“Ano ang nangyari sayo?” agad ko siyang sinalubong ay niyakap. Hindi siya sumagot. Hirap na hirap maglakad si Troyce, iniisip ko baka nagpalango siya sa alak kaya lasing na lasing. Kinilabutan ako dahil nakita ko. May dugo ang kanyang noo at may tulo pa sa kanyang puting polo. “Troyce, oh god. Ano ba ang nangyari sa'yo.” natataranta ako at kahit hirap ay pilit ko siyang inakbay sa balikat ko. Mabuti na lang at may gising pa na ilang katulong. May lumabas na dalawa at tinulungan ako ma maipasok sa bahay si Troyce. Nang ipasok kami sa lift, biglang nagsalita ang isang maid. Hindi na ito sumabay paakyat. Hindi ko maunawaan ang mga sinabi niya sa kasama pero umalis siya samantala ang isa ay tinulungan akong maiakyat si Troyce. Pareho kaming hinga na hingal ng helper. Sobrang bigat ni Tro

