KABANATA XXIX Pagkarating nila sa Tower ng Gustav Marketing ay nakita niya ang pagkamangha sa mga mata ni Lyka. Ito ang unang beses na makakaapak ito sa kompanya ng mga Gustavio. “Wow! Hindi ko alam na ganito kalaki ang Tower na tinutukoy ni Tito rafayl!” bulalas nito. Tumawa siya ng mahina. “Now that you’ve mentioned his name, I guess you already know my surprise.” Nakangiting wika niya. “No way!” Namimilog ang mga matang turan nito. Tumango siya at pagkatapos na i-park ang sasakyan ay nauna na siyang bumaba ng sasakyan. Excited itong nagmamadaling lumapit sa kanya. “Is Tito Rafyl, here?” “Yup, and they’re waiting for you. . . I mean, your Tito Andrew and Tito Rafyl, the rest are not here yet.” “It’s fine, as long as I’m going to meet them soon, it doesn’t

