CHAPTER 10

1029 Words
Simula noong kinausap ni Papa si Ronnel ay madalas na siyang dumadalaw sa bahay namin minsan sinusundo pa niya ako sa school tuwing hapon kaya lagi akong tinutukso ng mga kaibigan ko. Pinayagan ko na rin siyang manligaw sakin siguro kelangan ko ding sumugal kahit minsan. Sabi nga ni Papa kapag nagmamahal daw ang isang tao hindi naman daw laging kasiyahan.Minsan kelangan mo din mag sakripisyo.Natural lang daw ang masaktan kapag nagmamahal.Hindi daw mali kapag iiyak ka kapag nasasaktan ka.Kelangan daw nating ilabas kung ano man ang dinadala natin sa dibdib natin.Masaya man o malungkot. Sobrang nakaka drained ng utak ngayong araw.Ngayong araw lang naman kase ang aming fourth quarter exam.Maigi kahit paano nag aral ako kaya may naisagot ako sa exam.Pero hate na hate ko talaga ang math.Nakakadug* ng utak sobra. Niligpit ko na ang mga gamit ko para makauwi na ako alam kong naghihintay na sakin ang mga kaibigan ko.Panigurado ako nanaman ang hinihintay nila. Mabilis akong naglakad papunta sa gate ng school namin.At hindi nga ako nagkamali ako na lang ang hinihintay nila. "Sorry natagalan ako." bungad ko sa kanila. "Lagi naman sanay na sanay na kami saiyo." pagbibiro ni Clara "Siya tara na baka abutin pa tayo ng dilim." yaya ko sa kanila at nag umpisa na maglakad.Kapag kase may ganitong exam kami halos alas singko na kami natatapos. "Teka lang may binibili lang ang manliligaw mo." pagbibiro ni Jaylyn. Agad akong napatigil sa paglalakad. "Sino?" tanong ko sa kanila nang hindi lumilingon. "May iba pa bang nanliligaw sayo bukod sakin?" bigla akong napaharap nga marinig ko ang boses niya. Salamat naman at nakita ko siya.Para naman magkaroon ako ng energy sobrang pagod kase talaga ang utak ko sa maghapon.. Lumapit siya sakin habang nakangiti.. Wala na hulog na hulog na talaga ako! Ngiti palang buo na ang araw ko. "Okay ka lang? Para sayo nga pala." tanong niya sakin sabay bigay ng supot ng Jollibee. Nakangiti ko itong tinanggap.Alam na alam niya talaga ang paborito fries at sundae. "Salamat.Nag abala ka pa." nahihiya kong wika.. "Hi Ronnel nandito ka pala." napasimangot naman ako sa narinig ko.Sino pa nga ba ang sisira ng araw ko.Si Wena lang naman.Napapansin ko kase na tuwing susunduin ako ni Ronnel sa school lagi na lang siyang nagpapapansin. Nakasimangot ako habang kumakain ng fries na sinawsaw sa sundae. Lumapit naman sakin si Yhonice at bumulong. "Ang labanos nilalandi nanaman ang suitor mo." "Hayaan mo siya kung magpapalandi!" nakasimangot kong bulong sa kanya. "Resbakan na ba natin?" tanong naman ni Jaylyn. Natawa nalang ako sa itsura ng mga kaibigan ko.Mukhang mas apektado pa sila saakin.Syempre ayaw lang nila akong masaktan. "Pwede sumabay pauwi?" dinig ko pang tanong ni Wena kay Ronnel. Medyo naiinis na ako.Alam ko na sinasadya itong iparinig ni Wena saakin para mang asar.At nakita ko pang ngumiti ng ubos ng tamis ang gag*ng si Ronnel. Nabadtrip na ako kaya hinila ko na ang mga kaibigan ko at nag umpisa mg maglakad.Naiwan naman si Ronnel na napapakamot sa ulo habang kausap si Wena. "Pasensya na una na ako." dinig kong paalam ni Ronnel kay Wena sabay takbo para maabutan kami. "Ako na hahawak ng fries mo." sabay kuha niya sa hawak kong fries nakikita niya ata na nahihirapan ako sa hawak ko. Sinimangutan ko lamang siya.Dinaan ko nalang sa kain ang inis na nararamdaman ko. "Salamat sa pa meryenda De Vera." dinig kong pagpapasalamat ni Jaylyn. Syempre kapag meron ako meron din sila.Swerte ng mga kaibigan ko. "Galit ka ba?" malambing niyang tanong. "Bat ako magagalit?" galit kong tanong. "Hmm.Nagseselos ka no?" tanong niya saakin kaya na blush naman ako.Alam kong pulang pula ang mukha ko kaya binaling ko sa kabilang direksyon ang mukha ko para hindi niya makita. "Bat ako magseselos?Tayo ba?" mataray kong tanong.Nakita kong biglang nalungkot ang reaction niya. Kung alam lang niya gustong gusto ko ng sabunutan ang Wena na iyon sa harap niya kung di lang ako maki kick out sa school. "Sagutin mo na kase ako.Promise di ako titingin sa iba." nakangiti niyang wika. Bakit nga ba hindi ko nalang siya sagutin.Para naman magkaroon ako ng karapatan na bakuran siya sa Wena na iyon. "Dapat lang.!" mataray kong sagot sa kanya. Gulat siyang napatingin sakin. "Sinasagot mo na ako?" masaya niyang tanong. "Kung ayaw mo di wag!" masungit kong sagot. "Tayo na?Hindi ka nagbibiro?" di pa rin makapaniwalang tanong niya. "Oo nga kulit!" "Yes!!Yes!!Yes!! " sigaw niya sabay yakap saakin. Nagtataka namang napatingin saamin ang mga kaibigan ko dahil medyo nauuna kami ng konte sa kanila. "Anyaree?" tanong ni Mikee "Sinagot na ako ni Shaira! Kami na!" malakas niyang sagot kaya napapatingin din ang mga studyante na kasabayan naming maglakad kaya tinakpan ko ang bibig niya. " Ang ingay mo nakakahiya." bulong ko sa kanya. "Masaya lang ako babe." napataas ang kilay ko. wow babe huh.! kinilig naman ako ng sobra doon. "Simula ngayon ayokong makikita kang nakikipag usap sa Wena na yon huh." pagbabanta ko sakanya. "Makaka asa ka babe." nakangiti niyang sagot. Binati naman kami ng mag kaibigan mga kaibigan ko.Alam kong masaya sila para sakin. "Congrats Shai and tito happy ako para sainyo." masayang bati ni Yhonice. ''Sa wakas may boyfriend na ang may pusong bato." natatawang biro ni Jaylyn. "Huwag mong sasaktan yan De Vera tatamaan ka sakin." kunway pagbabanta ni Mikee. "Kaya nga kapag nakita naming umiyak yan magkalimutan na tayo." sabat naman ni Anna. "Kaya ikaw Ronnel iwasan mo na ang labanos na yon." Clara Natatawa na lang ako sa pinagsasabi ng mga kaibigan ko.Pero sobrang happy ako kase may mga kaibigan ako na katulad nila.Sayang nga wala si Marlon di bale tatawagan ko nalang siya mamaya. Hinatid ako ni Marlon hanggang sa bahay namin.At tuwang tuwa pa siyang ibinalita sa parents ko na sinagot ko na siya. Ramdam kong masaya din para saakin ang parents ko.Syempre kahit may boyfriend na ako hinding hindi ko pababayaan ang pag aaral ko.Kailangan kong makapag tapos para sa pangarap ko.Alam ko din naman ang mga limitasyon ko. Syempre sa pagpasok ko sa isang relasyon inihanda ko na ang sarili ko sa mga bagay na posibleng masaktan ako. Pero hindi ko pa rin alam kapag nasa mismong sitwasyon na din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD