"Ang tagal naman matapos ng tugtog. Baguiong-baguio na 'ko," excited na sabi ni Roz habang nakatanaw kila Leonhart na kasalukuyan ng tumutugtog ngayon. "Last song na nila," sabi ni Draco mula sa gilid nya. Nagpuso-puso ang mga mata nya dahil sa sinabi ni Draco. Sa wakas ay matatapos na din ang Buzz Tone. Makakabiyahe na sila patungo sa Baguio. "Yes!" sambit nya habang nakangisi. Nasa likod sila ng Buzz Tone habang hinihintay na matapos ang mga ito. Sumulyap sya sa harapan kung saan nakaupo sina Deveraux at Sophie. Parehong nanonood ang mga ito. Kasama nila ito mamaya. Madaming tao sa bar na kinaroroonan nila ngayon at ramdam nya ang init. Mabuti na lang talaga at ready na sya. May dala syang pamaypay kulay pink nga lang at hello-kityy ang design. "Pfft! Tangina, ayos 'yang pamaypay mo

