Tinanghali na ng gising si Amelie. Wala na si Tristan sa tabi niya. Agad siyang bumangon at pumasok sa banyo ni Tristan. Naligo siya roon at nakatapis na ng lumabs ng banyo, tuwalya ni Tristan ang ginamit niya na medyo basa pa kakatapos lang sigurong gamitin ni Tristan. Kahit medyo masakit ang nasa gitnang hita niya magaan naman ang pakiramdam niya. Nagkakalkal na siya sa back pack niya para kumuha ng damit ng pumasok si Tristan. Nakabihis na ito at mukhang handa ng umalis. "Aalis na agad tayo?" masiglang anong niya rito. "Mauuna na ako," anito na agad na nag-iwas ng tingin sa kanya. Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng pagkunot ng noo at pagtataka. "Magbibihis lang ako saglit na nakaligo naman na ako e," aniya at basta na lang humigit ng damit sa backpack kahit pambahay

