Maaga akong nagising dahil unang araw ngayon ng pasukan sa bago kong paaralan. I just graduated Senior High at ito ang unang araw ko sa University. I took up Education dahil gusto ko talagang makapag turo.
7:15 palang umalis na ako sa apartment na inuupahan ko. Masyado kasi malayo ang bahay namin sa University kaya kahit labag sa kalooban ng mga magulang ko eh pinayagan pa din akong umupa muna. Malapit lang ang University mula dito. 10-15 minutes lang nandoon ka na depende kung gaano ka kabilis maglakad.
7:35 na ng makarating ako sa University marami ng tao pagdating ko. May isang oras pa ako para makapag libot bago magsimula ang unang klase ko. Malawak ang University at panigurado na mawawala kung first time mo palang na tumapak dito. Short distance lang ang mga colleges kaya hindi kailangan pang sumakay para makapunta sa ibang building. Madami din puno na pwedeng silungan during break time. Malawak din ang field para sa iba’t ibang activity ng school.
8:20 ng makapasok ako sa unang subject ko ngayon araw. Marami na din estudyanteng kagaya ko sa loob. Tulad din ng sa Senior high may grupo grupo pa din. Nagsama sama ang mga nerd, sossy, athletic at mga normal lang na estudyante kagaya ko.
“Adrienne, dito” tawag sa pangalan ko sabay wagayway ng mga kamay nila. Agad akong lumapit sa kanila.
“Rylie, Jasmine, Yassy, you’re all here” masayang bati ko sa mga ito. Mga childhood friends ko sila at di ko halos akalain na sa college ulit kami magkikita kita.
“Oo naman, di lang naman ikaw ang nangarap maging guro” na tatawang pahayag ni Jasmine.
“Saan club ka sa sali ngayon, Adrienne?” tanong ni Rylie.
Si Rylie and pinaka seryoso sa barkada pero mapagbiro din pag bilog ang buwan. Si Jasmine, lucky go lucky nag iisang anak at nagmula sa mayaman na pamilya habang si Yassy naman siya ang pinakamadiskarte sa grupo.
“Hindi ko pa alam, hehehe. Pero I’m torn between the baseball and football club” sagot ko naman dito
“Sa basketball club ka nalang para magkasama tayo” si Rylie
“Di ba ako masyadong maliit para doon?”
“Nakaya mo nga sa Baseball at football eh” sagot naman nito
“Pag iisipan ko pa” sagot ko nalang dito. Masyadong mapilit si Rylie kaya mas magandang mapigilan na ito bago pa magsimula sa pamimilit sa akin.
“Pero Ad - - -- “ pahabol pa nito pero di na natuloy dahil dumating ng aming Professor.
“Good Morning Class, I'm Miss Riko and I will be your adviser for this semester. If you have difficulties you can always approach me. Isa lang ang rule ko respect me and your classmates.
We’ll start by introducing yourself,
where you graduated and what club you’re planning to join. We’ll start here” sabay turo sa nakaupo sa unahan. Parang sa Senior lang din ang nangyari “introduce yourself”.
“My name is Jordan VIllafuerte, I graduated in Brent International Academy and I will be joining the basketball club” pagpapakilala ng lalaking nakaupo sa unahan., matangkad ito kaya sakto lang ito sa Basketball club.
“I am Rihanna Gomez, graduated at Brent International Academy and I will be joining the cheerleading squad”
maarteng saad naman noon babaeng nasa tabi nito.
After ng ilang minuto si Jasmin na ang susunod, pagkatapos nito ay ako na.
“I’m Jasmin Montalban, I graduated in Brent International Academy and I’ll be joining the cheerleading squad” Sa Brent din pala nag graduate si Yassy, siguro ngay kilala din nito si Jordan at Rihanna.
Agad din ako tumayo at naglalakad patungo sa harapan. Ramdam ko ang mata nilang nakatitig sa akin. Pasimple akong bumuga ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. I really hate this part of studying yung magpapakilala ka ng paulit ulit. I have this fair skin na talagang kapansin pansin, I’m standing 5’7 kaya kahit anong tago ko mapapansin talaga ako. Nang makarating ako sa harap agad aking nag taas ng tingin and I can see amazement in their eyes but nothing flatters my heart.
“I’m Adrienne Luis, I graduated in Southville International Schools , and I’m still undecided kung saan club ako sasali” pagpapakilala ko sa sarili ko,
“Thank you Miss Luis” saad ng teacher namin bago ako bumalik sa upuan ko.
Pagkatapos ng introduction dinismiss din kami agan ni Ms. Riko. May 30 mins pa kami bago sa susunod na klase. Masaya kami nagkwekwentuhan ng barkada ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
“Andito ba si Adrienne? Adrienne Luis? Base sa uniform nito isa din ito professor.
“Ako po yun, bakit?” takang tanong ko dito
“Nasabi kasi sa akin ni Ms Riko na hindi ka pa daw nakapag decide kung saan club ka sasali, kaya I was just wondering if you’re interested joining the Student Council” tanong nito sa akin?
“Student council?, that’s sound interesting” sagot ko naman dito.
“Ma boboring ka lang doon AD sa sa basketball ka nalang” pamimilit na naman ni Rylie.
“I don’t think so, the Student Council participates in any school activities , so it is the same just like any other clubs., pag isipan mo” dagdag pa dito bago umalis.