“Shoot!” sagot ni Troyce sa kanyang kapatid. “Ano ang gagawin ninyo? Anong klase bang laro 'yan?” Nagpupumiglas ako lalo, iba talaga ang tumatakbo sa utak ko. Hindi kaya kagaya sa mga pelikula na tulad ng Apocalypto ang theme ng laro nila? Papanain o kaya ay babarilin? Pagugulungin ang putol na ulo pagkatapos? Miyembro ba sila ng kulto? Ang dami kong tanong. “Sssh, calm down. Just trust me, okay? I will take you home.” baling sa akin ni Troyce. Napatingin ako sa mukha ng mga kapatid niya, saka ko lang napagtanto, pare-pareho sila ng gupit ng buhok, style at maging kulay ng damit at sapatos. Shit! Paano ko malalaman kung sino sa kanila si Troyce? Nag-usap-usap ba sila? Planado ba ang lahat. Kaya ba hindi matukoy kung sino ang pumatay kay Mia Sandoval dahil marami sila? Pinagpasapasahan

