Nagising ako na nasa ibabaw na ng kama dahil sa mariing pisil sa aking mga daliri. Napadiin yata ng sobra kaya mabilis napukaw ang aking ulirat. Malinaw na malinaw sa isip ko ang mga nangyari kaya napabalikwas agad ako. “Ang anak ko, nasaan, sino ang kumuha? Bakit ninyo pinabayaan?” sunud-sunod kong tanong, tiningnan ko ang mukha ng bawat nurse pero walang tumugon ni isa sa kanila. Napahagulhol na ako ng tuluyan. Terrence… Si Terrence na lang pinakamahalaga sa akin tapos hindi ko pa makikita. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung nasaan ang anak ko. Bigla akong nag-hysterical sa galit, nahila ko ang collar ng ng isang nurse. “Nasaan ang anak ko?!” sumigaw ako ng sumigaw dahil sa sobrang frustration ko kaya agad na tinulungan ng ilan ang kapwa nurse nila at hinawakan ako s

