CHAPTER V

2331 Words
  CHAPTER V   Nagpasalamat ako sa Manager ng Salon na talagang binigyan ako ng special treatment. Marahil ay nakilala nila agad ako kaya gano’n na lamang kagiliw ang mga ito. Bilang pasasalamat ay ibinigay niya ang kanyang calling card at ilang gift pass na nasa loob ng bag ko para maka-discount sa Boutique.   Paglabas ko ay eksakto namang tumutunog ang aking cellphone. It was Eve.   “Hello, Eve, what’s up?” tanong ko habang papasok sa kotse ko.   “Good morning, Lenneth, ipapaalala ko lang na may lunch meeting ka with the Esparza’s sibling,” paalala niya sa ’kin.   “Oh, right. I’ll be there in an hour, thank you, Eve.” Ibinaba ko ang cellphone ko at mabilis nang umalis sa lugar na iyon.   Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko ang mga kaibigan kong nagkakatuwaan sa sala. Mabilis naman nila akong binati at nasa mga mukha ang pigil na ngiti.   Umiling ako. “Stop staring at me like that,” anas ko at dederetso na sana sa hagdan nang lumabas mula sa kusina si Ryker.   “Good morning, sis. Looks like you enjoy your birthday, yesterday.” Nakangising tanong nito sa kanya.   I rolled my eyes. “Where are the kids?” tanong ko.   “They go shopping,” he answered.   “And why are you here?” Nakataas ang kilay na tanong niya rito.   Lumapit siya sa ’kin at nagpaalam sa mga kaibigan ko bago ako inakay paakyat ng hagdan.   “I want to come with you, I’m bored and I want to do something exciting,” sagot niya.   “Exciting, huh? You mean, flirting with my staff?” saad ko at pumasok na sa loob ng kuwarto para magbihis.   Kailangan kong magmadali, mga bigating tao ang makakausap ko ngayong araw. UNI Trends is one of the high-demand magazine companies around the world.   Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kuwarto ko at nakita ko si Ryker na matiyagang naghihintay sa paglabas ko.   “I have an important meeting to attend, Ryker. I don’t want any headaches, okay?” sabi ko. Wala rin naman akong magagawa dahil tiyak na sasama pa rin siya sa akin.   Nang muli akong bumaba ay hinarap ko muna ang mga kaibigan ko. “I’m sorry guys, I need to go, may meeting ako sa Esparza’s sibling. The one that I  talked about with you on the phone?”   Tumango si Kenneth. “No worries, baka dumaan din kami ni Eya doon mamaya. We’ll stay here for a week kaya marami pa tayong oras para mag-kuwentuhan.”   Humalik ako sa pisngi nilang dalawa at lumabas na ng bahay. Alas onse na kaya kailangan ko nang magmadali.   “I’ll drive,” alok ni Ryker at kinuha ang susi mula sa kamay ko,   Mabilis akong umikot sa kabilang sasakyan at sumakay. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sina Sephy.   “Hi, Mommy!” masiglang turan ni Sephy.   “Hello, honey, where are you?” malambing kong tanong sa anak ko.   “Nasa Mall pa po kami, medyo nawiwili po si bunso sa paglalaro dito sa Toy Kingdom,” sagot niya.   “Who’s with her? Kumain na ba kayo? Where’s Dad and your Uncles?”   “Mom, relax, we’re fine. Tito Rafyl and Tito Dior were with Lyka and Keigh while Grandpa is with me,” ani Sephy sa malambing na boses.   “Okay, be sure to take care of your siblings, Sephy. Huwag niyo ring bibigyan ng sakit ng ulo ang Daddy, remember he’s old enough to—”   “Silly, I’m not that old!” putol ni Daddy sa sinasabi ko. “Kaya ko pang makipag-sparring kay Sephy if you’ll allow me.”   Umiling ako at ngumiti. “Dad, mas importante ang health mo kaya huwag ng matigas ang ulo.”   Narinig ko ang pagsinghal ng ama ko pero sa huli ay sinang-ayunan din ang sinabi ko. “Kapag natapos ng maaga ang meeting ko, pupunta kami diyan ni Ryker. Mag-iingat kayo, I love you, guys.”   Nang ibaba ko ang telepono ay nahuli kong nakangiti sa akin ang kapatid ko. Pinagkunutan ko siya ng noo.   “What’s funny?” tanong ko.   “I’m just happy that you find your happiness here,” sagot nito. “Tuloy-tuloy ang success mo, Lenneth, and I am sure someday you’ll find some guy—”   “Hep!” putol ko sa sinasabi niya. “Wala akong oras sa mga lalaki, so stop telling me those bullshits.”   Tumawa siya sa sinasabi ko. “Malay mo naman, someone will truly mean for you.”   Umiling ako. “Stop talking bullshits and drive, faster, I’m going to be late for my appointment.”   “Yes, Ma’am!” aniya at mabilis ngang pinatakbo ang sasakyan nila.   Thirty minutes ang nakalipas bago kami nakarating sa Boutique. Agad namang sumalubong sa akin si Eve at ibinigay sa akin ang ilang dokumentong kailangan kong basahin at pirmahan.   “Ang sabi ng Secretary ni Mr. Esparza ay male-late lang daw siya ng kaunti but he’ll try to make it on time,” saad niya.   Tumango siya. “Good, may panahon pa ako para basahin ito,” sabi ko sabay tingin sa hawak kong mga papel.   Narinig ko ang halakhakan ng ilan kong staff at nakita kong nakikipagharutan na ang kapatid ko. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.   “Bakit mo dinala ang kapatid mong iyan dito?” tanong ni Eve.   Marahas akong nagbuga ng hangin. “He’s bored.”   “Oh, I get it,” ani Eve.   Hindi na ako nagsalita pa para mawalan na rin siya ng dahilan para magsalita pa. Alam ko na ang susunod na sasabihin niya at baka kapag na-open na naman ang usapang iyon ay hindi na naman niya mapigilang sipain ang kinabukasan ni Ryke.   May nangyari na kasi dati nang minsang bumisita si Ryke sa akin at dumeretso siya dito. Hindi pa alam ng mga staff ko at lalo na ni Eve na kapatid ko si Ryke kaya nang minsang lapitan ni Ryke si Eve para alukin ng quikie sa isa sa mga dressing room doon ay hindi nagdalawang isip ang kaibigan kong tuhurin si Ryke.   Nang makapasok ako sa opisina ay agad kong binasa ang mga dokumento at nang matapos ay pinirmahan ko ang mga iyon. Tinawag ko si Eve para ipahanda ang kabilang kuwarto para sa meeting ko sa magkapatid na Esparza. Maya-maya lang ay pumasok si Ryker at base sa itsura niya ay halatang may nabiktima na naman ang kapatid niya.   “Ryker, you’re  such a troublemaker.” Naiiling kong sita sa kanya.   Ngumisi lang siya at umupo sa harap ng desk ko.   “We made it outside, there’s a restaurant nearby so we made out there.” Nakangising turan niya.   Napangiwi ako. “Ano kayang pumapasok sa kukote mo at napaka-pilyo mo!”   “Life is too short, live it to the fullest!” aniya.   “Whatever!” sabi ko at tumingin sa orasan na nakasabit sa dingding ng opisina ko.   “If you need anything—uh, nevermind!” sabi ko at tumayo na para lumipat sa kabilang kuwarto.   Nakasalubong ko si Eve na masama ang timpla ng mukha. “Is everything, okay Eve?”   “Yeah, he’s already inside and waiting for you,” sagot niya.   “Bakit ganyan ang itsura mo?” Taas ang kilay na tanong ko sa kanya.   Marahas siyang nagbuga ng hangin. “That jerk! Alam mob a ang ginawa niya? He made out with two of our staff, at iyong dalawang malandi naman ay tila nag-enjoy pa at pinagmamalaki sa lahat ang nangyari sa kanilang tatlo. Naku, huwag na huwag talagang magpapakita sa akin iyang gago mong kapatid at talagang tutuluyan ko nang basagin ang kinabukasan niya!”   Napangiti ako at umiling. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. “Kumalma ka na, at hayaan mon a lang si Ryker, ang mahalaga ay hindi niya ginawa dito sa loob ng boutique. I’ll see you later, kapag may kailangan ako ay tatawagin na lang kita,” sabi ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng kuwarto.   Kumunot ang noo niya nang makitang iisang tao lang ang naroon at naghihintay sa kanya. Ang buong akala ko ay dalawang katao ang madadatnan ko ng naghihintay sa ’kin.   “I’m sorry to keep you waiting, Mr. Espar—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nang tuluyan akong makalapit ay naiwang nakabuka ang labi ko.   Para siyang natuklaw ng ahas dahil sa hindi inaasahang makikita.   “Hello, Ms. Morales, nice to meet you… again,” wika ni Pierre.   Napalunok ako at agad na bumalik sa akin ang maiinit na tagpo na pinagsaluhan namin kagabi. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang init sa katawan lalo na nang  titigan niya ako ng matagal sa mga mata.   Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim ng ilang beses. Mukhang natuyuan ako ng laway at kailangan ko ng marinig tubig, malamig na tubig! Hindi dahil sa nauuhaw ako kundi para patayin ang maliit na apoy na nagsisimulang kumalat sa loob ng katawan ko.   “You’re an Esparza?” tanong ko. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa napakabobo kong tanong. Natural! Haharap ba siya sa ’kin kung hindi?!   “Unfortunately, yes.” Nakangiting sagot niya at tumayo upang alalayan akong makaupo.   “T-thank you,” sabi ko at iniwasang magkadikit ang mga balat namin.   Bigla akong pinagpawisan at napatingin sa Aircon kung nakabukas ba iyon o hindi, pero nang makitang umiilaw iyon ay gusto kong madismaya. Nawalan ako ng rason para makalabas at huminga muna saglit.   “Are you okay?” tanong niya.   Mabilis akong tumango at umayos ng upo. “Let’s start the meeting,” sabi ko at hinugot ang lahat ng meron akong lakas para malabanan ang sariling mag-isip ng ibang bagay tungkol sa karap ko.   Tumango siya. Lihim akong nainis sa kanya dahil bakit parang kalmado lang siya at hindi nate-tense sa muli naming pagkikita.   “Let’s start by asking you why did you leave me, without saying goodbye?” tanong niya.   Sa pangalawang pagkakataon ay napanganga ako sa tanong niya. Does it matter? Parehas kaming lasing at isang one night stand lang ang nangyari sa aming dalawa!   “Lenneth?” tawag niya sa pangalan ko.   Sunod-sunod akong napailing at huminga ng malalim. “Why would I? I mean, it’s very clear that we only had a one night stand?”   “I like you, and for me, it’s far from just a one night stand.” Prangka niyang turan.   Napasinghap ako at napahawak sa labi ko, hindi ko inaasahan ang pagiging prangka niyang tao. “I’m sorry?”   “I like you, Lenneth.” Pag-uulit niya sa sinabi niya.   Natawa ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya, pagkuwa’y umiling. “Mr. Esparza, we’re here for a business not for some leisure shits,” prangka ko ring sabi rito.   “So that’s your answer, you had no interest in me,” aniya.   Marahas akong nagbuga ng hangin at napagdesisyunang sabihin na ang totoo sa binata. “I have no interest in you, and I don’t waste my time on some shits. If it’s clear then let’s talk real business here.”   Umangat ang isang kilay niya at nakita ko ang pagsupil ng ngiti sa labi niya. “I believe it’s because of a certain, Kenneth?”   Natigilan ako at napatingin sa kanya ng matagal bago nag-iwas ng tingin. Marahil ay dala ng kalasingan ko kabi, natawag ko ang pangalan niya.   “So it’s a yes. Did he break your heart? Leave you?” sunod-sunod niyang tanong.   “I believe it’s f*****g none of your business. Kung hindi naman pala business ang ipinunta mo rito, then this is over. May mas mahahalagang bagay pa akong dapat gawin kesa ang makinig sa mga walang kuwenta mong sinasabi.” Tumayo na ako para iwan ito ngunit maagap na hinawakn niya ang braso ko.   Agad akong napasinghap dahil sa pagbilis ng t***k ng puso ko. Mabilis kong hinila ang brasong hawak ko at lumayo sa kanya.   “I’m sorry, promise I’ll get serious, please,” he said in a low voice.   Huminga ako ng malalim at bumalik sa upuan ko. Nagsimula siyang magsalita ng tungkol sa kompanyang pag-aari ng mga ito, ang Uni Trends. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya at gaya ng ipinangako niya ay nag-seryoso na nga siya sa inaalok niyang proposal.   Dahil sa pagiging in-demand ng mga brand na galing sa Boutique namin ay gusto nilang i-full cover ang success ko. Gusto nilang ilathala ang istorya ng sikat at kilala boutique sa buong mundo.   “Hindi kami kukuha ng ibang modelo dahil mas maganda kung ikaw mismo ang magsusuuot ng mga bago mong gawang desinyo. The book will be out all over the world and we’ll have to launch it within three months,” paliwanag niya. “What can you say, Ms. Morales?”   Napaisip ako, hindi dahil sa mga sinabi niya kundi sa isang bagay na nasabi niya noon nang magkasama pa sila ni Kenneth. Nang malaman niya na balak kong magtayo ng Fashion Empire ay nagplano rin itong gumawa ng sariling Magazine Company at kapag sikat na ang negosyo naming dalawa ay magkakaroon kami ng collaboration. Ipi-feature niya ako at ilalagay niya ang lahat ng nangyari sa buhay ko, kabilang na ang mga pangarap na naabot ko at sa pinaka-center page ay ang damit pangkasal na ako mismo ang madedesinyo at isusuot with a caption.   Soon to be married…      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD