iii

1201 Words
MAAGANG pumasok sa trabaho si Shei. Laking tuwa’t pasasalamat niya nang tawagan siya ng kompanya at malamang isa siya sa masuwerteng nakapasa. Sa wakas, paunti-unti ay umuusad na ang plano niya sa buhay. Nang makita niya si Denis sa araw ng interview, nawalan na ng pag-asa si Shei na matanggap. Sa lahat ng ng nangyari sa kanila, hindi pa nag-uumpisa ang trabaho niya ay may lamat na ang pangalan niya. Habang dumadaan ang oras, unti-unting dumarami ang tao sa loob ng HR Department at ni isa sa mga ito ay hindi siya pamilyar. Matapos ibigay sa kanila ang mga ID, inilibot sila sa buong kompanya at ipinakilala ang mga mahahalagang tao sa loob na maaari nilang makasalamuha. Matapos rin ang ibang paalala, isa-isa nang inihatid sa kani-kanilang departamento ang iba hanggang sa siya na lang ang matira. “Shei Brillantes.” Napaayos siya ng tayo at humarap sa matanda. Isa ito sa mga nag-interview sa kanila noong naakaraang araw. “Sumunod ka sa akin.” Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari. Nanatili siyang nakasunod. Parehas silang nakarating sa huling palapag. May iilang tao sa loob na sumusunod ang tingin hanggang sa makapasok sila sa pinto. Bumati ang matanda. “Narito na po siya.” Samantala, nanatiling nakatalikod ang upuan sa gitna, nakatapat sa malaking salamin na kita ang buong lugar. “Thank you, Mrs. Vito. You may go now.” Nagkatinginan sina Shei at Mrs. Vito. Tumango ito at lumabas na. Namayani ang katahimikan sa buong kwarto. Hindi siya mapakali. Akmang ibubuka niya pa lang ang bibig upang magsalita nang unahan siya nito. “It’s nice to meet you again, Ms. Shei Brilliantes,” usal ng baritonong boses kasabay ng pagharap nito. “Or should I call you SB?” Tulala siya’t napako sa kinatatayuan nang makita nang malapitan kung sino ang nasa likod ng upuan. Matamis ang ngiti na sumilay sa labi niya. “Good morning, Sir. I’m Shei Brillantes, your new secretary. Nice to meet you, too,” aniyang pilit itinatago ang kaba. Gusto nang kumawala ng puso niya sa lakas ng kabog nito. Ang tuhod niya ay nanlalambot. Gusto niyang lumabas ng kwarto, tumakbo papalayo sa binatang nasa harap, ngunit pinanatili niyang nakataas ang kaniyang noo at may mahinahong ngiti. PABAGSAK na itinapon ni Shei ang katawan sa upuan. Ramdam niya pa rin ang panginginig niya. Akala niya ay ang pagpasok sa Del Liente’s Group of Companies ang daan para sa pagbabagong-buhay pero mas naging komplikado pa ang lahat. Tiningala niya ang oras. Dalawang oras pa bago ang lunch pero pakiramdam niya ay wala na siyang lakas para sa mga susunod na oras. Sunod-sunod ang pagbuga ng mararahas na buntonghininga, pilit na pinakakalma ang sarili nang may maglapag ng kape sa mesa niya. “Here.” Tumaas ang tingin ni Shei sa nagsalita. Napatulala siya nang makita ang lalaking mukhang modelo ng toothpaste sa ganda ng ngiti nito at pantay-pantay na mga ngipin. “You look stress. Ngayon lang din kita nakita. Ikaw ba ang bagong secretary ni Boss?” Natuhan si Shei at inayos ang upo bago tumango. “A-Ako nga po.” Tumango-tango ang lalaki. “Good luck.” “B-Bakit parang iba ang tono mo?” kunot-noong tanong niya. May dapat ba akong malaman sa bago kong amo? Mahina itong tumawa saka umiling. “Wala naman—malalaman mo rin,” tanging sabi nito sabay kindat. Mas lalong kumunot ang noo ni Shei sa pasaring ng binata. Akmang magtatanong siya nang unahan siya nitong magsalita. “Lingid ba sa kaalaman mo kung bakit umalis ang dati niyang sekretarya na pinalitan mo?” Tumingin ito sa paligid saka matamis na ngumiti. “Kung gusto mong malaman, tanungin mo ang iba mong kasama dahil siguradong alam nila ang dahilan,” dagdag pa nito saka tuluyan nang nagpaalam. Naiwan siyang tulala, nakasunod ang tingin sa likod ng lalaking hindi man lang nakuhang magpakilala. Sunod-sunod siyang bumuga ng mararahas na buntonghininga. Naagaw ang atensyon niya sa kape na iniwan ng lalaki. Dumagdag pa sa problema niya ang sinabi nito. Sa gitna ng pag-aayos ay pinapasok siya sa loob ng opisina. Sa pangatlong pagkakataon, ramdam niya ang tingin ng mga naroon na nakasunod hanggang makapasok siya. Ang pangalawa ay kaninang lumabas mula sa opisina. “May kailangan po kayo, Sir?” tanong niya nang may mababang boses. Nahihiya pa rin siya. Bumabalik sa alaala niya ang mga oras na isinisigaw niya ang pangalan nito’t nagmamakaawa sa kama. Ano ka ba, Shei? Sinuway niya ang sarili nang maramdaman ang pag-init ng mga pisngi. “You okay?” Muling bumaling ang tingin niya sa amo. “Masama ba ang pakiramdam mo?” dagdag nito. Umiling siya. “Bakit n’yo po ako pinatawag?” “About that night—” Hindi natapos ni Denis ang sasabihin nang mabilis niya itong putulin. “Sir, kung anuman po ang nangyari sa atin nang gabing ‘yon ay makabubuti nang kalimutan. It’s a one-night stand, one-night commitment. At nagawa nating parehas ang gusto natin. Kaya kung maaari po sana ay iwasan na nating pag-usapan o mas maganda nang kalimutan,” lakas-loob niyang usal. Wala nang pakialam si Shei kung ito na ang una’t huling beses na makaaapak siya sa building na ito basta’t maklaro niya ang sarili sa binata. “You want to forget everything? SB, I took your virginity that night. Alam mo ba kung ilang araw akong hindi nakatulog kaiisip sa bagay na iyon.” Nagdikit ang mga kilay ni Denis. Hindi niya alam pero sa loob-loob niya ay hindi siya sang-ayon sa gustong mangyari ng dalaga. “I’m sorry,” paghinging paumanhin ni Shei. “But that night, ibinigay ko nang kusa sa iyo ang lahat. Wala akong balak na maghabol sa nangyari at lalong wala akong pinagsisihan. And, Sir, my name is Shei, not SB,” pagtatama niya. Pinakatitigan ni Denis ang dalaga. Walang kahit anong bakas ng pagsisinungaling sa nakadirekta nitong tingin. Sunod-sunod siyang napaubo, inayos ang boses saka binalik ang tingin sa binabasa. “Ano ang gusto mong mangyari?” “Kalimutan ang lahat,” walang pag-aalinlangang tugon ni Shei. “At maging sekretarya mo sa mahabang panahon.” Mahabang panahon? Si Denis sa kaniyang isipan. Tumaas ang tingin ng binata, direktang tinitigan ang dalaga. “Okay. Just promise me one thing. Hindi ka magre-resign at mananatili rito nang mahabang panahon.” Tumango si Shei. “I promise.” Nakahinga siya nang maluwag nang maayos itong nakausap at hindi siya napatalsik sa unang araw ng trabaho. “May kailangan pa po ba kayo?” “Oh, bring me a cup of coffee, please,” usal ni Denis na may matamis na ngiti. Nagpaalam na siya at tumalikod. Nang akmang bubuksan na niya ang pinto ng opisina ay nagsalita ang binata. “One last question before I forget everything.” Nilingon niyang muli ang amo. “Ano iyon?” “Did I satisfy you that night?” Para siyang nabilaukan sa sariling laway sa tanong nito. Namumula siyang tumango. “Y-Yeah,” pag-amin niya. “Then, why did you just give a two-star rating?” pagmamaktol nito saka ipinakita ang cellphone. Jusko, mukhang ngayon pa lang ay gusto niya nang buwagin ang ipinangako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD