CHAPTER II

2132 Words
CHAPTER II   [ Lenneth ]     “Good afternoon, Ms. Lenneth. How’s your meeting with Mr. Joe?” maaliwalas na tanong ni Eve sa akin.   “Stressed,” sagot ko at dumiretso sa kanyang opisina para lang muling matigilan. “Do I give you your bonus?”   “Po?” gulat nitong turan.   “Your face, it’s glowing.” Pabiro kong saad bago tuluyang pumasok sa opisina ko.   Kinuha ko si Eve at hinikayat na dito na manirahan sa San Francisco at magpatuloy bilang kanyang personal na sekretarya. Hindi naman ako hinindian niya at agad na pumayag sa pakiusap niya.   Gusto ko nga siyang gawing Head ng kompanya ko kaya lang ay mas gusto nitong maging personal secretary ko lang. Gayunpaman ay ginawa ko pa rin siyang Head Manager ng HEIL.   Napasigaw siya nang sa pagpasok niya sa kanyang opisina ay makarinig siya ng parang may sumabog sa harap niya at ang pagkalat ng confetti na sinundan pa nang pagkanta.   *Happy birthday to you, Happy birthday to you, Happy birthday, Dear, Mommy, Happy birthday to you…*   “Happy birthday, Mommy!” masayang sigaw ni Keigh at patakbong lumapit sa akin. Se Keigh ay pitong taong gulang na. Siya ang anak ko kay Kenneth at nakuha ng anak ko ang magagandang mata ng namayapa niyang nobyo. Ang sabi rin ni Angel ay si Keigh ang babaeng bersyon ni Kenneth.   Sumunod din ang kambal kong anak at niyakap din ako.   “Blow your cake, Mom.” Inilapit sa ‘kin ni Lyka ang cake sa akin at humalik sa pisngi ko. Lumaking magandang teenager si Lyka, kuhang-kuha nito ang itsura niya no’ng bata-bata pa siya. Halos hawig nga ang aming mukha at napagkakamalan pa kaming magpakapit kapag napupunta ang mga ito sa boutique.   At dahil nagdadalaga na ito at kitang-kita na ang kaseksihan ay bantay sarado na ito ng Kuya nitong Sephy.   “Make a wish, Mom, bago mo hipan ang mga kandila.” Nakangiting saad naman ni Sephy. Sa edad na trese anyos ay masasabi na talagang ganap ng dalaga at binata ang mga anak ko. Palibhasa ay dito na lumaki sa Amerika kaya na-adopt na nila ang kaugaliang mayroon dito, gayunpaman, ay hindi ko sila pinapabayaan at laging pinaalalahanan ng mga bagay na dapat ay iwasan nila.   Pagkatapos kong mag-wish at hipan ang mga kandila ay sabay-sabay namang nagsilapitan ang mga kaibigan ko.   “Happy birthday, sizzy. Nagustuhan mo ba ang surpresa namin?” ani Ian at niyakap siya ng mahigpit.   “Kailan pa kayo nandito?” tanong ko.   “Kahapon pa kami dumating, sabay-sabay kaming pumunta rito para batiin ka lang. Mukhang wala ka ng balak bumalik sa Pilipinas, ah,” ani Eya at yumakap din sa kanya.   “Salamat. Hindi ko talaga akalain na magpupunta kayo dito at maaalala niyo ang birthday ko,” madamdamin kong turan sa kanila.   Sa pitong taon na nagdaan, ni minsan ay hindi ko magawang mag-celebrate ng ganito sa kaarawan ko. Lagi ko kasing inuuna ang mga anak ko at ang lumalago na naming negosyo. Wala na akong panahon para sa sarili ko pero okay lang naman iyon sa akin kasi nakatulong din iyon para sa mabilis kong pagmo-move on.   “Nasaan pala si Hance?” tanong ko nang mapansing hindi kasama ni Eya ang asawa nito.   “Nasa bahay niyo, nagtatantrums na naman ang anak niya at ayaw lumabas kaya ayun, doon na lang sila maghihintay sa atin,” sagot ni Eya.     “For you.” Nakangiting iniabot ni Andrew ang isang maliit na box sa ‘kin.   “Ano naman ito?” tanong ko habang kinukuha ang kahon sa kanya.   “Open it, pinag-isipan namin ni Angel iyan kaya dapat ingatan mo,” sabi niya at inakbayan ang nobya nito.   “Thank you,” sabi ko sa kanilang dalawa. “Mamaya ko na lang ‘to buksan.”   Sabay-sabay kaming umalis ng kompanya, hindi pa pala tapos ang sorpresa nila dahil paglabas ko ng opsina ay naghihintay din pala ang mga empleyado ko at may simple silang ibinigay sa akin. Si Eve naman ang may pakana niyon, hindi talaga ako nagkamaling pagkatiwalaan ang dalaga.   Nang makarating kami sa bahay ay mukhang pinaghandaan nga nila ang araw na iyon kasi may mga nakahanda ng pagkain at higit sa lahat ay naroon din ang kanyang Daddy at tatlong kapatid sa ama—Ryker, Rafayl at Dior.   It was indeed a special occasion. It was the first time my brothers came with Dad.   “Happy birthday, beautiful,” ani Dior na yumakap sa ‘kin at humalik sa pisngi ko.   “Thank you, Ore, anong nakain niyo at pumunta kayo rito?” tanong ko nang makawala sa mahigpit nitong pagkakayakap.   Ngumiti siya. Iyong ngiti na talaga namang makalaglag panga. Lumalabas ang malalim na biloy nito sa kaliwang pisngi, dahil purong Griyego ay hindi maitatangging isa ito sa mga pinagpalang makakuha ng mga katangian na magpapatunay lang na isa ito sa mga anak ni Zeus. His black and wavy hair gives him more sexy and hot, isama pa ang kulay-berde nitong mga mata at ang aristokratong ilong.   “We just want you to be happy, love,” ani Ryker na lumapit din at humalik sa pisngi ko.   Si Ryker ang masasabi kong pinakamalambing sa tatlong kapatid niya. Hindi rin naman ito pahuhuli sa kakisigan siguro nasa dugo na nila iyon.   “Then I’m happy to see you all here.” Nakangiti kong sambit at niyakap ang dalawa.   Nakita niyang kalaro ni Keigh si Rafayl, habang ang kambal naman niya ay naglalambing sa kanyang ama. Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid ko at napupuno ng kaligayahan ang dibdib ko, hindi ko akalain na darating ang punto sa buhay ko na makikita ko silang lahat.   “Please, don’t tell me you’re crying, honey,” ani Rafayl na lumapit sa kanya habang karga si Keigh.   Umiling siya. “Tears of joy, Kuya. I’m sorry, I can’t help it.”   “Mommy, don’t cry. Daddy will be sad in heaven too,” inosenteng saad naman ni Keigh na pinunasan ang mukha niya.   ‘Kenneth, kung nasaan ka man sana ay masaya ka. Hindi ko magawang kalimutan ka at ipagkait sa anak natin na makilala ka kahit na wala ka na sa tabi namin ngayon.’   “Okay, baby, I’ll stop crying,” wika ko at hinalikan siya sa pisngi.   Nilapitan ko si Daddy, matanda na talaga ito at mas maganda nang magpahinga ito. “Dad…” Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa noo.   “Happy birthday, Lenneth.”   “Thank you, but you don’t need to come all the way here, baka makasama pa sa’yo ang pagba-biyahe.” Nag-aalala kong saad.   Tinawanan niya lang ako. “Mas okay na rin ito kesa ang ikulong niyo ako sa bahay ko sa Greece.”   “Mommy, puwede bang dito na muna sila sa ‘tin?” tanong ni Sephy.   “It depends if they will stay, Seph. You know how busy your Uncles are,” sagot ko.   “Uncle Ryke say yes, already,” sagot naman ni Lyka. “I missed them, but they’re afraid that you’ll push them away.”   “What? Who said that to you?” Kunot-noong tanong ko kay Lyka.   “Bakit hindi ba totoo? Every time we want to visit and stay here with you, you’ll always tell us not to come here,” ani Ryker na nakalapit na pala sa ‘min. May hawak itong dalawang baso na may lamang alak. Ibinigay nito ang isang baso kay Daddy.   “Dahil hindi niyo ako titigilan sa kaka-offer ng tulong niyo,” giit ko.   “We’re siblings and you’re our princess, of course, we can’t let you suffer,” sagot naman ni Ore na tumabi sa akin.   “See? Paano ako matutong mag-isang tumayo kung aasa ako sa inyo? I need to be strong and grow alone, may mga anak na ako at—”   “Pamilya mo kami, Lenneth,” ani Ryker.   Huminga ako ng malalim. Kaya minsan ayaw kong nagsasama-sama ang mga kapatid ko dahil lagi nila akong pinagtutulungan. Hindi naman masama ang gusto nilang mangyari pero gusto ko rin namang may patunayan.   “Enough of that, napatunayan mo ng kaya mong mag-isa at maging isang matagumpay na businesswoman. Siguro naman puwede na kaming mag-stay dito?” sabad naman ni Rafayl.   “Oo nga naman, Mommy, ayaw mo niyon, kompleto tayo dito? Lolo’s here and you can take care of him, ‘di ba iyon naman ang gusto mo?” masuyong saad ni Lyka na humilig pa sa balikat ni Daddy.   “Do I have any choice?” Naiiling kong wika.   Tama naman ang mga ito, naabot ko na tagumpay ng pagiging businesswoman at buo ang pamilya ko, panahon na rin siguro para pagbigyan ko na ang mga gusto nila.   Masaya kaming kumain at masasabi ko talagang wala na akong mahihiling pa dahil nang gabing iyon ay nakompleto ulit ako. Parang ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng mga naranasan ko sa loob ng pitong taon kong pamamalagi sa San Francisco.   Dahil sa pagsusumikap niya ay nagawa niyang palaguin ng husto ang HEIL Fashion Empire. Naging worth it ang mga sakripisyo at paghihirap ko sa tinatamasa ko ngayon. Totoo nga ang kasabihang the key to success is to endure the pain and make it your strength.   Nang lumalim na ang gabi ay sinamahan ko muna ang mga anak ko sa mga kuwarto nila. Kahit naman kasi nagdadalaga at nagbibinata na ang mga ito ay hindi nawala sa mga ito nab ago matulog ay tatabihan ko muna sila.   Nakatulog naman agad si Keigh, napagod yata sa pakikipaglaro sa anak nina Hance at pati na rin sa pakikipagkulitan kina Rafayl. Nakayakap sa’kin ang kambal ko at parehas kong hinahaplos ang mga buhok nila para makatulog.   “Mom, ngayong okay po kayo, puwede po bang kami naman ang humiling?” malambing na tanong ni Sephy.   Ngumiti siya at hinagkan ito sa ulo. “Anong gusto ng mga baby ko?”   “Huwag ka po sanang magagalit sa amin, ah. Alam naman po namin na mahirap ang hihilingin namin sa’yo pero gusto lang po namin na tulungan kang mawala ang sama ng loob sa dibdib mo,” ani Lyka na humilig sa dibdib ko.   Hindi ako nagsalita, pakiramdam ko’y alam ko na ang gusto nilang hilingin.   “Can you forgive, Daddy?” anas ni Sephy. “He’s been away from us for more than seven years…”   “And we badly missed him,” dagdag na wika ni Lyka.   Nakagat ko ang labi ko at nahulog sa malalim na pag-iisip. Sa loob ng mga nagdaang taon na lumipas ay hindi nga ako sinuway ni Ace. Ni minsan ay hindi ito nagpunta sa kanila para makita at makasama ang kanilang mga anak, at wala rin siyang narinig mula rito na kahit na ano.   “Please?” sabay na hiling ng kambal.   “Dahil lumaki kayong mababait at masunurin ay papayag na ako.” Nakangiti kong saad.   “Really?” gulat na tanong ni Lyka na bumangon pa at tumingin sa akin.   Tumango ako. “Pero may kondisyon akong hihilingin kung okay lang sa inyo.”   “Ano iyon, Mommy?”   “Papayag lang ako pero siya ang pupunta rito para makita kayo. Hindi kayo puwedeng sumama sa kanya sa Pilipinas, nagkakainitindihan ba tayo?”   “Yes po! Thank you, Mom! You’re the best!”   “We love you, Mom,” malambing na saad naman ni Sephy.   “I love all of you, and I’ll do everything to protect you.”   Pagkatapos ng selebrasyon ng birthday ko ay napag-isipan pa naming tatlong magkakaibigan na mag-club. Ako, si Ian at Eya, dahil mga nasa malayo siya sa dalawa ay hindi namin magawa ito.   Namiss kong kasama ang mga ito, ilang taon na ba simula ng gawin nila ang ganitong bonding.   “So anong bago sa’yo, still no boyfriend?” tanong ni Eya sa ‘kin.   Nakangiti siyang umiling. “May oras pa ba ako para sa bagay na iyan?”   “Iyong oras ba talaga ang wala ka o ayaw mo lang?” Nakataas ang kilay na tanong naman ni Kenneth.   Hindi ko nagawang sagutin ang tanong nito dahil magpapaka-ipokrita ako kung pipiliin ko ang una. Hindi naging madali ang pinagdaanan ko at nakakatakot nang bigyan ng tsansa ang sarili kong magmahal ulit, dahil sa mga naranasan niya dalawang choices lang ang nangyayari—ang mawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal, o ‘di naman kaya ay maloko siya at iwan ng taong minsan niyang minahal.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD