“Daddy! Yehey!” Masaya si Terrence na sinalubong ang ama. Hindi konsila pinansin. Nagdaramdam pa rin ako kay Troyce. Mga anak ko lang talaga ang pakay niya. Kung ganun, samantalahin ko ang pagkakataon. “Inayos ko na ang bill, let's go.” tumingin lang siya sa akin saglit saka hinarap si Terrence. Dinampot ko ang sling bag na binalik sa akin ng nurse. Kinuwenta ko ang pera sakto naman at walang nabawas. Naglakad akong mag-isa habang hawak kamay silang mag-ama. Siguro nga galit sa akin si Troyce dahil siya na mismo ang umiiwas na magkalayo kami. Hindi katulad nung unang taglo namin after 3 years. Ibang iba umasta si Troyce ngayon. Totoo kayang mga bata langnang kailangan niya at hindi ako kasama sa plano? Eto na naman ako sa pag-iisip ng kung ano ano. Ayaw ko ng umasa kung sakali Alam

