XIV: Not A Friend
"Hoy! Kayo sa likod hindi ba talaga kayo tatahimik?!" Salubong na ang kilay ni Erica habang sumisigaw at nakatingin sa grupo namin ang mala agila niyang mata.
Mukhang galit na dahil kanina pa kami tawanan nang tawanan dito. Bwisit ba naman si Mico. Ngayon na galit na talaga si Erica ay tuluyan na kaming natigil sa aming ginagawa.
"Ano nanamang problema mo sa'min, naglalaro lang kami e," katuwiran pa ni Jade.
"Naglalaro nga lang kayo bakit kailangang may sigawan pa at tawanan?!" Sikmat naman ni Erica.
Wala kasi yung teacher namin sa MAPEH at si Erica ang naatasang magbantay sa section namin, iyon naman ang trabaho niya bilang president ng klase. Kaya lang di ko naman maikakailang makulit talaga kami.
"Masama bang tumawa, ikaw natawa di ka naman namin pinakikialaman," nang-aasar pang usal ni Mico.
"Shut up Mico, ang baho ng hininga mo. Umaabot dito sa harapan," umirap pa si Erica.
"Wow!" Palahaw ni Mico sabay salikop sa bibig niya, "Mas malapit kaya yang bibig mo sa ilong mo. Baka hininga mo naamoy mo," dagdag pa ni loko.
Napuno ng tanawan ang buong classroom. Maging ako ay hindi napigilan ang pagtawa, dahil takot akong makita ni Erica na tumatawa ako tumungo ako at bahagyang sinulyapan si Mian na batid kong pasimpleng tumatawa rin dahil sa pagyugyog ng balikat nito habang parehas silang nakatungo ni Janine.
"Tuwang-tuwa? Sige lang magpakasaya kayo makakarating 'to kay Ms. Valencia." Pagbabanta pa ni Erica na ang tinutukoy ay ang homeroom teacher namin.
"Wala na. Ang kj mo Rica!" Sigaw naman ni Arthur.
"Kj mo mukha mo Arturo! Walang nakakatawa sa ginagawa niyo! Suking-suki na yang grupo niyo diyan sa likod pagdating sa sawayan! Ano walang kadalaan?!" Patuloy na paninikmat sa amin ni Erica.
"Ohhh..." chant ng buong klase.
Napailing na lamang ako. Sinulyapan kong muli si Mian at nakahilig na ang ulo nito sa balikat ni Janine.
"Inggit lang kayo masaya kasi kami," palahaw naman ni Mico.
"Kayo lang natutuwa sa ginagawa niyo!" Singhal ni Erica, kahit papaano ay kalmado na ito.
"Ganiyan ba ka-boring 'yang buhay niyo para mangialam sa buhay namin," tumatawang palahaw naman ni Jade.
"What? Hindi lang naman kasi kayo ang tao rito, classroom 'to, kung gusto niyong mag-ingay wag dito. Hindi lang kayo ang tao sa mundo, hindi lang tayo ang classroom dito. May nagka-klase rin sa kabilang section!" Pahayag pa ni Erica na nanlilisik na ang mga mata.
"Kahit wala namang tao sa kabilang room dahil PE nila ngayon?" Sarkastiko pang tugon ni Janine.
Nanlaki na ang mga mata ko. Natigilan na rin ang mga kaibigan ko dahil si Janine na mismo ang nagsalita. Minsan kasi iba ring magalit si Janine, wala siyang pakialam sa nasa paligid niya. Wala siyang pakialam kung may umaawat ba sa kaniya o wala.
Nasulyapan ko na kaagad hinawakan ni Mian ang braso ni Janine at bahagyang pinisil iyon.
"Wag nang sumabat!" Saway naman ng VP na si Ella.
"Hindi ako sumasabat! Alam ko namang kasama kami sa tinutukoy niya," tugon naman ni Janine.
"Alam mo palang kasama kayo ba't di kana lang manahimik diyan?" Sikmat ni Erica dito.
At mukhang nagkaka-initan na nga ang mga kaklase ko.
"Ayusin mo rin kasi pananaway mo minsan, namemersonal kana minsan e," bulalas pa ni Janine.
"Kapag inaayos ko inaabuso niyo!"
"Tss e gaga ka pala------"
"Tama na!" Inawat na ni Mian si Janine, "Pasensiya na Erica. Tama na," paumanhin naman ni Mian.
Nakita ko kung paanong inirapan ni Erica si Mian. Ayoko sanang seryosohin ang pag-irap niyang iyon dahil nga bad trip siya pero dahil kay Mian niya ginawa 'yon hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano.
Sa halip ay iwinaglit ko na lamang iyon. Natahimik rin naman ang classroom ng saglit dahil nga sa naganap na away kina Janine at Erica. Ilang saglit lang rin ay bumalik ang gulo nang lumabas si Erica kasama nina Cheska, at Ella. Mga nag-cr siguro.
Nang sumunod na subject ay wala namang gaanong ganap, dahil nag-discuss lang si sir, at nagpalecture. Nag-assign din siya ng groupings para sa presentation namin next week.
Bad trip. Role play pa naman, kaya sigurado na maaga nanaman ang pasok namin dahil sa ilang mga practice. Okay sana kung kagrupo ko kahit isa sa mga kaibigan ko e kaso wala.
"Matt, anong gusto mo? Acting ka or props na lang?" Tanong ng leader ng grupo namin na si Cristal.
Huminga ako ng malalim, "Acting na lang ako," utas ko.
Iyon lang naman ang kaya ko'ng gawin. Wala akong interes sa paggawa ng props tsaka mas matrabaho kung sasama ako sa props men. Okay nang mag-acting na lamang ako atleast scrip lang ang kailangan kong kabisaduhin, tsaka isa pa hindi naman kailangang bonggahan ang pag-arte lalo pa at presentation lang naman ito sa classroom.
"Okay. Gagawa ako ng gc, kapag na-finalize ko na 'yung mga role niyo doon ko na lang isesend and then sisimulan na namin ni Cheska 'yung script niyo, okay ba 'yun?" Paliwanag naman ni Cristal.
"Okay na 'yon," ani Brianna.
Habang abala sila sa pagbubusisi ng kung ano-ano tungkol sa magaganap na presentation, sinulyapan ko naman ang grupo nina Erica. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita na kasama sa grupo nila si Mian.
Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko sila. Paminsan-minsan kong nakikita ang pagtango ni Mian habang nag-sasalita naman ni Erica.
Hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko para sa groupings na ito. Wala naman akong dapat na ikabahala 'di ba? Okay lang naman na magka-grupo si Mian at si Erica.
Iba't-ibang klase ng bullying ang na-assign na ipe-perform namin para sa subject na Values. Pagandahan na lang siguro kung paano ipe-present ang naturang performance.
"Guys, punta na ng science lab, naghihintay na si ma'am," anunsyo ni Erica.
"Nakakapagod. Bababa tayo ng science lab tapos mamaya comlab naman. Tapos aakyat para sa English, tang ina." Dinig kong reklamo ni Jaz.
"Buhatin na lang kita gusto mo?" Nang-aasar na tanong ni Mico rito.
Kaagad na pinaikot ni Jaz ang kaniyang mga mata.
"Tss, 'di ko naman sinabing kailangan ko ng taga-buhat." Asik ni Jaz rito.
"Kayong dalawa 'di magtatagal magkakatuluyan kayo," asar naman ni Mian sa dalawa.
"Oo nga, tamang-tama muse si Jaz, escort si Mico, bagay nga kayo!" Hagalpak naman ni Hazel.
"Yuck, hindi ako pumapatol sa play boy." Irap na muli ni Jaz.
"Maka-yuck naman 'to. Parang si Mico pa ang lugi ah," asar naman ni Janine.
Umiling na lamang ako at tinitigan si Mian na nagsusukbit ng bag sa kaniyang balikat. Gayundin ang ginagawa ng mga kaibigan niya. Ganoon na rin ang ginawa ko. Isa-isa kaming naglabasan ng room at sabay-sabay na naglakad pababa ng building.
Magkakasabay ang nangungunang apat na babae at kami namang apat na lalaki ang nakasunod sa likuran nila. Kahit na sa paglalakad ay walang humpay ang tawanan nila. Ewan ko kung ano ang pinag-uusapan nila at palagi na lang silang tawa nang tawa. Pati tuloy kami ay nahahawa sa ka-hype-ran nila.
"Pag ako di nakapag-timpi liligawan ko 'yang si Jaz," tumatawang bulalas ni Mico.
"Gusto mo ba siya?" Tanong ko rito.
"Sira ka ba? Akala ko pa naman kaibigan kita," ani Mico.
Kumunot naman ang noo ko, "Gusto mo nga?"
Binatukan ako ni Jade.
"Tanga!" Asik ni Jade sa akin.
"'Di ba nga grade eight pa lang crush na ni Mico 'yang si Jaz," ani Arthur.
Kumunot naman ang noo ko, "Hindi ko matandaan na sinabi niya sa akin 'yon," utas ko.
"Mga babae ngang naging girlfriend mo di mo rin matandaan kung sino-sino," sambit naman ni Mico.
"Siraulo," bulalas ko na napapailing.
Muli kong sinulyapan si Mian na naka-angkla naman ang braso sa braso ni Janine habang sabay-sabay silang naglalakad.
"Liligawan mo na ba?" Tanong sa akin ni Jade sa pabulong na paraan saka ngumisi.
Napangiti ako at umiling, "Sa tingin niyo papayagan ako?" tanong ko pa.
Nagkibit-balikat silang tatlo. Sabi ko na, wala akong makukuhang matinong sagot.
"Subukan mong tanungin," sambit naman ni Jade.
"Gagi wag. Baka palayuin lang siya ni Mian, ang magandang gawin pre, wag mong sabihin na nililigawan mo na siya, iparamdam mo na nanliligaw ka," suhestyon naman ni Arthur.
Kumunot ang noo ko sa ibinigay na ideya ni Arthur.
"Hoy!" Tawag ko kay Mian habang siya ay nag-aayos ng mga nagulong upuan.
Nilingon naman niya ako na bahagyang nanlalaki ang mga mata at nakataas ang mga kilay.
"Why?" tanong nito sa akin habang patuloy pa rin sa pagsasa-ayos ng mga upuan.
Last subject na namin at uwian na ang sunod. Kaya naman inaayos na rin namin ang ilang upuan.
"May sundo ka?" Tanong ko naman sa kaniya.
Naniningkit ang mga matang nilingon naman ako nito.
"Wag mo'ng sabihing ihahatid mo ako kung wala," anito.
Napatawa naman ako, "Paano mo nahulaan?"
Umiling ito kasabay ng buntong-hininga.
"Matt, hindi mo kailangang gawin 'yun. Kaya ko namang umuwi mag-isa," utas niya.
What the f**k? Tinatanggihan ba niya ako ngayon?
"Ano namang masama sa paghatid sa'yo?" Tanong ko naman rito.
Muli niya akong nilingon, nanunuri na ang mga mata niya sa pagkakataong ito. Ngunit hindi pa rin ako nagpatinag. Gusto ko siyang ihatid at gusto kong gawin ang bagay na iyon.
"At bakit naman gustong-gusto mo akong ihatid?" siyang tanong naman niya sa akin.
"Wala namang masama 'diba?" Sambit ko saka ngumisi.
"Wala nga. Pero kasi..." kinagat niya ang kaniyang ibabang labi at nag-angat ng tingin sa akin.
Tumaas ang kilay ko, "What?"
"Nandito sa klase natin ang ex mo tapos ganiyan ang asta mo sa akin? Hindi magandang tingnan Matt," bulalas naman niya.
Kumunot ang noo ko't nagsalubong ang mga kilay.
"Tss, ano namang pakialam nila? Ah basta hindi mo ko mapipigilan. Ihahatid kita. Dahil baka mamaya bigla nanamang sumulpot yang ex mo," pinal kong sinabi at nagtungo na sa upuan ko.
Nakangisi ko pang sinulyapan si Mian at nakangiwi na umiiling na ito. Wala kang kawala sa akin ngayon.
Walang nagawa si Mian kung hindi ang magpahatid rin sa akin.
"Hay nako! Ang tigas talaga ng ulo ng kupal na ito," asik nito sabay buntong-hininga.
Ngumiti lang ako ng malawak sa kaniya at ipinagpatuloy namin ang paglalakad.
"Bukas wag mo nang gagawin 'to ha," nagbabanta ang tinig niya.
"Paano kung ayoko?" Nang-aasar ko namang sambit.
Naningkit ang mga mata niyang tiningnan ako.
"Ewan ko sa'yo, naninibago talaga ako sa kinikilos mo." Sambit niya at pinara na ang jeep.
Nauna siyang sumakay at sumunod naman ako. Akmang dudukot siya ng pamasahe ngunit inagapan ko siya.
"Wag. Ako na," nakangiti kong sambit at dumukot na ng pamasahe para sa aming dalawa.
Wala siyang imik sa biyahe kaya ganoon rin ako. Hanggang sa makababa kami.
"Salamat sa paghatid Matt," nakangiting aniya nang nasa tapat na kami ng gate nila.
"Wala 'yon, basta ikaw." Utas ko naman.
"Gusto mong pumasok muna?" Tanong naman niya.
Umiling ako, "Hindi na. Kailangan ko na ring umuwi e," sabi ko naman.
Tumango siya at ngumiti, "Okay. Bukas na lang ulit? Thank you for being a protective friend."
Akmang papasok na siya sa loob ng gate nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa siko niya. Gulat ang kaniyang mga mata nang tingnan ako at nagtama ang mga mata namin.
"Bakit?"
Lumunok ako at huminga ng malalim.
"Mian..."
I am not a friend.
Paano ko sasabihin ang bagay na ito nang hindi siya mapapalayo sa akin?
"Ano 'yon Matt?"
"W-Wala. Goodnight...sabay ulit tayo bukas ha," sambit ko at binitawan ang braso niya.
Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin saka kumaway ako.