CHAPTER VI

2388 Words
  CHAPTER VI   Pagkatapos nang mahabang talakayan namin ni Pierre ay naisarado rin namin ang deal. Maganda ang offer ng kompanya niya kaya bakit ko tatanggihan. As long as it’s pure business, then we’re fine.   “So, paano see you next week, I hope you’d come up with the best designs to make it more interesting and trendy.” Nakangiti niyang saad pagkatapos ay tumayo na.   “Of course, Mr. Esparza, makakaasa ka.” Nakangiti ko namang saad.   Napabuntong-hining siya at tumingin sa ’kin. “I told you, you can call me, Pierre.”   “And I said, I can’t,” sagot ko naman. “Mas maganda kung ang namamagitan lang sa atin ay ang kontrata ng kompanya natin. That’s all.”   Matagal niya akong tinitigan ngunit hindi na nagsalita pa at tumango. “Okay, I need to go. Please call me if you have changes on your schedule, para masabihan ko ang mga photographer at ang set.”   Tumango ako. “I will. Thank you for your time, Mr. Esparza. Have a good day.”   Hindi na ako nag-abalang ihatid siya hanggang pinto at nanatiling nakaupo. Hindi pa ako nakaka-recover sa kaalamang ang lalaking nakasama ko buong magdamag ay ang lalaking makakasama ko sa loob ng ilang buwan para sa isang project.   It’s a f*****g small world, indeed.   Pumasok naman ang dalawa kong kaibigan at si Eve nang makaalis na si Pierre.   “Is that the CEO of UNI Trend?” tanong ni Eya.   Tumango siya. “Yes.”   “And?” ani Eya na tila may hinihintay pang sasabihin ko.   “And we already closed the deal, baka mamaya o bukas ng umaga ay maibalita na sa buong mundo ang collaboration ng kompanya natin sa kompanya nila,” kaswal na sagot ko.   Eya rolled her eyes. “Hindi iyon ang gusto kong malaman, dahil alam ko naman na iyon ang mangyayari,”   “At ano naman ang gusto mong malaman?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.   “God, Lenneth! Kinain ka na ba talaga ng mga desinyong ginagawa mo at nakalimutan mo nang tumingin ng mga hot na lalaki?” bulalas naman ni Ian.   Napabuntong-hininga ako at bumaling kay Eve. “Where’s Ryke?”   Nagkibit lang siya ng balikat at hindi ako sinagot.   “Huwag mong ibahin ang usapan, balik tayo sa hot na CEO ng UNI Trends. Bakit parang nag-iiba ang mode mo kapag binabanggit siya?” Matalas na tanong ni Eya.   Umiling ako at marahas na nagbuga ng hangin. Wala alaga akong kawala sa mapanuring tingin ng babaeng ito.   “I slept with him, last night,” sagot ko.   Lahat sila ay napasinghap sa sinabi ko.   “You had your best birthday, for the past seven years ever!” Nakangiting wika ni Eya.   “Birthday s*x! Wow, Lenneth, nakaganda pala ang pag-aya namin sa ’yo kagabi sa bar!” Tuwang-tuwa namang saad ni Ian.   “But she doesn’t seem very happy with it,” pansin naman ni Eve kaya naman tumigil ang dalawa sa panunukso at tumingin ulit sas akin.   “Hindi ka satisfied?” Nakataas ang kilay na tanong ni Eya.   “No! I mean yes—oh s**t! I mean we have fun together, but it doesn’t mean I love it and I want it,” sagot ko.   “Is he single?” tanong ni Eya.   “He is. I do a background check of him this morning and he only has her sister Celeste. No girlfriend, no kids, a hundred percent single,” sagot ni Eve na nakaplaster sa labia ng mapanuksong ngiti.   “Iyon naman pala, Lenneth, bakit ka nag-iinarte?” singhal sa akin ni Eya.   Umiling ako. “I already have three kids, Eya, hindi na ako bagay sa mga ganyang kalokohan.”   “Duh! Hindi kalokohan ang pag-eenjoy!” mabilis naman niyang pag-angal sa sinabi ko.   “Or, ayaw niya lang gawin dahil hanggang ngayon ay si Kenneth pa rin ang iniisip niya,” saad naman ni Ian na nakatitig sa akin.   Hindi ako nakaimik dahil tama si Ian. Kahit matagal na ang nakalipas simula nang pagkamatay ni Kenneth ay hindi ko pa rin talaga makalimutan ang trahedyang nakapagpahiwalay sa aming dalawa.   “Lenneth, pitong taon na ang nakalipas, siguro naman hindi ka na mumultuhin pa ni Kenneth kapag pinagbigyan mo ang sarili mong mag-enjoy,” ani Eve.   Huminga ako ng malalim at napatingin sa kawalan. “I don’t know.” Pumiksi ako at tumayo sa pagkakaupo. “Let’s start this project para matapos ng mas maaga sa due date na napagkasunduan namin. I have a feeling that this will change everything.”   “And that includes your life?” Nakangising tanong ni Eya.   Hindi ako sumagot. Who knows? Wala naman talagang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa buhay ng isang tao.   Nagpaalam na sina Eya at Ian para sunduin ang mag-ama ng una. Mukhang susulitin nila ang pagbabakasyon dito sa San Francisco, pagpasok ko sa opisina ko ay nadatnan ko si Ryke na may kahalikan na namang empleyado.   “What the hell, Ryke?!” sigaw ko.   Agad namang naalarma si Noeme, isa sa mga empleyado ko at agad na lumayo kay Ryke.   “At talagang dito pa sa opisina ko?!” galit kong turan at tinapunan nang masamang tingin si Noeme.   “I’m sorry, Ms. Morales, I—”   “Shut your f*****g mouth! I’m not talking to you, b***h! Ryke! I thought we’ve talked about this!” galit na singhal ko sa kapatid ko.   Huminga lang siya ng malalim at tumingin kay Noeme. “She sneaked in and kissed me.”   Kunot-noong tiningnan ko si Noeme at hindi siya nagsalita. “Eve, go and check the CCTV footage, I can’t kick this b***h if I don’t have any evidence. If she’s guilty, call my lawyer and file a breach of contract.”   Nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin ang amerikanang empleyado niya. Parang hindi siya makapaniwala sa gagawin ko.   Tinaasan ko siya ng kilay. “What? Did you forget that you’re in my office?”   “I-I’m sorry, Miss Morales, please don’t do this to me,” pagmamakaawa niya.   Matigas akong umiling. “You’ll need to face the consequences of your recklessness. And you, my f*****g brother, get out! I’ll make sure you’ll never set your foot here!”   “It’s not my fault, Lenn-”   “Don’t give me that s**t, Ryke! I will call Dad and Rafayl, sila na ang bahala sa ’yo,” sabi ko at binalingan ulit ang sales Staff ko na nakayuko at pinipilit huwag maiyak.   Hindi ko muna siya pinaalis dahil gusto kong malaman ang totoo, kapag napatunayan kong tama ang sinasabi ni Ryke ay talagang tototohanin ko ang sinabi ko. Napaka-walang modo naman nga empleyado ko at hindi man lang inisip ang pangalan ng Boutique!   Iyon na talaga ang huling beses na may mangyayaring ganoon senaryo sa loob ng Boutique! Wala naman akong pakealam kung magkanaan ang empleyado ko at mga kapatid ko pero utang na loob naman! Huwag sa mismong opisina ko!   Bumalik I Eve at may dalang usb, agad niyang inilagay iyon sa laptop ko at ilang sandali lang ay napanood na namin ang totoong nangyari. Prenteng nakaupo si Ryke sa mahabang sofa nang bigla na lang pumuslit sa loob si Noeme. Agad siyang lumapit kay Ryke at saglit silang nag-usap, sa ekspresyon ng dalawa ay halatang si Noeme nga ang unang gumawa ng move at humalik kay Ryke.   “What a b***h!” bulalas na turan ni Eve at masamang tumingin kay Noeme.   Naiiling naman akong nagkibit ng balikat at tinapunan ng tingin si Noeme. “You may go and expect my lawyer to call you in a short period of time.”   Hindi kumilos si Noeme sa kinatatayuan niya kaya hindi ko na napigilang sigawan siya.   “I said get out!”   Tuluyan namang naiyak si Noeme at patakbong lumabas ng opisina ko.   “Eve, gather everyone, I have to make an announcement,” baling ko kay Eve na hindi na naman maipinta ang muka.   Tahimik naman siyang lumabas ng opisina ko kaya naiwan kaming dalawa ni Ryke sa loob ng opisina ko.   ‘What are you waiting for? Get out!” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.   Nagkamot siya ng ulo at nagpapaawang tumingin sa akin. “Magagawa mo ba talagang sipain ako palabas ng opisina mo?”   “Hinahamon mo ba ako?” Mataray kong tanong sa kanya.   “Okay! Okay, fine, I said I’m sorry. Tao lang ako, sis, guwapo at marupok.” Nakangising wika niya.   Sa panggigil ko ay tinanggal ko ang isa kong heels at binato siya sa mukha. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakailag dahil matatamaan talaga siya sa mismong mukha niya.   “Nagiging masungit ka na, ah! Hahanapan na ba kita ng boyfriend?” nakangisi pa niyang pang-aasar sa akin.   “I don’t need a boyfriend! Get out, or I’ll call Kuya Rafayl and tell him everything happened right now.” Inis kong saad sa kanya.   “I’ll wait for you at the car then,” sabi niya at mabilis na naglakad papunta sa pintuan ngunit bago niya iyon buksan ay muli siyang humarap sa akin. “Seryoso ako, Sis, you need to find a boyfriend or else, magiging masungit na matron ka na.”   “Damn you!” gigil na sigaw ko at hinubad pa ang isa kong heel at binato sa kanya.   Huminga ako ng malalim at nagsimulang hilutin ang sarili kong noo. Boys and their needs! f**k them!   Naglakad ako papuntang sofa para kunin ang isa kong heels, saka naman bumukas ang pinto at pumasok si Eve. Nakita niya ang sapatos ko kaya naman nailing na pinulot iyon at dinala sa akin.   “They’re all gathered in the other room,” aniya.   Tumango ako at kinuha ang sapatos ko saka isinuot iyon, pagkatapos ay tumayo na ako at inaya na siyang lumipat sa kabilang kuwarto para pagsabihan ang mga empleyado ko. Hindi naman ako istriktang tao pero hindi naman ako papaya na basta-basta na lang babuyin ang lugar kung saan dugo at pawis ko ang nagging puhunan.   *****   “Mommy!” Masayang sigaw ni Keigh at patakbong lumapit sa akin.   Nakangiti naman akong umupo at sinalubong ng mahigpit na yakap ang bunso kong anak.   Pagakatpos ng mahaba-habang panenermon sa mga empleyado ko ay nagpasya na akong umalis at iniwana ang lahat kay Eve. Malaki naman ang tiwala ko sa kanya at alam kong hindi niya pababayaan ang Boutique.   “Wala pa ba kayong balak umuwi?” malambing kong tanong sa kanya.   “Not yet, Mom! I love it here! I want to play more,” sagot niya.   “Hindi ka pa ba nagugutom? Baka naman napapagod na ang mga bantay mo?” tanong ko at sinulyapan ang papalapit at nakangiting si Dior.   “Tito Dior was awesome! He lift me in the air and we both dive to a thousand balls!” masayang pagku-kuwento niya.   “Really, then you should rest, sweety. How about we call it a day and eat in your favorite restaurant?” Nakangiti kong saad sa kanya.   “One hour, Mommy, please?”   Tumango ako, Hindi naman sa ini-spoil ko ang anak ko pero hindi naman laging nangyayari ang ganito kaya hinayaan ko na. Pagkatapos niya akong halikan ay patakbo na siyang bumalik kay Lyka na kumaway naman sa akin.   “How’s your work?” tanong ni Dior.   “Ugh! Trouble,” sabi ko at tinapunan ng tingin si Ryke na masaya namang nakikipag-kuwentuhan kina Daddy at Sephy.   “Ano na namang kalokohan ang ginawa ng magaling mong kapatid?” Nakataas ang kilay na tanong niya.   Napaismid ako. “May bago pa ba?”   Tumawa siya ng mahina. “Dapat nagre-relax ka ngayon, katatapos lang ng birthday mo kahapon, ah.”   Ako naman ang natawa ng mahina. “Parang nasanay na yata ako sa ganito kopng routine. Isa pa,  kailangan ko ring kumilos, may bago akong isinarang deal at kailangan ko ng agarang bagong designs para sa photoshoot.”   “Sounds interesting, para saan ang photoshoot?” tanong niya at inakay ako para maupo sa isang bench na malapit lang mga anak ko.   “It’s my photoshoot, actually. The company wants to feature the HEIL and they want to cover my success and of course, my struggles,” sagot niya.   “At anong pangalan ng kompanyang tinutukoy mo?” tanong naman niya.   “UNI Trends,” tipid na sagot niya. “Isang taon na nila akong nililigawan, but I just accept their offer, ngayon lang ako nagkaroon ng oras para suriing mabuti ang proposal nila.”   Tumango-tango siya. “Is the name of the CEO is Celeste Esparza?”   Umiling siya. “I don’t know. The one who’s present today is her brother, Pierre Esparza. Why do you know her?”   Hindi siya nakasagot at nakapagtatakang bigla siyang sumeryoso pagkabanggit ko sa pangalan ni Pierre.   “Dior. Hey, are you okay?” tanong ko sabay hawak sa kanyang balikat.   “Oh, yeah, I just remember something. I met Pierre Esparza but that was a long time ago and I don’t know if the news was true or just a bluff,” sabi niya na nakakunot ang noo.   “What news?” pag-uusisa ko.   “A common friend of ours told me that Pierre was already dead. He died, seven years ago or so,” hindi siguradong sabi niya.   Tumawa ako. “It’s a bluff, Dior.”   “But my friend was there when Pierre died,” seryosong wika niya.   Umiling ako. “I still don’t believe it, the Pierre I saw this morning was he, himself.”   Tumahimik na si Dior ngunit halatang hindi pa rin siya kumbinsido, maging ako ay nagsimula ring magduda. Paano pala kung totoo ang sinasabi ng kapatid ko at isang impersonator lang ang nakausap ko?   Pero imposible pa rin iyon dahil unang-unang makakahalata ng bagay na iyon ay ang mismong kapatid ni Pierre.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD