CHAPTER 8

1719 Words
Hindi ko na namalayan kung anong oras ako dinalaw ng antok kagabi dahil sa kaiisip sa sinabi ng De Vera na yon. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kagabi.Pero may parte ng puso ko na nagsasabing huwag umasa. Pinagtitripan ka lang non si Wena nililigawan non! pangungumbinsi ko sa sarili ko.. Biglang nawala lahat ng kilig na nararamdaman ko nang maisip si Wena.Muntik ko nang makalimutan kay Wena nga pala laging nakatingin yon. Bigla akong nakaramdam ng inis para sa De Vera na iyon.At ang walang hiya kong bestfriend ihabilin ba naman ako sa gag*ng yon. Bago pa lumalim ang iniisip ko ay napagpasyahan ko nang maligo para tumulong kay Mama.Dahil fiesta ngayon saaming barangay may niluto si mama na konteng handa para sa mga bisita. Pagkatapos kong maligo naabutan ko si mama na abala sa kusina namin. "Wow ma ang dami naman niyan.Mukhang madami kayong bisita ah." bungad ko. "Hindi masyado anak pero alam ko na pupunta ngayon ang mga kaibigan mo kaya dinagdagan ko ang niluto ko." "Mukhang masasarap ma ah.Mapapadami nanaman yata ang kain ko mamaya." Natawa na lamang si mama sakin.Tinulungan ko si mama sa lahat ng gagawin sa kusina para mamaya haharap nalang siya sa mga bisita niya.Lahat ng kakailanganin ay inihanda ko na. "Ma,pahinga kana po ako nang bahala dito." "Sige nak salamat.Maliligo muna ako baka maagang dumating ang mga bisita ko." at tumaliko na ito para pumunta sa kwarto nila.Pero bigla ding bumalik. "Oo nga pala nak nandyan si Marlon sa kabilang kwarto dito na natulog madaling araw na nakauwi galing sa sayawan.Lasing yata." Napataas ang kilay ko sa narinig. Feel at home ang walang hiya huh! Mabilis akong pumunta sa kabilang kwarto para puntahan si Marlon.Naabutan ko itong sarap na sarap sa pag tulog naririnig ko pa ang hilik niya. Bigla akong nakaisip ng kapiyahan.Mabilis akong bumalik sa kusina para kumuha ng kalamansi at mabilis na bumalik sa hinihigaan ni Marlon.Nakita kong bahagyang nakanganga siya matulog kaya walang pag aalinlangan kong pinisa ang hawak kong kalamansi sa bibig niya. Ngimiwi ito ng malasahan ang asim at biglang napabalikwas ng bangon. "Shaira ano bang ginawa mo?! Natutulog ang tao e!" inis nitong wika na hanggang ngayon ay nakangiwi pa din. "Hahahaha.Sana pala na videohan ko reaction mo." hawak hawak ko na ang tiyan ko dahil sa katatawa. Sinimangutan lang ako nito at dumeretso sa cr para maligo. Humiga muna ako sa higaan niya habang pinapakealaman ang cellphone niya. Maya maya ay nakita kong lumabas na ito ng cr at nakasimangot pa rin ang mukha. Kaya pinigilan ko nalang na matawa. "Ano bang trip mo sa buhay Shaira kagabi binatukan mo ko sa ginta ng dance floor ngayon naman nilagyan mo ko ng kalamansi sa bibig!" napipikon nitong wika.. "Sorry na best.Mamimiss kase kita bukas aalis kana ulit." malungkot kong sagot. Bigla namang nagbago ang mukha nito mula sa nakasimangot at biglang lumungkot.. Lumapit ito sakin at niyakap ako..Ilang minuto din kaming nasa ganoong ayos.Maya maya pa ay kumalas na ako sa pagkakayakap niya. "May kasalanan ka pa sakin!" bigla kong pagtataray sakanya. Kaya napasimangot nanaman ito. "Ano nanaman yon best!" nakasimangot pa ring tanong. "Ikaw ha bakit mo ako hinahabilin sa De Vera na iyon.Alam mo bang si Wena ang pinopormahan non!" pagalit ko ding sagot. Natigilan naman siya sa narinig. "Teka sabi niya wala siyang girlfriend kaya nagpaalam siya sakin.Kay pumayag naman ako.Mabait naman yung tao best." seryoso niyang wika "Hindi mo muna inalam.Gusto mo ba akong masaktan hmp." nagtatampo kong wika. "Syempre naman hindi.Gusto ko lang may mag aalaga sayo kapag nawala na ako." Natigilan ako sa narinig.Napatitig ako sa mukha niya na may lungkot na tinatago. "m-may p-problema ba best?" nauutal kong tanong. "h-huh? wala no ikaw talaga.Syempre mawawala ako sa tabi mo kase nasa Maynila ako." paliwanag niya.Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya pero hindi ko nalang ito pinansin. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit.Nagtataka man ay hindi na ako nag protesta.Maya maya pa ay tinawag na kami ni Mama. "Nak nandyan na mga kaibigan mo sa sala!" dinig kong sigaw ni mama. Mabilis kaming lumabas ni Marlon.At naabutan ka naming prenteng nakaupo na mga kaibigan ko sa sala. "Kakain na ba kayo?Ipaghahanda ko na kayo?" tanong ko sa kanila "Maya maya na Shai dito ka muna magkwento ka." nakangiting yaya sakin ni Jaylyn. "Anong oras kayo nakauwi kagabi?" pagbabago ko ng topic. "Kasabay ko silang umuwi kagabi siguro alas dos na ng madaling araw yon." si Marlon ang sumagot. "Anong nangyari sayo kagabi bat bigla mong binatukan si kuya Marlon tapos bigla kapang umuwi?" nagtatakang tanong ni Yhonice. "Ah wala naman may ginawa lang saking kasalanan si Marlon." sabay tingin ng masama kay Marlon. Nginitian lang ako nito. "Paano nagagalit saakin at pinayagan kong manligaw sa kanya si De Vera." natatawang sagot nito. Pinanlakihan ko siya ng mata.Nakita ko namang napasinghap ang mga kaibigan ko. "Talaga Shai? ang haba ng buhok mo huh.Si Junel kaya kelan manliligaw sakin?" biro naman ni Mikee Natawa naman kaming lahat. "Huwag kayong maniwala don pinag titripan lang ako non.Si Wena gusto non." nakanguso kong paliwanag. "Naku.naku paano mo naman nasabi iyan? hawak mo ba puso ni Ronnel? pabalang na tanong sakin ni Clara. " Basta ! yon na yon." sabay tayo para kumuha ng pagkain sa kusina. Inasikaso ka na muna ang mg pagkain ng mga kaibigan ko para makaiwas sa tanong nila. "Best sumabay kana samin." dinig kong tawag sakin ni Marlon. "Sige lang mauna na kayo best." Pilit kong inaabala ang sarili ko sa kusina para hindi sila makaharap.Maya maya pa ay may humila sa braso ko.Ang bestfriend ko pala. "Sumabay kana." seryoso niyang wika. Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sakanya at kumain kasabay nila. Hindi pa man ako nagtatagal sa pagkaka upo ng tinawag ako ni Mama. " Nak may bisita ka dito." tawag ni mama mula sa labas. Nagtaka naman ako dahil wala na akong ibang inaasahang bisita pero napilitan pa din akong lumabas. Nakita kong naghihintay sa labas ng bahay namin si Ronnel kasama si Junel. Bigla nanaman akong nakaramdam ng labis na kaba. Bakit ba palagi nalang bumibilis t***k ng puso ko kapag nakikita kita De Vera tss! Nakasimangot akong lumapit sa kanila. "Anong ginagawa niyo dito?" mataray kong tanong. "Uhm. gusto lang sana kitang dalawin sinama ko na din si Junel." nahihiyang sagot ni Ronnel wala akong sakit para dalawin! bulong ko. "May sinasabi ka?" tanong niya. "Wala! Pasok kayo!" pagalit kong wika. Nakita kong abot hanggang tenga ang ngiti ni Junel ng tumalikod ako habang kakamot kamot naman sa ulo si Ronnel. "Hi babe,sinundan mo ko dito?" bungad na tanong ni Mikee kay Junel na ikinasimangot naman nito. Nakita ko naman nag fist bump si Ronnel at Marlon. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko na parang walang pakealam sa paligid. Kung gusto nila kumain kumain sila! may pinggan naman sa mesa.! Bigla nanaman akong naramdam ng inis nang makita ko si Ronnel dahil bigla ko rin naalala si Wena.. "Pre kain na kayo." dinig kong wika ng bestfriend kong magaling sa dalawa.Sabay sinamaan niya ako ng tingin ng mahuling nakatingin ako sa kanya.Inirapan ko nalang din siya. Nakita kong kumuha ng pagkain ang dalawang bagong dating.Nakitang ko tumabi si Junel sa tabi ni Mikee kaya napataas ang kilay ko.Tuwang tuwa naman ang bruha kong kaibigan. Maya maya pa ay tumabi na saakin si Ronnel na lalong ikinataas ng kilay ko.Saka ko lang napansin na sa tabi ko lang pala may bakanteng upuan. Nakita ko ang mga mapanuksong tingin ng mga kaibigan ko habang iiling iling naman si Marlon.Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko. "Totoo bang liligawan mo si Shaira Ronnel?" mapanuksong tanong ni Anna. Nabilaukan naman ako sa aking kinakain at napaubo.Mabilis naman akong inabutan ni Ronnel ng tubig saka hinimas ang likod ko. Daig ko pa ang nakuryente ng dumikit siya saakin kaya pinalayo ko siya habang patuloy pa din sa pag ubo.. Pagka inom ko ng tubig ay umokey na din ako tiningnan ko rin ng masama si Anna dahil sa tanong nito pero nginisihan lang ako habang nakataas ang kilay.. "Naghihintay kaminng sagot De Vera." nakangising wika ni Clara. "uhm..balak..." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla kong sinubo sakanya ang nadampot kong saging sa mesa ni hindi pa nga natanggalan ng balat. Nagulat ako sa ginawa ko pero hindi ako nagpahalata.Bigla akong nahiya sa ginawa ko.Nakita ko ang mapanuring tingin ng mga kaibigan ko. "ah eh. ehem.." di ko alam ang sasabihin ko sakanila.Bigla akong tumayo para pumunta sa kusina para makaiwas sa kanila. Ano bang ginawa ko nakakahiya! Pabalik balik ako ng lakad sa kusina namin ng makita kong pinapanood ako ni Marlon habang nakasandal sa hamba ng pinto ng kusina namin habang nakangiti. "In love na ba ang bestfriend ko? hmm?" tanong niya sakin. "H-hindi no." nauutal kong sagot. Natatawa nalang niya akong niyakap. "Normal lang yan best." dinig ko pang wika niya.. Niyaya muli ako ni Marlon sa sala para bumalik.Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sakanya. Pagbalik namin ay napatigil ang tawanan nila at napatingin samin ni Marlon.. "Upo na dito Shai joke lang yung kanina,ikaw naman." nakangiting wika ni Mikee Tipid lang akong ngumiti sa kanila at umupo sa dating upuan ko.Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga kwentuhan nila habang nag nagkukutkot sa cellphone ko. Hindi ko kayang makisabay sa ngayon sa mga kaibigan ko dahil naiilang ako sa katabi ko na nakikipag sabayan sa kalokohan ng mga kaibigan ko. Hapon na ng mapagpasyahan nilang umuwi.Nakakapagod na rin naman kaya gusto ko na din magpahinga.Maigi na lang at tinulungan ako ng mga kaibigan kong maghugas ng mga hugasin namin.. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kwarto.Pag tingin ko sa orasan ay alas otso pasado na. Naalala ko kanina bago umalis si Ronnel may binulong siya sakin. Flash back. Shai uwi na kami ha salamat sa pagkain.. paalam ng mga kaibigan ko.Isa isa na silang lumabas ng bahay namin.Hindi ko namalayan na nasa tabi ko pa pala si Ronnel "U-umuwi kana." nauutal kong taboy sa kanya. "Shai seryoso ako sa sinabi ko na maliligaw ako.Gusto kita Shai." seryoso niyang wika sabay alis.Naiwan naman akong nakatulala. Di ko maintindihan anh nararamdaman ko ngayon masaya na may konteng lungkot. Baka niloloko ka lang nun! bulong ko sa isip ko. Napa buntong hininga na lamang ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD