Halos paliparin ko ang kotse ko patungo sa office pero hindi ko na nadatnan si Derek at ang ilan kong ka opisina. Nanghihina at lumong lumo ako dahil sa sinapit ng magkakapatid. Wala kang pinagkaiba kay Mia. Gagamitin mo lang kami para sa sariling kapakanan. Kung gusto mo talagang makabawi, ayusin mo ang gusot na pinasok mo. Isang linggo na ang nakalipas simula nung mangyari ang insidente pero hindi pa rin ako matahimik. Umaalingawngaw pa rin sa utak ko ang galit na boses ni Troyce ning dalawain ko ito sa prseinto. Hindi ako makatingin sa kanya. Ang alam ko hindi naman binuksan ang kaso ni Mia Sandoval upang idiin ang mga Montero. Gusto lang nilang dungisan ng paulit ulit ang mga Montero upang hindi na ito matuloy sa pagkakandidato bilang senador. Ngayong kaharap ko siya pakiramdam ko a

