CHAPTER IX
“Mommy, aalis na ba tayo?” tanong ni Lyka sa kanya.
Pagkatapos niyang i-pony tail ang buhok niya ay nilingon niya ang kanyang anak at saka ngumiti. “Ready na ba ang Kuya mo?”
Tumango naman si Lyka at nakita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito. After sever years, they’ll finally see their Dad, in flesh. Pumayag na siyang magbakasyon sa kanila si Ace at kinausap niya na rin ang mga anak niya lalo na ang kambal. Isang buwan siyang magiging abala sa trabaho niya at kailangan niyang pagtuunan iyon ng pansin dahil natitiyak niyang dagdag-kita iyon sa negosyo niya, lalo na at siya mismo ang lalabas sa Magazine.
Nakita niya ang Poll na ginawa ng UNI Trends at sobra siyang namangha sa ganda ng mga feedback ng mga netizens lalo na ng ilang sikat na Celebrity na sa kanya kumukuha at nagpapagawa ng mga New Designed Products.
Sabay silang lumabas ng kuwarto ni Lyka at sa unang tingin ay mapagkakamalan lang silang magkapatid sa mga hindi nakakakilala sa kanila. Nakuha ni Lyka ang maganda niyang kutis at sa edad na kinse anyos ay nagagawa na nitong i-maintain ang magandang hubog ng katawan nito.
“Ang ganda mo pa rin, Mommy! Sana kapag lumaki ako, maging kagaya niyo ako ni Ate Lyka na sexy at maganda!” sabi ni Keigh.
Masuyo niyang kinurot ang pisngi nito. “Then you should stop eating sweets a lot and start to eat veggies.” Nakangiti niyang turan dito.
Napasimangot naman agad si Keigh at ngumiwi. “I hate veggies!”
Tinawanan niya lang ito at hinalikan sa pisngi, bumaba naman na si Sephy at halatang excited na makita sang Daddy nito.
Sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng kotse niya. Humanap ng ibang matutuluyan ang kambal niyang kaibigan nang malaman na sa bahay niya titira si Ace. Hanggang ngayon ay hindi pa rin komportable ang mga ito sa isa’t-isa pero hindi na rin naman ang mga ito galit kay Ace.
Ang mga kapatid niya naman at ang kanyang Daddy ay napagpasyahan na munang umuwi dahil may mga bagay pang dapat asikasuhin ang mga ito doon bago umuwi ng Pilipinas at asikasuhin ang bagong negosyong binuksan doon.
“Lyka, make sure to fasten your seatbelt and Keigh’s too,” sabi niya kay Lyka sa likod ng sasakyan.
“Got it, Mommy!” mabilis na wika ni Keigh.
“Very good,” aniya at pagkatapos ikabit ang kanyang seatbelt ay umalis na sila ng bahay.
Habang nasa biyahe ay pinagbibilinan niya ang mga anak niya lalo na si Sephy dahil ito ang tumatayong panganay sa mga ito. Ayaw niyang may malalaman siyang hindi pagkakaunawaan ng mga ito, lalo pa at mtinuruan naman niya ang mga itong maging mabait sa isa’t-isa.
“Sephy, kapag nasa trabaho ako always be on the lookout for Keigh,” sabi niya rito.
“Okay, Mom. Don’t worry, I can handle Keigh, and also Lyka.” Nakangiti niyang sagot.
Sinulyapan niya ito at nginitian. “Huwag ka muna manliligaw, ha? Hindi pa handa si Mommy na makita kang may kaakbay na ibang babae.”
“Mom!” angal nito.
Tinawanan niya ito at tiningnan naman niya si Lyka sa rearview mirror. “Lyka, tutulungan mo si Kuya mo sa pag-aayos ng mga pagkain niyo at sa mga uniform niyo, ah. Always check on Keigh’s lunchbox at baka puro sweets lang ang laman. You know how naughty your sister is,” bilin niya rito.
“Yes po,” anito.
Marami pa siyang ibinilin sa dalawa at pati na rin kay Keigh. Tiwala siya sa mga anak niya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito ng tama. Pagdating nila sa Airport ay tinulungan ni Lyka na makababa si Keigh habang siya naman ay inalalayan ni Sephy bumaba. Hindi niya maiwasang mapangiti at maging proud dahil sa pagiging maginoo ng anak niyang binata.
“Keigh, come here,” sabi niya sa bunso niyang anak.
Agad namang pumulupot ang kamay ni Keigh sa kanya, batid niyang excited din itong makita si Ace dahil nakakasama ito ng kambal niyang anak kapag kausap ang ama ng mga ito. Wala namang problema sa kanya kung maging malapit ang mga ito dahil in the first place ay kadugo rin naman ni Ace ang anak niya.
Matagal na niyang pinatawad si Ace pero alam niyang hanggang kapatawaran na lang ang kaya niyang ibigay dito dahil hinding-hindi na puwedeng palitan ng kahit na sinuman si Kenneth sa puso niya.
“Daddy!” sigaw ni Lyka nang mamataan nito si Ace sa ’di-kalayuan nila.
Mula sa malayo ay nakita niya ang nakangiting lalaki na kumakaway kay Lyka at papalapit sa kanila. Nang tuluyan itong makalapit ay saka lang sila nagkakatigan at nabas niya agad ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Isang tango lang ang ginawa niyang pagbati dito.
“Welcome to San Francisco, Daddy!” emosyonal na wika ni Lyka na yumakap agad.
“Oh, God! How I missed to hug you,” ani Ace at tumingin kay Sephy saka niyakap din.
Nakatingin lang siya sa mga ito at maging si Keigh ay pinagmamasdan lang si Ace, ramdam niya ang paghigpit ng hawak ng anak niya kaya napalingon siya rito. Para namang sinaksak ng punyal ang puso niya nang bumadha sa mukha nito ang kagustuhang mayakap rin siya ni Ace ngunit naroon ang pag-aalinlangan at pangangamba.
Lihim niyang nakagat ang labi niya at balak na sana niyang magsalita nang maunahan siya ni Ace.
“And you, liitle Princess, hindi mo ba yayakapin ang Dada mo?” Nakangiting baling nito kay Keigh.
Hindi niya inaasahan iyon kaya natigilan siya at napatingin dito. Narinig ko ang pagtawa ni Keigh at yumakap rin kay Ace. Masaya ang mga ito sa pagkikita habang siya naman ay natulala at nanatiling nakatingin lang sa kanila ng ilang sandali. Nang mahimasmasan ay saka lang siya tumingin sa malayo at nagsalita.
“Let’s go, may meeting pa akong dapat habulin. Sa bahay na lang kayo magkumustahan,” aniya at inakay na si Keigh.
Tumango naman ang mga anak niya at hindi umalis sa tabi ni Ace. Tumunog ang kanyang cellphone at nakita sa screen ang pangalan ni Pierre.
“Hello?” aniya.
“Where are you? Kailangan ka na dito para sa briefing,” anito.
“I’m on my way, may sinundo lang ako sa Airport,” sagot niya at sinulyapan si Ace at ang mga anak niya.
Sandaling katahimikan ang isinagot nito sa kanya kaya muli siyang nagsalita. “I need to go, bye.”
“Hindi ka na dapat pang nag-abalang sunduin ako kung may importante ka palang meeting ngayon.” Narinig niyang turan ni Ace.
Inalalayan niya munang makasakay ng kotse si Keigh bago siya bumaling kay Ace. “Gusto ng mga bata na sunduin ka sa Airport kaya pinagbigyan ko na.”
“Thank you,” anito.
Tango lang ang tinugon niya at pumasok na sa loob ng kotse. Hindi na siya nakahuma nang umupo ito sa tabi niya habang ang mga anak naman niya ay sa likod umpo. Nasa gitna si Keigh at agad na dumukwang para lumapit sa kanila.
“Keigh, sit down properly and put on your seatbelt,” paalala niya rito.
“Okay, Mommy.” Hinalikan muna siya ni Keigh sa pisngi bago ito bumalik sa pagkakaupo at nagpatulong ikabit ang sarili nitong seatbelt.
Lihim siyang napangiti at natuwa dahil masaya ang bunso niya.
Pagdating nila sa bahay ay agad niyang tinawagan si Eve para ihanda ang mga gagamitin niyang damit para sa photoshoot. Nagkuha siya ng ibang P.A dahil mas kailangan si Eve sa Boutique, kahit pa sabihing naroon ang kambal ay mas alam pa rin ni Eve kung paano i-handle ang Boutique.
“Eve, ibigay mo ang address kay Sheena at sabihin mong hintayin ako sa lobby ng building. Sisiguraduhin ko lang na okay ang mga anak ko pagkatapos ay aalis na ako,” sabi niya.
“Nandiyan na ba ang Daddy nila?” tanong nito sa kanya.
“Oo,” tipid na sagot niya at sinulyapan si Ace na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga anak niya.
“And?” tanong ulit nito na para bang may hinihintay na isagot niya.
Nagkunot ang noo niya. “What do you mean by that?”
Narinig niya ang pagsinghal nito sa kabilang ilinya at duda niya ay inirapan pa siya nito. “Anong naramdaman mo sa pagkikita niyo ulit?”
“Do I need to feel anything?” tanong niya rito. “I got to go, bye.” Dugtong niya at agad na pinatay ang kanyang cellphone.
“Kids, Mommy’s goint to work. Come and give me a hug,” tawag niya sa mga anak niya na agad namang lumapit sa kanya at sabay-sabay na niyakap siya.
“Mommy, gusto ko makita ang mga picture mo sa photoshoots, ah!” ani Keigh na naglambitin pa sa leeg niya para mahalikan siya sa pisngi.
“Take care,” sabi naman ni Lyka at humalik din sa pinsgi niya.
“Ako na po ang bahala sa mga kapatid ko. Mag-iingat ka po, we love you.” Nakangiting saad naman ni Sephy at niyakap siya’t hinalikan din sa pisngi.
“Kapag nagugutom kayo, magpaluto na lang kayo kay Yaya Nely, okay? I love you, guys!” sabi niya at tumingin kay Ace para magpaalam din. “I’m sorry if I need to leave, mamaya na lang tayo mag-usap pagdating ko.”
Nakangiti itong tumango sa kanya, pagkuwa’y tinungo na niya ang pinto para muling sumakay sa sasakyan niya. Eksaktong pag-upo niya sa manibela ay tumunog ulit ang cellphone niya at nakita niya ulit ang pangalan ni Pierre.
“Ano na naman kaya ang kailangan nito? Hindi na ba talaga siya puwedeng maghintay?!” inis na wika niya sa sarili niya at binuhay ang makina sa sasakyan.
Pagkatapos niyang mai-connect ang bluetooth ng cellphone niya sa sasakyan ay sinagot niya ang tawag ng binata.
“Hello?”
“Where are y—”
“I’m already on my way,” mabilis niyang sagot. “I told you I just need to pick someone at the airport, hindi mo naman kailangang tawagan ako maya-maya dahil alam ko naman ang schedule ko today!” hindi niya napigilang singhalan ang binata.
“Is he staying with you?” tanong niya.
“What?” Naguluhan siya sa tanong nito. “What the hell are you talking about? Do you know who’s with me?”
“Oh, I’m sorry, I’m not… talking to you,” anito at narinig niya ang malalim nitong pagbuntong hininga.
Napasinghal siya sa kawalan. “Whatever. I’ll be there in a minute, so please stop calling me.”
Pagkatapos niyang magpaalam dito ay ibinaba na niya ang kanyang telepono at doon niya lang na-realize ang boses nito at ang naramdaman niyang pagseselos sa boses nito habang tinatanong siya.
Is it just me or—nevermind. Nawawala na naman ako sa sarili ko.
Dahil wala namang masyadong traffic at sa mabilis niyang pagmamaneho ay wala pang kinse minuto ay nakarating na siya sa gusali ng UNI Trends. Hinanap niya agad ang kanyang P.A at nang matanaw ay nilapitan niya ito.
“How long did you wait for me?” tanong niya sa Pinay niyang P.A.
Nagpahanap talaga siya ng Pinay na makakasama niya dahil mas magkakaintindihan sila at mas makakaintindi sa mga kailangan niya.
“Hindi naman po matagal,” sagot nito.
“Let’s go,” sabi niya at tinulungan na itong magbitbit ng mga gagamitin niyang mga damit.
Habang papunta sa elevator ay napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga nadaraanan niyang empleyado ngunit hindi niya iyon pinansin at tuloy-tuloy lang siya, ngunit hindi ang si Sheena na parang kinikilig na hindi mo maintindihan.
“Grabe talaga ang karisma niyo, Ma’am Lenneth, halos lahat nang tao sa gusaling ito ay napapatingin sa ’yo!” mahinang bulalas nito na hindi maitago ang matinding paghanga sa boses nito.
Ngumiti siya. “Wala ako niyon, nakatingin lang sila sa akin dahil sa mga dala kong damit. Nagmukha akong tindera ng mga damit sa Palengke.” Natatawa niyang turan dito.
“H-Hindi po! Ang layo niyo sa pagiging tindera! Bagay na bagay sa ’yo ang pagigigng modelo!” saad nito.
Tumawa siya ng mahina at nauna nang pumasok sa loob ng elevator at pinindot ang top floor.
“Wala nang tatanggap sa akin, masyado na akong matanda para magmodelo,” sagot niya.
“Ang bata mo pa!” bulalas niya. “Tngnan niyo po ako, twenty five years old na pero hindi ko pa rin alam kung paano magpaganda!”
Umiling siya at pinindot ang pisngi nito. “Darating din ang araw para sa ’yo.”
Pagbukas ng elevator ay may narinig siyang tawanan mula sa loob ng opisina ni Pierre, nakabukas ang pinto ng opisina nito kaya naman pagkatapos niyang batiin ang sekretarya ng binata ay sinenyasan na lang siyang pumasok sa loob.
Bahagya siyang nagulat nang makita itong napapagitnaan ng dalawang magandang babae. Ang isa ay nakadantay pa ang kamay sa dibdib ni Pierre habang ang isa naman ay may nakita siyang pagkakapareho sa mukha ng binata.
Napataas ang kilay niya nang mas lalo pang sumandal ang babae sa dibdib ni Pierre at tumingin sa kanya.
“Do I disturb you? I thought I’m here for the briefing and for my photoshoots?” Walang emosyong tanong niya sa mga ito.