CHAPTER 9

999 Words
Ngayong araw ang alis ng bestfriend ko.Nakakalungkot man at magkakalayo nanaman kami pero pareho kaming walang magagawa. "Best mag iingat ka don ha lagi kang tatawag sakin ha." malungkot kong bilin sakanya "Oo best.Lagi kang mag iingat dito ha.Huwag kang mag alala pinababantayan kita kay De Vera." nakangisi niyang bulong sabay nguso kay Ronnel sa bandang likuran ko. Ewan ko ba naman dito at sumama pa sa pag hatid kay Marlon.tss! "Pre ikaw nang bahala ha.Yung usapan natin." paalam ni Marlon kay Ronnel. Niyakap lang ako nito ng mahigpit at sumakay na sa bus na naghihintay.Hindi ko mapigilang mapaiyak.Naramdaman ko nalang na may kamay na nakasampay sa balikat ko kaya natigilan ako..Kanino pa bang kamay kundi kay De Vera! Sinamaan ko ito ng tingin kaya tinanggal niya agad ang kamay sa balikat ko. Pumunta na ako sa motor na sinakyan namin.Oo kaming dalawa lang ang naghatid ngayon.Hindi ko alam kung pinag kaisahan ako ng mga kaibigan ko. Lumapit na si Ronnel sakin at nilagay ang helmet ko.Napatitig naman ako sa kanyang mukha. Almost perfect! bulong ko. Napaka ganda ng mata niya may makapal na kilay na bumagay sa mata niya.Mahaba din ang pilik mata niya.Matangos ang ilong.Biglang nahiya ang ilong ko.At higit sa lahat may mapupulang labi na kitang kita mo ang kalambutan. "ehem..Ang mata mo Shaira." natauhan ako sa narinig.Bigla naman akong nakaramdam ng pagkapahiya kaya binaling ko sa iba ang paningin ko. "Sakay na." tipid niyang wika.Nagulat ako dahil nakita kong namumula ang mukha niya. Mainit lang siguro ang panahon bulong ko. Sumakay na ako para makaalis na kami pauwi.Nagtataka ako at hindi pa rin kami umaalis. "May problema ba?" tanong ko. "Hindi tayo aalis hanggat hindi ka nahawak sakin.tss!" masungit niyang wika. Humawak naman agad ako sa damit niya sa banda bewang niya dahil nahihiya ako. "tss!" rinig kong bulong niya bago inistart ang motor at umalis na kami. Dahil nalilibang ako sa pagmamasid sa paligid huli na nang malaman ko na ibang way ang dinadaanan namin.Kinabahan ako bigla. "Teka hindi to ang daan pauwi ah." "tss! Alam ko,kakain muna tayo nagugutom na ako." "Okey." tipid kong sagot. Maya maya pa ay pumarada na kami sa tapat ng isang fast food. Wow! Jollibee bida ang saya! nakangiti kong bulong. Pinark na niya ang motor at hinawakan ako sa kamay.Akma kong babawiin ang kamay ko ng higpitan niya pa lalo ang pagkakahawak nito.Wala na akong nagawa kundi magpatianod sakanya. Pina upo na niya ako sa isang bakanteng table at siya na daw mag oorder.Inaabot ko ang pera para sa pagkain ko pero inirapan niya lang ako. Ang taray! napataas nalang ang kilay ko. Maya maya pa ay dumating na siya bitbit ang inorder niyang pagkain para saaming dalawa. Binigay niya sakin ang spaghetti na may chicken at binigyan niya din ako ng kanin kung gusto ko daw.Pero tinanggihan ko.Meron din siyang binili na sundae at fries para sakin daw iyon. Napangiti na lang ako ng palihim sa nakita ko. Mabait naman pala! nakangiti kong bulong. "Eat!" nakasimangot niyang wika. Tahimik kaming kumain.Mabilis siyang natapos kumain kaya pinapanood niya ako.Naiilang naman ako sa mga tingin niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.Napangisi na lamang siya. Kanina masungit ngayon ngiti ng ngiti.Nakakasungit pala kapag gutom. bulong ko. "Ubusin mo iyan inorder ko talaga para sayo iyan." tukoy niya sa sundae at fries. Pagkatapos kong kumain kinuha ko na ang sundae at fries na binili niya.Sinawsaw ko ang fries sa sundae at napapikit pa ako sa sarap.Pagmulat ng mata ko nakita ko siyang nakangiwi. "Anong lasa niyan?Iba talaga trip ninyong mga babae tss!" puna niya. "Masarap to! tikman mo dali." kumuha ako ng panibagong fries at sinawsaw sa sundae saka sinubo sa kanya. Nag aalangan pa siya kung isusubo niya ang hawak ko o hindi sa huli sinubo niya pa rin.Napatango tango siya ng malasahan niya ito. "Masarap naman pala." komento niya. Hindi ko namamalayan na panay ang subo ko sa kanya ng fries na sinawsaw sa sundae. "Ang sweet naman ni ate girl sa boyfriend niya." dinig kong bulong nung babae sa kabilang table malapit samin "Oo nga ikaw ba naman may ganyan ka gwapong boyfriend naku hindi ko na pakakawalan iyan." segunda naman ng isa pang babaeng kasama. Bigla ako napahiya sa sarili ko.Bakit nga naman hindi ko namalayan na sinusubuan ko siya.At ang walang hiyang Ronnel nakangisi lang sakin habang pinag mamasdan ang reaction ko. Mabilis kong inubos ang kinakain ko kahit naiilang ako sa mga tinginan niya sakin. "Tara na." yaya ko sakanya. Tumayo na ako pero hindi pa siya sumunod nakitang kong nakangiti pa rin siya habang nakaupo. Nasiraan na ata ng utak ! bulong ko. Bumalik ako para tawagin siya pero mabilis naman itong tumayo at naglakad papunta sakin.Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila ako palabas.Nakita ko naman na nakasunod pa rin ng tingin saamin yung dalawang babae kanina habang kinikilig. Pagdating sa parking sinuotan agad niya ako ng helmet.Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin.Kahit pa sobrang kinikilig ako pero syempre hindi ko pinahahalata sa kanya. Hinatid niya ako hanggang sa bahay Sakto naman na nasa labas ang parents. Kinabahan ako dahil baka pagalitan ako ng parents ko. "Anak nandiyan kana pala.Naka alis na ba si Marlon?" tanong ni Papa. "Opo pa.Siya nga po pala si Ronnel po." pagpapakilala ko. "Magandang tanghali po." bati niya sa parents ko. Tinanguhan lang siya ni Mama. "Tuloy ka muna ng makakain." pagpa anyaya ni Papa sakanya. "Sige po salamat nalang po.Katatapos lang po namin kumain ni Shaira." pagtanggi nito halatang nahihiya. "Eh di meryenda nalang." wala na nang nagawa si Ronnel kundi ang sumama kay papa sa loob. "Anak ako na bahala sa bisita mo.Magpahinga kana." nakangiting wika ni Papa. Kinabahan mo ako pero sumunod nalang ako.Tipid ko nalang nginitian si Ronnel bago pumasok ng kwarto ko. Napasandal ako sa likod ng pinto ng kwarto ko pagkapasok ko.Kinakabahan ako baka pagalitan ni Papa si Ronnel. Nakakahiya. Pagkabihis ko ng pambahay humiga muna ako sa kama.Napatitig na lamang ako sa kisame habang nag iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD