KABANATA XXVI “Hello, Dad? I’m going with my friends after school, I will be late coming home tonight. Is that okay?” tanong ni Lyka sa kanya sa kabilang telepono. Lihim siyang napabuntong-hininga ngunit wala siyang magawa kundi ang hayaan ito sa gusto niyang mangyari. “Okay, honey, but always take care, alright? Hihintayin kita mamaya sa bahay,” sagot niya. Narinig niya ang masayang sigaw nito sa kabilang linya. “Thanks, Dad, you’re the best!” Masiglang wika nito at pagkatapos lang nitong magpaalam ay binabaan na siya ng telepono. Minasahe niya ang kanyang sentido at napapailing na ibinaba niya ang kanyang cellphone sa desk niya at malalim na napabuntong-hininga. Isang linggo na simula nang makabalik siya sa Pilipinas at kagaya nang sinabi ni Lenneth ay hinaya

