“Is it bad to place my things properly? Or baka gusto mo ring mapalo talaga kita ng belt?” balik tanong sa akin ni Troyce. Titig na titig siya sa akin. “T-Troyce..a-akala ko ba nasa Italy ka?” napaurong ako sa kama hanggang sumagad ang likod ko sa headboard. “I did and I just came home. It's been a week and I miss you so much..” sumampa na sa kama si Troyce, crawling near to me. Oo nga pala, halos hindi ko namalayan napakabilis ng araw, dahil sa kakaisip ko ng kung ano ano at dahil busy rin kami ni Terrence hindi ko na napapansin ang paglipas ng mga araw. Isang linggo na wala kaming ginagawang kahit na ano. Ni halik man lang sa labi ay hindi ako bigyan ni Troyce bago umalis. “N-Na-miss mo ako?” ulit ko, ayaw kong umasa kung sakali. Baka nagkakamali lang ako ng dinig o nagkakamali lan

