Para siyang inaapoy ng lagnat habang nakayapos sa leeg ni Tristan. Init na init ang pakiramdam niya siguro dahil sa epekto ng alak o dahil siguro sa epekto ng halik na pinagsasaluhan nila ni Tristan? Hindi na niya alam. Ang alam niya lang ng mga oras na iyon ay para siyang uhaw na uhaw at ang mga labi ni Tristan ang pumapawi sa uhaw na iyon. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng init. Ngayon lang din niya naramdaman ang paghahangad sa bawat hamplos ng palad ni Tristan. Sabik at nila kagaya niya ay nararamdaman din ni Tristan ang pagkauhaw. Hindi na namalayan ni Amelie na nalarating na sila sa kama, na isa-isa ng natatanggal ang kanilang mga saplot sa katawan. Pabagsak siyang napahiga sa kama. Kasunod niya si Tristan na pumaibabaw sa kanya. Mariin ang pagkakapikit ni Amelie.

