngayon?" tanong ni Zach sa kanya. Halatang nang-aalaska ito sa paraan ng pagngisi nito sa kanya.
"Oo nga, wala ka bang balak itangay ang isa sa mga chika babes dun? Nakita ko may nagpa-picture pa sayo kanina ah."
Isa pa 'tong gagong si Roz. Kailangan ba talagang pag-usapan ng mga ito ang bagay na yon sa harap ni Sophie?
"Nagbago ka na yata Leonhart." tatawa-tawang sabi ni Kalil at sumulyap kay Sophie.
"Mga gunggong!" singhal nya sa mga ito at pasimpleng sinulyapan si Sophie sa gilid nya. Tahimik lang ito habang nagcecellphone.
Alam naman nya sa sarili nya na babaero sya pero ayaw nyang naririnig ni Sophie ang bagay na 'yon. Ayaw nyang napag-uusapan sa harap nito ang mga kalokohang nagagawa nya pagdating sa mga babae.
"Sophie?" tawag nya sa pangalan nito.
"Hmm?" sagot nito pero hindi sya nito tinitingnan at nakatutok lang ang mga mata nito sa cellphone. Kinuha nya ang cellphone sa kamay nito para pukawin ang atensyon ng best friend nya.
"Sumama ka lang ba sakin para mag-cellphone dyan?" naiiritang tanong nya.
Nag-angat naman ito ng tingin sa kanya.
"Hindi pa naman kayo tumutugtog ah?" sabi nito at tinangkang bawiin ang cellphone sa palad nya. Hindi nya iyon binigay at inilayo dito.
Bakit naiinis sya?
Naiinis sya dahil tila ayaw sya nitong pansinin. Bigla na lang itong naging tahimik.
"Ibalik mo nga sakin 'yan Leonhart!" anito at pilit kinukuha ang cellphone sa kanya.
Tiningnan nya ang screen ng cellphone nito at nagfe-f*******: pala ito.
Napaawang ang labi nya nang makitang nakahinto ang screen sa isang profile na mukhang kanina pa nito iniistalk.
Lalaki ang nasa picture at kilala nya ito.
Ito yung sikat na modelo na taga doon lang din sa kanila.
Naningkit ang mga mata nya kay Sophie.
"Why are you stalking this gay huh?" tila nanginig ang kalamnan nya habang nagtatanong sa kanyang kababata.
Type ba nito ang baklang kapitbahay nila?
Tss!
Modelo nga ito pero mukha naman itong bakla.
"May masama ba doon? Ang gwapo nya kaya," sagot ni Sophie at tila kinilig pa ito.
Nalukot ang noo nya.
"Gwapo? Tss! Mukha kayang bakla ang gunggong na 'to. Nasabi lang na modelo akala mo kung sino na," inis na wika nya at pinindot ang back ng screen sa cellphone ni Sophie. Nakahubad pa ang gunggong na lalaki sa profile picture na syang pinagmamasdan ni Sophie. Naiinis sya. Bakit nagugwapuhan ito sa lalaking 'yon? Di hamak naman na mas gwapo sya kaysa dun.
"Taasan mo nga ang standards mo."
Umismid sya at ibinalik dito ang cellphone.
Tumaas ang isang kilay ni Sophie sa kanya.
"He's a model–"
"Yeah, pero hindi sya gwapo!" putol nya sa sinasabi nito.
"Teka, may LQ ba kayong dalawa? Dito nyo pa talaga balak mag-away?" sabat ni Draco.
Sinamaan lang nya ito ng tingin.
"Ano bang ikinagagalit nyan Sophie?" tanong ni Kalil.
"None of your business, man!" mabilis na sagot nya at umiling-iling.
"Ewan ko sa kanya. Nagagalit sya porket tinitingnan ko ang picture nung model naming kapitbahay," nakangusong sagot ni Sophie.
Namilog ang mata ng mga kabanda nya at ngumisi ang mga ito ng nakakaloko.
"Oh! Nagseselos ka Leonhart?" malakas na tanong ni Kalil. Alam nyang sinadya nito iyon para alaskahin sya.
"Dimwit!" singhal nya dito at bumaling ng tingin kay Sophie. Ngumiti lang ito sa kanya kaya mas lalo syang nainis. Proud pa talaga ito na type nito ang baklang iyon. Tss! Napabuntong-hininga sya.
Hindi sya nagseselos. Naiinis lang sya dahil ang mga tipong nagugustuhan na naman ng kaibigan nya ay yung lalaking alam nyang hindi mapagkakatiwalaan. Kilala rin kasi na babaero ang Zayn Corpuz na iyon kaya nag-aalala lang sya. Ayaw na nyang masaktan ulit ang kaibigan nya. Ayaw nyang maloko na naman ito. Sinabi lang nyang bakla iyon dahil naiinis sya. Ang totoo ay natatakot sya na baka isang araw magising sya na nobyo na ito ni Sophie, hindi malabong mangyari ang bagay na iyon dahil maganda ang kaibigan nya.
Naputol ang pagngingitngit ng kalooban nya nang tawagin sila sa stage. Sila na ang magpeperform. Sinamahan na ni Draco si Sophie sa harapan at hinanapan ito ng magandang pwesto para makapanood.
Pilit nyang kinalma ang sarili bago naupo sa harap ng instrumento nya. Inihagis nya ang drumsticks at sinalo iyon. Tinesting nyang pumalo sa tambol at doon ay napangiti na sya. Nasa harapan na si Sophie at ngumiti ito sa kanya, kahit naiinis sya dito kanina ay kumindat sya dito at gumanti ng ngiti. Parang biglang nahiya ang kababata nya dahil ibang ngiti ang napansin nya sa labi nito matapos nya itong kindatan. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at nagsimula ng magsalita si Zach. Tumugtog na sila at nagsigawan ang mga fans.
Unang kinanta ni Zach ang Thunder kaya agad syang pumalo sa tambol nya. Hindi nya alintana ngayon ang namamaga nyang ipin, mabuti na lang talaga at nawala na ang sakit ng ipin nya.
Umaalingawngaw ang sigawan ng mga tao habang tumutugtog sila sa entablado. Madalas syang mapatingin sa gawi ni Sophie at napansin nyang umiinom na pala ito ng San Mig Light. Naningkit ang mga mata nya dito.
Si Draco ay nasa gilid nya habang chinecheck ang mga gamit nila. Si Roz naman ay nakangisi habang nakatanaw sa mga tao. Hinila nya ang braso ni Draco at pasimple itong binulungan.
"Bantayan mo si Sophie," aniya dito dahil napansin nyang may mga lalaki na sa likod nito.
"Copy."
Iyon lang at mabilis ng bumaba si Draco upang lapitan si Sophie.
Talagang uminom pa din ito kahit pinagbawalan na nya ito noong nag-usap sila. Ang tigas din talaga ng ulo ng best friend nya.
Isang oras din ang lumipas bago sila natapos tumugtog. Naglakad sya patungo sa pwesto ni Sophie pero naharang naman sya ng ilang mga kababaihan. Na-harass na sya agad ng mga ito at pinalibutan. Nalukot ang noo nya pero pinilit nyang ngumiti sa mga ito. Sunod-sunod ang datingan ng mga nagpapapicture sa kanya kaya hindi sya makatakas.
Mahina syang napamura sa sarili.
Tinatanaw nya si Sophie sa di kalayuan at nagulat pa sya dahil nakatingin pala ito sa gawi nya at sa mga babaeng kasama nya.
Malalim ang tingin nito pero hindi naman nya mabasa kung ano ang ipinapahiwatig niyon. Nang matapos ang mga babaeng magpapicture sa kanya ay saka lang sya nakahinga ng maluwag.
"Sophie!" nakangiting tawag nya sa kababata nya nang makalapit sya dito. Inabutan sya agad nito ng sandong pamalit sa pawisan nyang damit.
"Magpalit ka muna, pawis na pawis ka," anito sa kanya at tinanggap naman nya ang damit.
'Thanks!" sambit nya at inakbayan ito. Kailangan na nilang umalis bago pa ulit sya pagkaguluhan ng mga tao doon.
Lumabas sila ng bar at dumiretso sa van para doon na sya magpapalit ng damit. Naroon na pala si Wes sa loob pero wala pa sila Kalil.
Nakahubad si Wes at nagbibihis din ito kaya naman madali nyang tinakpan ang mga mata ni Sophie.
"Leonhart, what are you doing?" takhang tanong ni Sophie sa kanya.
"Tsk, basta!" sagot nya dito.
"Possessive huh?" ani Wes dahil sa nakita nitong ginawa nya. Nakangiti ang mga mata nito at nakataas ang isang sulok ng labi. Nahiga na ito sa likod ng van matapos makapagbihis. Napailing na lang sya.
Saka lang nya inalis ang pagkakatakip sa mga mata ni Sophie nang matapos si Wes.
Pinunasan naman sya ni Sophie matapos nitong pagmasdan ang pawisan nyang mukha at leeg.
Napalunok sya habang tinitingnan ito sa ginagawa nitong pagpupunas sa kanya.
Nagtama ang mga mata nila kaya nagtanong ito.
"W-why?" nagtatakhang tanong nito sa kanya.
Mabilis syang umiling.
"N-nothing," medyo utal na sambit nya.
Napatango-tango naman si Sophie at hinubad na nya ang basa nyang damit. Nagpalit na din sya gamit ang ibinigay nitong sando.
Nang makapagpalit sya ay ilang minuto pa silang naghintay sa loob ng van bago dumating ang mga kabanda nya. Binigay muna ni Roz ang bayad sa kanila ng may-ari ng bar bago nila nilisan ang lugar. May sariling sasakyan ang manager nila na si Boss B kaya hindi nila ito madalas kasama sa van. Kasunod na rin nila ang sasakyan nito na umalis.