“Wow, Mommy! Big time, hmmm!” inamoy pa ni Terrence ang kahon. Hindi ko alam kung maaawa ako sa anak ko o matatawa. Nakakakain naman siya noon ng masasarap na pagkain. Pero dahil bihla kaming naghirap na dalawa, takam na takam siya. Lahat ng kung anong karangyaan na meron kami noon biglang nawala. Ang mga laruan niya ay bigay lang ni Aling Mega. Nahihiya naman ako na makipanood ng TV sa bahay ni Aling Mega kaya sa cellphone ko na lang siya pinapanood ng cartoon shows. Naiwan namin sa Italy ang iPad niya. “Mommy, kainin na natin, please.” excited na talaga ang anak ko kaya pumayag na akong kainin na niya ito. Siguro naman walang laso o kahit na anong nilagay sa pagkain. Natatkot din ako baka mamaya pareho na kaming malamig na bangkay bukas na mag-ina. Ganado kumain si Terrence, simula

