Kabanata XIII

1587 Words
XIII: Mine Ano naman ngayon kung mabaliwala ako? Wala akong pakialam ang mahalaga lang naman sa akin ay maiparating ko sa kaniyang gusto ko siya. At kahit na itaboy niya ako palayo, wala akong pakialam. "O-Oh? Matt!" Bakas ang gulat sa mukha ni Mian nang makita ako sa labas ng kanilang gate. Ngumiti ako at kumaway saka humakbang palapit sa kaniya. Nakaguhit pa rin ang pagtataka sa kaniyang mga mata. Habang ako malawak ang pagkakangiti na nakatitig sa kaniya. Basa pa ang buhok niya, halatang katatapos lang maligo. Suot na niya ang kaniyang uniporme at nakasukbit sa balikat niya ang kaniyang itim na hawk backpack. "Anong ginagawa mo dito, kupal ka?" Bakas pa rin ang pagtataka sa tinig niya. "Sabay na tayong pumasok," sambit ko. Napangiwi naman siya sa tinuran ko kapagkuwan ay tumawa. "Buang kana ba?" Tumatawa niyang pagtatanong, "Mas malapit ang bahay niyo sa school tapos pinuntahan mo pa ako dito para lang sumabay pumasok? Yung totoo Matt, may sapak ka ba?" Tumawa na lang rin ako, "Tara na." Nakangisi ko siyang nilampasan, nagpatiuna akong maglakad. "Hoy! Iyan ba 'yung sabay? Nangunguna-nguna ka!" Palahaw nito na nginisihan ko lang. Ilang saglit nga ay nasa tabi ko na ito at kasabay na naglalakad. "Anong nakain mo?" Tanong naman nito. "Wala, trip ko lang talagang sumabay sa'yo ngayon," usal ko naman. "Hmm, sigurado ka ba? O baka naman may kailangan ka lang? Ano magpapatulong ka ba kung paano mapapasagot si Erica?" "Siraulo. Hindi na ako nanliligaw do'n," saad ko naman. "Huh?" Bakas ang kalituhan sa nakangiwing si Mian. Natatawang umiling na lamang ako, "Basta. Mahabang kwento Mian, wag mo nang alamin." "Ngi? Eh ano yung...ewan ko sa inyo, ang gulo niyo kamo," kakamot-kamot na aniya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Yung totoo, ano ba talagang trip mo? Bakit pinuntahan mo pa ako sa bahay?" Pagtatanong muli nito. Hindi mapakali. "Babantayan lang kita, bakit?" Katuwiran ko naman. "Ano kamo? Babantayan mo? Ako? Sira ka ba?" Pagak na usal nito. "Hinabilin ka sa akin ng daddy mo, hindi malabong bigla na lang susulpot yung gagong ex mo." Tumawa ng malakas si Mian. "Siraulo. Hindi ko na rin naman babalikan ang ungas na iyon," sambit naman niya. Napangiti ako sa tinuran niyang iyon. "Mabuti naman at natauhan kana." Sambit ko. "Teka hindi mo yata dala yung motor mo?" Paglilihis naman niya sa usapan. "Mag-commute na lang tayo," pahayag ko naman. "Ako nagko-commute naman talaga ako, ikaw ba okay lang sa'yo mag-commute?" Tanong naman niya sa akin. "Hindi halata sa akin pero marunong ako mag-commute ano namang akala mo sa akin taong bundok?" Tumawa si Mian at bahagyang tinapik ang braso ko. The sound of her laugh, it's soothing and satisfying. Napapangiti ako ng malawak ng di oras. "Hindi naman sa gano'n, wag kang magalit." Aniya saka umiling. "Daan muna tayo ng seven-eleven," usal ko. "Huh? Why, why, why?" Taas kilay niyang tanong "Lilibre mo ba ako?" Ngumiti ako, "Ano ba gusto mo?" "Ikaw, hindi joke lang." Bira niya sabay tawa. Kikiligin na sana ako, pota biglang siningitan ng 'joke lang'. "Kahit ano, ikaw ba ano'ng bibilhin mo? Yun na lang rin akin," she added. Huminga ako ng malalim, "Paano kung condom ang bilhin ko?" "Tarantado ka!" Malakas na palahaw niya habang natatawa at hinampas ang braso ko ng malakas. "Aray!" Malakas na daing ko. "Condom amputa! Mamaya pagkamalan pa nung kahera na sa akin mo gagamitin 'yon, kupal ka!" Singhal nito sa akin pero nakangiti. Lumawak ang nakakaloko kong ngiti saka humagalpak ng tawa. "Gago, puwede rin naman." Kindat ko naman sa kaniya. Isang kurot ang ginawad niya sa aking tagiliran. "Tang ina mo talaga Matt David Toledo!" Singhal niya sa akin na tinawanan ko na lamang kahit masakit iyong kurot niya sa akin. Pagdating naman namin ng seven-eleven, kumuha ako ng ice cream na chocolate flavor, nakita kong pumipili pa si Mian ng ice cream nilapitan ko ito at tumingin rin sa pinagpipilian niya. "Ayaw mo ng chocolate flavor?" Tanong ko rito. Ngumuso siya at umiling, ang cute. "Hindi ako mahilig sa chocolate. Mabilis akong maumay," aniya. "Uhmm so you hate sweets?" I asked. Bahagya siyang tumango, "Hmm hindi naman ganoon kaayaw, sadyang hindi lang ako mahilig sa chocolate or anything na sweet, pero kumakain pa rin naman ako ng mga matatamis kahit papaano." I see, she's really different. She's unique in her own way. At lalo lang akong naa-amaze sa mga nalalaman ko tungkol sa kaniya. Ang ending Delight ang kinalabasan. Ayaw niya ng ice cream, kaya Delight na lang ang binili ko para sa kaniya, and it's her favorite. "Thank you," ngiting-ngiti niyang aniya habang binubuksan ang Delight. Dinukot ko ang cellphone ko at nagtungo sa camera, kinunan ko siya ng litrato habang umiinom ng Delight. Kasalukuyan kaming naghihintay ng tricycle, at habang wala pa namang dumarating nagtungo muna ako sa f*******: at inilagay sa story ko ang picture niya. Napapangiting tinitigan ko iyon. "Ano 'yan?" Tanong ni Mian sabay dungaw sa cellphone ko. Nakita niya na inilagay ko siya sa story ko. "Gosh! Ang ganda ko diyan Matt, send mo sa akin 'yan," nakangiting aniya. "Ih, ayoko nga." Tanggi ko naman. "Ba't naman? Ipo-profile ko, don't worry lalagyan ko ng credits," aniya saka nag-peace sign pa. Umiling ako, "Hindi pa rin. Mukha ka kayang endorser ng Delight do'n," bulalas ko pa. "Eh ano naman? Sige na send mo sa akin mamaya ha," pamimilit pa niya. "Ayoko nga Mian, kukunan na lang kita ng iba mamaya tapos yun na lang ang ise-send ko sa'yo." Bulalas ko. "Eh yan nga gusto ko, bakit ba ayaw mo i-send sa akin?" Tanong niya pa. "Ang kulit mo talaga. Basta hindi pwede," masyado ka kasing maganda do'n. "Matt naman, bakit nga? Pero nilagay mo sa story mo? Ano kaya 'yun?" Aniya. Tumawa ako at umiling, "Ayoko kasi you're mineral, without ral." Kinindatan ko pa siya. "Huh?" Walang kaide-ideya niyang tanong na nakangiwi pa. Ang talino sa acads tapos tanga pagdating sa sweet na banat? Ay nako Misty Gianna. "Wala. Ayan na tricycle oh," sambit ko at itinuro na ang tricycle na tumigil na sa harap namin. "Punta muna ako kila Janine, sama ka?" Tanong sa akin ni Mian nang nakababa kami ng tricycle. Umiling ako at ngumiti, "Hindi na. Pupunta ako kila Mico," sambit ko naman. "Oh okay. Thank you ulit! Ba-bye!" Nakangiti pa siyang kumaway sa akin. Nakangiting tumango lang ako sa kaniya at pinanood siyang pumasok sa loob ng apartment na nasa tapat ng school namin dahil doon nakatira si Janine. Ako naman ay nagtungo na lang sa Shake House kung saan naroon ang mga kaibigan ko. "Tang ina Matt..." iiling-iling na bulalas ni Arthur sabay tapik sa aking balikat. "Bakit?" Tanong ko at nakiupo na rin sa kanila. Ipinakita sa akin ni Arthur ang cellphone niya at screenshot iyon ng story ko kung saan si Mian ang naroon. Umiling ako at napangiti. "Dinate mo na agad?" Tanong ni Jade. "Hindi date ang tawag diyan. Treat lang 'yan," usal ko naman. "Gano'n na din 'yun gago!" Ani Mico na tumatawa naman. "Kayo ha. Hindi kayo nangsasama maduga kayo," ani Jade. "Gusto ko ngang masolo sasapaw ka naman?" Sambit ko. "Ang sama mo," anito. Pagdating namin sa room wala pa ang grupo nina Mian. Si Erica ang una kong nakita, kasama nito sina Ella at Chesca. Mga nagkukwentuhan lang rin. Dumiretso na ako sa last row kung saan kami nakaupong magkakaibigan. Sinulyapan kong muli si Erica at mukha namang tinupad niya iyong sinabi niya sa akin kahapon. Nakakatawa naman siya at nakakangiti pa kaya wala naman akong dapat na ikabahala. Nagtama ang mga mata namin at nginitian niya lamang ako. Ngumiti lang rin ako pabalik sa kaniya at tinanguan siya. Kapagkuwan ay ibinalik rin niya sa mga kausap niya ang atensyon niya. "Mukhang wala namang problema si Erica sa'yo e," utas ni Arthur. "Tulad nga ng sinabi ko sa inyo nalinaw ko na yung tungkol sa amin." Sambit ko. "Hm, buti naman. Kasi baka si Mian pa ang pag-initan niya. Mainit na nga lagi ulo niyan kay Mian dahil laging pinagmumulan ng ingay dito sa likod," saad naman ni Jade. "Wag naman sana siyang magkakamaling pag-initan si Mian." Bulalas ko. Nagulat ako nang may bigla na lamang bumatok sa akin. "Aray ko sino---" natigilan ako nang makitang si Mian iyon. "Siraulo ka!" Asik nito sa akin. "Anong ginawa ko sa'yo?" Natatawa kong tanong. "Yung sinabi mo kanina tungkol sa mineral! Ngayon ko lang na-gets!" Bulalas ni Mian na tinawanan naman nina Janine, Jaz at Hazel. Natawa na lang rin ako, "Kanina pa 'yun ah." "Ngayon ko lang na-gets. Ang landi mo gago ka." Tinanggal niya ang pagkakasukbit ng kaniyang bag at nagtungo sa kaniyang silya upang ilagay roon ang bag niya. "Ano ba 'yon?" Tanong ni Mico. Tumawa ako at umiling, "Tanong mo sa kaniya." "Ano 'yon Mian?" Tanong nga ni Mico rito. Tumawa si Mian bago sinagot ang tanong ni Arthur. "Sabi niya kasi " you're mineral, without ral" siraulo, " ani Mian. Iiling-iling na tumawa ako. Kumunot pa ang noo ni Mico habang nag-iisip rin. Isa ring tanga, naturingang babaero hindi alam. "Putang ina!" Humagalpak ng tawa si Mico. "Luh? Tuwang-tuwa siya oh," puna ni Janine rito. Nagtawanan na lang rin kami. "Puta ang ko-corny niyo!" Palahaw ni Jade. Si Arthur ay nakangiwi na umiling na lamang. "Mineral without ral? Mine." Ani Mico, "Kaniya ka raw," kinalabit pa nito si Mian sabay tinuro ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD