KABANATA XXXI Pagkaalis nila sa opisina ay dumiretso na sila sa bahay, pagkarating nila roon ay mabilis na hinila ni Keigh si Pierre papunta sa kuwarto nito para ipakita ang mga laruan nito at ilang medalya. Hinayaan na niya ang mga ito, tinawag niya ang kanyang katulong upang tulungan siya sa kusina. Kailangan niyang magluto ng espesyal dahil may bisita silang hindi niya inaasahang makakatuntong sa kanyang bahay. “Mom?” tawag ni Sephy sa kanya. Nilingon niya ito at nakita niyang akadamit na itong pambahay. “Yes, anak? May kailangan ka ba?” “Uhm. . .” Lumapit ito sa kanya at tinulungan siyag mag-salansan ng mga hinugasan niyang prutas at gulay. “Wala ka bang napapansing kakaiba kay Tito Pierre?” Nakakunot ang noong tumigil siya sa paghuhgas ng prutas at tumingin di

