“Look, Mommy. I have something for you.” pinakita sa akin ni Terrence ang isang box. “I wanted to open them but Tita Treva said it would be nice if you and Daddy were here. Let's open it together.” “Really, let's see what's inside.” ginulo muna ni Troyce ang buhok ni Terrence saka sumalampak sa sahig. Inabot naman ni Treva ang gunting sa kapatid niya upang mabuksan ang box. Halos hindi humihinga ang anak ko. Maging ako ay excited kung ano ang laman ng box. Tinakpan din ni Terrence ang kanyang mga mata kaya pati ako ay napilitang pumikit. “Wow!” bulalas ni Terrence nang makita kung ano ang laman ng kahon. Photo frame iyong ng iba't ibang kuha ng litrato noong first time namin mag-dinner magkakasama sa Lucban, Quezon. Ang mga kuha namin sa pamamasyal at ang pictures namin sa unang flig

