CHAPTER III

2127 Words
CHAPTER III   [ Lenneth ]   “Come on, Lenneth, kahit ngayong gabi lang magpakababae ka naman,” pang-aaya sa ‘kin ni Eya.   Kanina pa kami sa bar at inaalok niya akong sumayaw ulit sa gitna ng dancefloor ngunit kahit anong pag-aaya niya ay hindi ko talaga kaya na. Iniisip ko ang mga anak ko, paano pala kapag nakita nila akong ganito? Baka mawalan sila ng respeto sa akin at hindi na ako galangin.   “Eya, may mga anak na ‘ko, hindi na ako nababagay sa mga ganitong lugar,” sagot ko.   “What the hell are you talking about? Look around you, may mga matronang amerikana sa paligid mo na at may matatanda pa. Walang edad ang pag-eenjoy sa buhay, duh!” Napapalatak niyang saad.   Umiling ako. “I really can’t do that. Ang mabuti pa, samahan mo na iyang kambal mo sa gitna ng dancefloor nang makauwi na rin tayo. May trabaho pa ako bukas at ang dami ko pang tatapusing designs,” baling ko kay Ian.   “Ugh! Balak mo na talagang tumandang mag-isa?” hirit pa rin ni Eya sa ‘kin.   “Hindi ako mag-iisa sa pagtanda ko dahil nariyan ang tatlo kong anak,” sagot ko.   “Na mag-aasawa rin at magkakaroon ng sariling buhay, maliban na lang kung balak mo rin silang turuan na maging dakilang single.” Hinila niya si Ian na napapailing na lang sa pagiging taklesa ng kakambal.   Sinundan ko sila ng tingin papunta sa dancefloor. Nagkasya na lamang akong panoorin ang dalawa na masayang gumigiling. Bigla kong naalala ang dati naming ginagawa, iyong wala pa kaming iniintindi kun dang mga kalokohan lang namin at ang paglalaro sa mga lalaking naglalaway sa ‘min kapag nagsisimula na kaming gumiling sa dancefloor. Ang sarap balikan ng mga panahon na iyon na akala mo ay parang kailan lang.   Ngayon parang malabo na ulit mangyari iyon, lalo na sa part ko. Hindi ko ikinakahiya ang nakaraan ko pero kailangan ko nang mag-move forward at iwan na ang mga iyon. May mga anak na ako na dapat kong pagtuunan ng pansin.   “Would you mind if I sit here?” Naibaling ko ang tingin sa lalaking umupo sa tabi ko. Mula sa mapusyaw na ilaw ay una kong napansin ang kulay tsokolate niyang mga mata, para akong natuklaw ng ahas dahil pamilyar sa ‘kin ang mga matang iyon.   Napakurap ako nang marinig ko ang pagtikhim niya. “Oh, I’m sorry. Sure you can but I don’t think my friends would mind.”   “I thought you’re alone, I’m sorry,” sabi niya. “But I’m alone and I just want to talk to someone.”   “Now that you know, can you excuse me? I don’t want to be disturb,” pagsusuplada ko sa kanya.   Hindi porket nahuli niya akong nakatitig sa kanya ay madadala na niya ako sa mga pagpapa-cute niya. He’s handsome, yes, firm and hot. Nagsusumigaw ang karisma niya at hindi maganda ang pakiramdaman ko sa paglapit niya sa ‘kin.   “Well, sorry honey, this place is public, and if you don’t want to disturb you’re in the wrong place. How about I get you out of here and we both find a place where no one can disturb us.”   Pinandilatan ko siya ng mata at hindi makapaniwala sa kayabangan niya. Ang buong akala ko ay karisma lang niya ang nag-uumapaw sa paligid iyon pala ay maging ang kayabangan nito ay sagad.   “I’m just kidding,” sabi niya kapagkuwan at tumawa ng mahina. “I heard you and you’re friends talking and I’m glad that I am not the only one Filipino here.”   Sinighalan ko siya ng tingin. Bilib din ako sa lakas ng loob niyang lapitan ako at kausapin na para bang kilala namin ang isa’t-isa. “Kaya pala umaapaw ang kayabangan mo sa katawan,” hindi ko napigilang sambit at huli na para bawiin niya ang mga sinabi niya.   Tinawanan lang siya ng estranghero at nag-order ng dalawang baso whiskey. “Okay lang na tawagin mo ‘kong mayabang. May ipagyayabang naman ako, sabi niya at kinindatan pa ‘ko.   Napaawang ang bibig ko para magsalita ngunit agad ko rin iyong isinara dahil wala akong maisip na sabihin dito. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko na nasa dancefloor at parang pinagsisihan ko na hindi ako pumayag na sumama sa dalawa.   “Pasensiya ka na.” Narinig kong saad niya. “Gusto ko lang talaga ng may makakausap ngayon. Birthday kasi ng dati kong girlfriend ngayon at wala akong makausap dito na makakaintindi sa ‘kin. Masaya lang ako at nakatagpo ako ng kapwa ko Pilipino.”   Naipilig ko ang ulo ko at bumaling sa kanya. “Imbes na magmukmok ka rito bakit hindi mo siya tawagan at kausapin?” Nakataas ang kilaw na turan ko.   “Kung sana ganoon lang kadali, dapat wala ako dito ngayon at nakikipag-usap sa’yo.” Natigilan ako sa nakitang kalungkutan sa mga mata niya.   Lihim akong napakunot-noo dahil bigla akong nakaramdaman ng kalungkutan para sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na makaramdam ako ng ganito. Anong nangyayari sa ‘kin?   “Para sa kanya ay matagal na akong patay at isang masayang alaala na lang,” dagdag pa niya.   “Baka naman kasi may ginawa ka kaya kinalimutan ka na,” sabi ko at tinanggap ang basong may alak na ibinigay niya.   “Well, aside from loving her and giving my life for her, wala naman akong naging kasalanan sa kanya. And I heard she got pregnant and happy.” Nilagok niya ang kanyanng alak at umorder pa sa bartender.   Napailing ako, mukhang mabigat nga ang dinadalang problema niya. Kung totoo man ang sinasabi niya ay tiyak kong hindi niya deserve ang babaeng iniiyakan niya.   “Kung iniwan ka niya at pinagpalit, kawalan na niya iyon. Ang maganda mong gawin ay kalimutan siya at mag-move on na lang. Hear my advice I’m an expert of moving on.” Itinaas ko ang baso ko bago tunggain ang alak.   Gumuhit sa lalamunan ko ang pait ng alak at napangiwi ako dahil sa sobrang tapang niyon. Mukhang pati ang pag-inom ng alak ay hindi ko na kaya.   “Is that so?” tanong niya.   Tumango ako. “I’ve been in the process of moving on for almost seven years of my life.”   “That long? Naka-move on ka na ba ngayon?”   Napatingin ako sa kanya dahil bigla kong nahimigan ang boses ni Kenneth at sa pagkurap ng mga mata ko ay nakita ko si Kenneth sa harap ko. Nakangiti sa ‘kin at buong pagmamahal akong tinitingnan.   “I’m Pierce Ezparza, and you are?” Napakurap ako ng mata nang bumalik ako sa huwisyo at makitang nangangarap na naman ako.   “I’m drunk,” sabi ko at napahawak sa ulo ko. Mukhang marami na akong nainom at kung anu-ano na pumapasok sa utak ko.   “Nice meeting you, Drunk,” sabi niya.   “What? No…” Umiling siya at natawa. “I’m not Drunk—my name is Lenneth.”   “Nice meeting you, Lenneth.” Iniabot niya ang kamay sa ‘kin na agad ko namang tinanggap.   “Same to you.” Nakangiti kong saad.   Hindi ko alam kung gaano kami nagtagal nag-usap kasi pagkatapos nang pagdadaop ng mga kamay namin ay parang nagkaroon agad kami ng koneksiyon sa isa’t-isa. Kung hindi pa lumapit ang mga kaibigan ko ay hindi ko pa malalaman na napatagal na pala ang usapan naming dalawa.   Nagpaalam saglit si Pierce na magpupunta ng banyo kaya naiwan silang tatlo sa bar counter. Agad naman siyang inulin ng tanong ng dalawa at parang wala siyang balak tantanan sa mga tanong.   “Ilang oras lang kaming nawala sa tabi mo, nakabingwit ka na agad ng boylet. Ang tindi talaga ng karisma mo, sis.” Natatawang wika ni Ian.   “Ang kailangan lang pala sa’yo ay dalhin sa ganitong lugar para ma-enjoy mo ang pagiging babae mo.” Napapalatak namang wika ni Eya. “Anong pangalan niya? Nagpalitan na kayo ng number?”   Sininghalan niya ng tingin si Eya. “Hindi na kami bata para sa mga ganyan, ano ka ba, Eya. His name is Pierce and his also a Filipino, kaya siguro magaan ang loob ko sa kanya.”   “Hindi na nga kayo bata, kaya unahan mo na,” sabi ni Eya na sinabayan nang paghagikhik.   Pinanlakihan ko siya ng mata pero parang hindi man lang ito natinag sa ginawa ko at nagsalita pa. “Birthday mo naman ngayon, bakit hindi mo regaluhan ang sarili mo, girl. Kailan k aba ulit nakarating sa langit?”   “Oh my God, did she really said that?” tanong ko kay Ian.   Ngumiti lang si Ian at sa tingin ko ay tila sang-ayon siya sa sinabi ni Eya. “Walang masama sa gusto sinabi niya Lenneth. Kahit isang gabi lang, hayaan mong mag-enjoy ka. Promise this is between us three.”   “Let’s go, twinnie.” Tumayo si Eya at hinawakan si Ian.   “W-where are you going?” gulat kong tanong.   “Uuwi na, enjoy your night with him.” Kumindat sa ‘kin si Eya at mabilis na hinila si Ian.   Wala na akong nagawa nang tuluyang nakalayo ang dalawa. Hindi niya akalain na talagang pinagkaisahan siya ng mga kaibigan niya. Tumingin ako sa paligid ko at nag-iisip kung tama bang sundin ko ang kalokohan ng dalawa ngunit nang sumagi sa isip ko ang mga anak ko ay mas nanaig pa rin sa ‘kin ang tama at ang pagiging disente.   Hindi naman sa nagmamalinis ako pero iba na ang sitwasyon ko ngayon at hindi ko na dapat iniisip ang mga ganoong bagay. Inisang lagok ko ang laman ng baso ko at tumayo na para umalis sa lugar na iyon. Tama na siguro ang may nakilala akong isang lalaki at nakausap. Hanggang doon na lang iyon at bukas paggising ko ay balik sa dati ang buhay ko.   Pagbaling ko para lumabas ay hindi sinasadyang nakabungguan ko siya, pumulupot sa beywang ko ang mga bisig niya at hindi ko alam kung lasing na ba ako o may kung anong magnet ang mga labi niya na bigla na kusa na lang dumikit ang labi ko sa kanya. Matagal na naglapat ang mga labi namin ngunit nang may umilaw na babala sa utak ko ay naitulak ko siya palayo sa akin.   Naghinang ang mga mata namin, napahawak ako sa dibdib ko dahil parang kakapusin ako ng hangin. May kung ano sa mga titig niya na hindi ko matukoy, isama pa ang mainit niyang labi na parang may ipinaalala sa akin na hinding-hindi ko makakalimutan.   “Lenneth, I…”   Umiling ako. “I need to go,” sabi ko at mabilis na umalis.   Maling-mali ang pagpayag ko na magpa-iwan sa dalawa. Habang palabas ng bar ay hindi ko natiis na haplusin ang mga labi kong nahalikan niya. Bumalik ulit sa isip ko ang nangyaring halikan nila ni Pierce ngunit sa isip niya ay hindi ang lalaki ang humahalik sa kanya kundi si Kenneth. Nang maglapat ang mga labi namin ay si Kenneth ang lumabas sa isip ko at hindi siya.   Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling, hindi pa ako handa para pumasok sa relasyon o ang maglandi sa ibang lalaki. Hindi ko pa siya makalimutan at parang wala na yatang pag-asang makalimutan siya. Mananatili na ang alaala naming dalawa sa puso’t isipan ko at wala akong balak kalimutan iyon.   “Lenneth, sandali, let’s talk about what happened.” Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko.   “Wala tayong dapat pag-usapan, Piere. Lasing tayong dalawa at dala lang iyon ng ispiritu ng alak kaya nangyari iyon,” sagot ko at kinuha ang kamay kong hawak niya.   “Sigurado k aba sa sinasabi mo?” tanong niya sa akin.   “Yes, I’m sure of that,” sagot ko.   Kumunot ang noo ko nang umiling ang binata. “Alam kong hindi kalasingan ang nagtulak sa akin para halikan ka at alam kong ganoon ka rin.”   “Of course not! Parehas tayong nakainom kaya—” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil mabilis niyang tinawid ang pagitan naming dalawa at mapusok akong hinalikan sa labi.   Hindi agad ako nakahuma sa ginawa niya at sa puntong iyon ay hindi ko na siya itinulak pa palayo. Nakita ko ang imahe ni Kenneth sa isip ko at dala na siguro nang pangungulila ko sa kanya ay hinayaan ko ang sarili kong gumanti sa mga halik niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD