Kinaumagahan ay nagising si Sophie na wala na sa tabi nya si Leonhart. Nakarinig sya ng lagaslas ng tubig mula sa cr kaya narealize nya na malamang ay naroon si Leonhart at baka naliligo ito. Nakabalot pa ng kumot ang katawan nya dahil sa sobrang lamig. Ang aga namang naliligo ni Leonhart? Napabuntong-hininga sya. Kunsabagay ay maaga silang maglilibot mamaya. Bumangon sya mula sa pagkakahiga at ilang saglit na nag-isip habang nakaupo sa kama. Napako ang mga mata nya sa malabong salamin ng pintuan ng banyo kung saan naroon si Leonhart. Napangiti sya at tumayo. Unti-unti nyang tinanggal lahat ng saplot nya sa katawan at mabilis iyong nalaglag sa sahig. Humakbang sya patungo sa loob ng banyo at walang pagdadalawang-isip na pumasok sya roon. Naabutan nya si Leonhart na naliligo habang

