Isang buwan na ang nakalipas simula ng dumating kami sa Maynila ni Terrence. Hindi pa rin maampat ang luha ko sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari. Alam kong alam na nilang lahat ang pag alis namin pero alam kong hindi na ako hahanapin ni Troyce. Wala na rin akong ihaharap na mukha kay Treva. Malamang nagtatampo rin sa akin sina Travis, Troyce, at lalo na si Trevor na hindi man lang nakita sa personal ang pamangkin. Nakakausap lang nila kami sa video call at nangako ako na hihintayin namin sila sa kasal namin ni Troyce. Oo, alam kong ako ang ikakasal. Walang pagsidlan ng saya ang puso ko nung oras na malaman ko yun. Nalaman ko ang lahat ng iyan kay Fionah. Na kami pala dapat ang ikakasal ni Troyce. Lihim lang dapat iyon at surpresa sa akin ng lahat. Kaya nga kumpleto ang sinukat at

