CHAPTER XXIII Pagkatapos ng matinding away nila kanina sa harap ng mga anak niya ay minabuti na muna ni Lenneth na umalis ng bahay. Hindi niya kayang makitang palakad-lakad si Ace sa buong kabahayan niya, masyadong mainit ang dugo niya ngayon sa binata at baka kung ano naman ang magawa niya kapag muli niyang makita ito ngayon. Dumiretso siya sa Boutique at pagkarating doon ay inaasahan na niyang may mga reporters na mag-aabang sa kanya kaya naman tinawagan niya agad si Ian para ipa-secure ang dadaanan niya. Wala siya sa mood na harapin ang mga ito ngayon at higit sa lahat wala siyang pakialam sa iisipin ng mga ito o kung anuman ang ipagkalat ng mga ito. Sa loob ng pitong taong kasikatan niya dahil sa Boutique niya ay pinanatili niyang nakatago ang pribado niyang buhay at tangin

