CHAPTER X Nang maihatid siya ni Pierre sa kanyang dressing room ay agad siyang pumasok at hindi man lang nagawang magpasalamat dito. Nagwawala ang puso niya at maging ang mga paru-paro sa loob ng kanyang tiyan, hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng ganoon sa binata. Dahil ba iyon sa sinabi nito kanina na nagpaalala sa kanya kay Kenneth? f**k! I hate him for making me like this! Ilang sandali pa ay pumasok na ang kanyang Assistant at ang dalawang baklang naging make-up artist niya. Nasa mga mukha ang panunukso at mapaglarong ngiti ngunit hindi niya iyon pinasin. “Sheena, paki-abot nga ng damit ko,” aniya sa assistant na agad namang inabot sa kanya ang isang Flapper Dress. “Thank you,” sabi niya at nagpunta sa likod ng dressing room para magbihis.

