Habang kumakain ng dinner, panay nakaw ko ng tingin kay Troyce. Ni hindi man lang ako kinamusta tungkol sa maghapon ko. Matapos makipaglaro kay Terrence ay umakyat na ito sa kwarto niya. Alam kong busy siya pero parang pakiramdam ko ay wala na akong amor sa kanya. Lately iniiwasan niya talaga ako. Sa gabi sinasadya kong matulog sa kwarto ni Terrence upang iparamdam sa kanya na naiinis ako pero kinabukasan magigising na lang ako, yakap ko na si Troyce. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil kapag naman gusto ko na gumanti ng yakap saka naman siya babangon at aasikasuhin ang sarili. Hindi ko maintindihan ang drama ni Troyce hanggang sa masanay na ako at nakalimutan ko na ang balak kong paghihiganti. Sa loob ng isang linggo na wala kaming body contact at busy pareho, para kamin

