Sa dami ng problema ko, gusto ko ng matapos lahat ito. Hinihiling ko na kung mayaman lang kami hindi ako nakaranas ng kung ano man ang pinagdaanan ko ngayon. Kung mahal talaga kami ni Troyce, sana noon pa niya kami hinanap. “At sino ka naman sa aka– Troyce?” napatingin ako sa anak ko, gusto kong pagalitan siya pero huli na. “Bakit hindi mo agad sa akin sinabi na nakita mo ang Daddy mo?” bulong ko, nabigla talaga ako sa pagdating ni Troyce. “Hindi ka naman kasi nagtanong, Mommy. Syempre hindi ko rin sasabihin.” pilosopong sagot ni Terrence pero alam ko naman na nangangatwiran lang ang anak ko. Tama nga naman, hindi naman ako nagtanong. Sumimangot ako. Sino ba ang nagsabi sa kanya na sundan kami? Tapos ngayon siya pa ang may ganang magalit? Hindi ko tiningnan si Troyce. Biglang umusb

