DC41: Chickenjoyer

1201 Words

Habang tulog si Terrence, naglinis ako ng bahay. Pagkatapos ay kinuha ko ang iba naming labahin. Dahil mahina ang apsok ng tubig sa banyo at upang hindi magising sa ingay ng lagaslas ng tubig ang anak ko, sa labas ako naglaba. Pati bareta ng sabon ay kailangan kong magtipid ngayon. Hinahati kon at kinakanaw lang sa tubig kapag bumula ay tinutuyo ko upang hindi matunaw agad. Kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho bukas. Pakikiusapan ko si Aling Mega na bantayan si Terrence, magda-dagdag na lang ako ng bayad kapag natanggap ako. Halos patapos na ako sa pagsasampay, napuna kong parang may taong nakatingin sa akin. Nilingon ko ang pinto sa kabilang bahay, sarado naman ito. Hinayaan ko na lang kung sino man itong nagmamasid sa amin. Baka naiingayan sa lagaslas ng tubig. Nagmamadali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD