KABANATA XXVII “Are you drunk, Lyka?” Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya. “Hindi ako lasing, don’t worry, Dad. Nakainom lang ako nagpa-welcome party ang mga kaibigan ko at dinala nila ako sa Club! Isn’t it amazing, Dad? I’m more myself now and thank you for giving me this freedom. I love you, Dad!” Niyakap niya ang kanyang Daddy nang mahigpit at hinalikan sa pisngi bago umakyat papunta sa kanyang kuwarto. Habang sinusundan niya ng tingin ang kanyang anak na pasuray na umaakyat ng hagdan ay binabalot siya ng pangamba at pagdududa sa kanyang sarili. Tama nga bang kinuha ko si Lyka kay Lenneth? “Hey, stop overthinking. Normal lang ang nangyayari kay Lyka, you did a great job not to ruin her trust to you. Sa ganoong paraan ay mas mapapadali ang pagrecover niya.

