CHAPTER 7

1417 Words
Kinabukasan nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone ko.Sino nanaman kaya tong nang aabala ng tulog ko tss. Unknown number! Good morning? Kumusta tulog mo? "Hu u!!" sent.. Tumunog agad ang cp ko. Ang bilis mag reply huh. "Ako lang naman ang MVP ng buhay mo?." Aba sira ulo pala to. "Hindi ako nakikipag biruan sayo panira ka ng araw!" sent .. "Biro lang Shai ako to si Ronnel." Bigla nanaman tumibok ng malakas ang puso ko. "wala akong pakealam!" sent "Ang sungit mo naman.Gusto ko lang mag thank you sayo dahil ginamot mo sugat ko." reply nya pa.. "Okey lang maliit na bagay.Kaya manahimik kana." pagsusungit ko kunwari pero deep inside kinikilig na ako.Nagpagulong gulong ako sa higaan habang pigil na huwag sumigaw.. "Punta ka sa sayawan mamaya ha sama ka sa table namin." nanlaki ang mata ko sa reply niya. sh*t gusto kong magtatatalon !! "Sino nagbigay sayo ng number ko?!" reply ko.. "Hiningi ko sa bestfriend mo☺." Hindi ko na siya nireplyan dahil sa sobrang kilig.. Lagot sakin mamaya ang magaling kong bestfriend mababatukan ko talaga yon! Lumabas na ako para tumulong kay Mama sa kusina.Nakita ko namang naghahanda na si Mama ng pagkain sa mesa. "Sensya na Ma tinanghali ako ng gising hindi ko napansin ang oras." paghihingi ko ng paumanhin kay mama. "Okey lang nak.Siya nga pala dumaan si Marlon kanina dito pinagpaalam ka sakin isasama ka daw sa sayawan dahil sila ang nag champion.Gigisingin nga sana kita kaso hindi kana pinagising at sasaglit lang daw siya." mahabang lintanya ni mama "Saan daw pupunta ma?" tanong ko habang nagsasandok ng pagkain ko. "Hindi nabanggit sakin e." Bigla akong nalungkot ibig sabihin pagkatapos ng fiesta babalik na ulit ng maynila si Marlon.Sobrang mamimiss ko nanaman ang lalaking yon. Matagal nanaman ulit bago kami magkita.Napabuntong hininga na lang ako.. Inabala ko ang sarili ko sa maghapon.Lahat ng pwedeng gawin ginawa ko na.Huwag lang maisip ang bestfriend ko.Namalayan ko na lang na nagdidilim na.Kumain na ako tsaka naligo pagkatapos alam kong mamaya nandito na si Marlon para sunduin ako.. Pagkatapos kong maligo mabilis akong nag ayos para nakahanda na ako mamaya pagdating ni Marlon. Nagsuot lang ako ng simpleng dress na hapit sakin.Kitang kita ang hugis ng katawan ko.Pinaresan ko lang ito ng isang flat sandals na babagay sa kulay nito.Nag polbo lang din ako at naglagay ng manipis na lipstik sa labi. Pagkatapos ng ilang minuto tapos na din ako.Medyo umaliwalas ang mukha ko infairness. char lang!! Paglabas ko ng silid sinalubong na ako ni mama. "Ang ganda mo ngayon nak aa." "Mana lang sayo ma." nakangiti kong wika "Binola mo pa ko.Sya lumabas kana at nandon na si Marlon." pagtataboy sakin ni Mama "Sige Ma alis na po ako pasabi nalang din po kay Papa.." paalam ko. Paglabas ko ng pintuan nakita ko agad si Marlon na nakatalikod sakin. "Wow,likod palang ang gwapo na huh." pagbibiro ko.. Humarap naman siya sakin sabay ngiti ng malawak. "Ang ganda naman ng bestfriend ko.Babaeng babae tayo ngayon huh." panunukso nito. "Huwag mo kong bolahin may kasalanan ka pa din sakin." umirap ako sakanya sabay batok sakanya.. "Ano nanamang kasalanan ko sayo?" nagtatakang tanong nito. "Pinamigay mo lang naman ang number ko sa supladong De Vera na yon." at binatukan ka ulit siya. "Aray naman best mapanakit ka talaga mahiya ka nga sa kasama ko daig mo pa amazona." reklamo nito. "At sino naman ang magaling mong....." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko makita ko si Ronnel sa likuran ni Marlon.Bigla akong nakaramdam ng hiya.Hindi kò napansin na may kasama pala ang magaling kong bestfriend. Binalik ko ang tingin dito kahit nahihiya pa ko pero nakatitig pa rin siya sakin. "Ehem.Earth to De Vera." saka lang siya natauhan sabay tikhim niya na parang may bumara sa lalamunan niya.. Tiningnan ko naman ang magaling kung bestfriend pero nag kibit lang siya ng balikat. Dahil medyo naiilang akong kumilos hinila ko nalang sa braso si Marlon para maka alis na. Naiwan naman si Ronnel na nakatulala pa rin.Hindi makapaniwala sa nakitang kagandahan ni Shaira.Dahil ngayon niya lang nakitang nagsuot ng ganun si Shaira. "Pre halika na!" dinig niyang sigaw ni Marlon saka pa lamang siya natauhan at dali daling sumunod sa dalawa. Pagdating namin sa Plaza ay halos nag uumpisa na ang program.Bale pagkatapos pa ng program ang sayawan.Mauuna muna ang awarding sa mga naglaro ng basketball.. Umupo na kami sa bakanteng upuan sa tabi ng mga kaibigan ko..Lagi ko nalang napapansin na ako lagi nahuhuli sakanila. "Ang ganda natin ngayon aa." bati sakin ni Clara. "Ganyan talaga kapag may inspirasyon." parinig ni Jaylyn Hindi ko nalang sila pinansin.Mamaya tinawag na sa stage ang lahat ng kasama sa nag champion. Nagsigawan kaming lahat sa table kasabay ng pag tanggap nila ng kanilang award.Maya maya pa ay tinawag na ang MvP syempre walang iba kundi si De Vera tss! Isang masigabong palakpakan galing sa lahat ng tao sa Plaza. "May gusto ka bang sabihin sa lahat?" tanong ng emcee .. Kinuha niya ang micropone at nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya. "Para sayo to! " nakangiti niyang sigaw habag nakatingin sa table namin. "yieehhh.." dinig kong kantiyaw ng mga tao. Napa tss! nalang ako.. Ang landi!! Lumapit na sa tabi ko si Marlon habang ngiting ngiti.. "Anong nakakatawa?" masungit kong tanong.. "Wala naman best masaya lang." nakangiti niyang sagot Nag umpisa na silang mag inuman syempre samin ng mga kaibigan ko juicè lang dahil menor de edad pa kami.Saka na ang alak kapag nasa tamang edad na.. "Tara sayaw tayo! " sigaw ni Jaylyn dahil hindi na kami magkarinigan sa lakas ng tugtog. "Sige kayo nalang." nagpaiwan nalang ako sa table sa tabi ni Marlon habang nakikipag kwentuhan sya sa mga ka team niya. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko na halos mag wala na sa gitna ng dance floor. "Ikaw best ayaw mong sumama sa kanila?" tanong niya sabay akbay sakin. May narinig akong tumikhim pero di ko nalang pinansin kung sino. "Ayoko best kaya lang naman ako sumama dito dahil sa awarding nyo e." "Pwede ka naman mag enjoy best." "Ayoko nga kulit." kunwari pagsusungit ko. Narinig ko nalang ang halakhak ng magaling kong bestfriend.Maya maya pa ay tinawag siya ng mga ka team niya at nagbulungan.Nagtataka man ako pero hindi ko na sila pinansin. "Best punta lang kaming dance floor magpapapawis lang." di pa man ako nakasagot ay naka alis na ito.Huli na ng mapansin ko na kami nalang dalawa ni Ronnel ang naiwan sa table. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa katawan ko.Sobrang lakas ng t***k ng puso ko.Namamawis na din at nangangatal ang kamay ko. Tatayo na sana ako para lumabas muna ng may humawak sa braso ko kaya natigilan ako. "u-uhm cr lang ako." nauutal kong paalam. "Pinaalis ko nga sila para masolo kita ikaw naman ang aalis." nakasimangot niyang bulong pero narinig ko pa rin. "Anong sabi mo?" kunway diko narinig ang sinabi niya. "Wala.Umupo ka dito at mag uusap tayo." nakangiti niyang wika sabay tap sa katabi niyang upuan para doon ako umupo. Napilitan akong umupo sa tabi niya pero maya maya ang tingin ko kung saan dahil naiilang ako ng kami lang ang magkasama. "Relax ka lang hindi ako nangangagat." nakangisi niyang wika. Inirapan ko lang siya. "Nagpaalam ako sa bestfriend mo na liligawan kita at pumayag naman siya.Ang totoo nga niyan hinabilin ka pa niya saakin." malinaw kong narinig ang sinabi niya saakin kahit sobrang lakas ng music kaya nagulat ako. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko.Bigla akong tumayo at iniwan siya.Mabilis akong naglakad papunta sa bestfriend ko.Naririnig kong tinatawag niya ako pero hindi na ako lumingon. Pagkalapit ko sa bestfriend ko malakas ko itong binatukan kaya napatigil ito sa pagsasayaw.Pati mga ka team niya at mga kaibigan ko nagulat sa inasta ko kaya nakatulala lang sila sakin.Nakita ko rin na nakalapit na samin si Ronnel. "Shaira ang sakit nun! inaano ba kita?! tanong niya ng makabawi siya sa pagkakagulat. Nginisihan ko lang silang lahat sabay takbo. "Bye guys enjoy kayo!" sigaw ko pa. Nakita ko ang pigil na ngiti ni Ronnel si Marlon naman ay napakamot sa batok. Dumeretso na ako sa bahay kelangan kong mapag isa para ilabas ang kilig sa katawan ko.Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto nagtatatalon agad ako at pigil na huwag sumigaw.Hindi ko alam kung aning gagawin ko basta kinikilig ako. Siguro nagtataka ang mga baliw kong kaibigan sa inasta ko.Bukas ko na ipapaliwanag sa kanila.Basta ngayon matutulog akong masaya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD