ii

1448 Words
WALANG LAKAS na ibinagsak ni Denis ang katawan sa office chair. Katatapos pa lang ng mahaba-habang meeting para sa bagong proyekto ng kompanya. Isang linggo na siyang ganito at halos wala nang oras para sa sarili. Sunod-sunod siyang bumuga ng malalim na hininga. Tatlong buwan na ang lumipas magmula nang gabing iyon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang dalaga na hanggang sa panaginip ay nakikita niya. “You look stress.” Iminulat niya ang mga mata. Bumungad si Mona sa harapan niyang may nang-aakit na tingin habang binabalandra nito ang makinis at mahabang mga hita. “Want a massage?” Muli siyang pumikit, tumango bago isinandal ang likod. Mayamaya ay naramdaman niya ang magaan nitong mga kamay na may halong pang-aakit. Nag-umpisa ang pagmasahe nito sa balikat niya, bumababa sa braso at hindi nagtagal ay nakaupo na ito sa kaniyang hita. “It’s been a month, Sir. Don’t you want pleasure?” Iminulat niya ang mata. Hindi maipagkakaila na maganda’t sexy at magaling sa kama ang sekretarya pero hindi ito ang babaeng gusto niya. Biglang lumabas ang larawan ni SB sa isipan niya. Heto na naman siya. “S*ck me.” Sumilay ang ngiti sa labi ni Mona bago dali-daling umalis sa pagkakaupo’t lumuhod sa harapan niya. “Sabi ko na nga ba’t hindi mo ako matitiis, eh,” anito saka ibinaba ang slacks na kaniyang suot at tumambad ang buhay na buhay na alaga niya. “Ah...” Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang isubo ni Mona ang pagkal*laki niya. Sobrang init ng labi nito na gumagalaw taas-baba habang sinasabayan ng palad na humahagod. Gamit ang isang kamay, iniabot niya ang buhok ng babae bago sinabayan ang paggalaw ng bibig nito. Nang muling ipinikit ang mga mata, imahe ni SB ang unang pumasok sa isipan niya. Nag-umpisa siyang pagpantasyahan ang inosenteng dalaga, iniisip na ito ang nagpapaligaya sa kaniya sa bawat oras na ito. “Ahh... uhmm... SB.” Napaawang ang labi niya bago pinagduldulan ang kahabaan at matapos ang tatlong beses na paglabas-pasok sa bibig nito ay tuluyan niya nang naabot ang rurok. Iminulat niya ang mga mata. Nagkalat ang puting likido sa mukha’t dibdib ni Mona na may pang-aakit na nakatingin sa kaniya. “SB? You want coffee?” Narinig niya pala. Tumango na lang si Denis. Hindi na muling nagtanong pa ang sekretarya, inayos ang sarili bago muling naupo sa hita niya. “May kailangan ka pa?” tanong niya rito. “It’s been two months. I want label, Sir,” pagde-demand nito. Walang emosyong napatitig siya sa sekretarya. Katulad ng mga naunang babae na nagtrabaho sa kaniya, hindi rin ito umabot nang tatlong buwan bilang sekretarya. “Walang label, Mona. Walang tayo,” mabilis niyang sagot. Kumunot ang noo ng babae. “Walang tayo? But we do s*x.” “We do s*x, at hanggang doon lang iyon.” Umpisa pa lang ay hindi pumasok sa isipan niya ang makipagrelasyon. Kuntento na siya sa isang gabi, na mailalabas lahat ng init niya’t mapupunan ang pangangailangan bilang isang lalaki. “No!” Tumayo ang sekretarya. “Hindi ako makakapayag.” “Kahit hindi ka pumayag, wala ka pa ring magagawa—” Napatigil siya nang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya. “You jerk!” Nanlilisik ang mga mata nito sa galit habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya. “H-Hindi mo pwedeng gawin sa akin ‘to.” “Nagawa ko na,” walang pusong tugon ni Denis na ngayon ay direkta nang nakatingin sa sekretarya. Nag-uusok sa galit ang babae. Inis itong tumalikod palabas pero bago siya makarating sa pinto ay muli itong tumingin sa kaniya. “Pagsisisihan mo ang ginawa mo, Denis. Hindi ako makakapayag na maging masaya ka,” pagbabanta nito bago tuluyang lumabas ng opisina. Mukhang kailangan ulit niyang maghanap ng bagong sekretarya. Ilang beses na nga ba itong nangyari? Hindi na niya mabilang sa sobrang dami. Sanay na sanay na siya sa walang katapusang linyahan ng mga ito na walang nangyayari. Sunod-sunod siyang napabuga ng hangin bago inayos ang sarili para sa susunod na meeting pero bago lumabas ay tinawagan muna niya ang HR para hanapan siya ng bagong sekretarya. HINDI pa sumisikat ang araw ay gising na gising na ang buong diwa ni Shei. Naghahanda na siya para sa unang interview na kaniyang dadaluhan ngayong umaga. Dalawang linggo na rin mula nang mag-resign siya sa dating trabaho. Maganda at malaki man ang sinasahod niya pero hindi niya na nakayanan ang pag-uugali ng ibang katrabaho na dinaig pa ang anak ng may-ari ng kompanya sa sobrang pagkabibo. Tiningala niya ang mataas na building. Ang Del Liente’s Group of Companies, isa sa mga kilalang kompanya sa buong bansa dahil sa produkto nitong patuloy na namamayagpag magmula pa noong 1980’s. Nagpakawala siya ng mahabang buntonghininga. Sumilay ang malaking ngiti sa kaniyang labi bago pumasok sa loob. Napakahabang pila ang sumalubong sa kaniya kahit masiyado pang maaga sa oras na ibinigay sa kanila. Kunsabagay, ang posisyon na kailangan ay hindi rin basta-basta. “Number 35 to 40, please proceed inside the room,” anunsyo ng isang babae na nanggaling sa loob. Nagtayuan ang lima. Isa na siya roon. Inayos niya ang sarili at inabot ang resume sa babae bago pumasok sa loob ng kwarto, ngunit ang malapad na ngiti ay unti-unting nawala at napalitan ng pagkabigla dahil sa binatang nakaupo sa gitna ng mahabang mesa. Ano ang ginagawa niya rito? Sa isip-isip niya habang hindi maialis ang tingin. At mas lalo siyang nawala sa sarili nang magtagpo ang kanilang tingin. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito pero kaagad ding nawala at napalitan ng maliit na ngiti sa mga labi. “Good morning.” Nabalik siya sa reyalidad nang magsalita ang isa sa apat na mga mag-i-interview. Pinilit niya ang ngumiti at tinuon na lamang ang atensyon sa bawat tanong na ibinabato. Nakahinga siya nang maluwag nang matapos ang interview. Bago pa makalabas ay muling nagtama ang tingin nila ng binata. Maganda ang ngiti nito matapos ang kung anong ibinulong sa katabing matanda. “Mukhang tadhana na mismo ang naglalapit sa amin,” bulong niya bago tiningnan ang mataas na building sa harapan saka ito tuluyang tinalikuran. MARAHANG ibinaba ni Denis ang hawak na beer. Maganda ang ngiti niya at may kung anong kakaibang awra ang nakapalibot dito. Nilibre pa niya ang mga kaibigan na hindi makapaniwala nang unang marinig ang salitang ‘LIBRE’ mula sa kaniya. “So, what’s up? Bakit bigla kang nag-aya at nanlibre?” pag-uumpisa ni Garrie na may naghihinalang tingin. “Nabalitaan kong naghahanap ka ulit ng bagong secretary. You need help?” dagdag pa nito. “Mayroon na.” Lumapad ang ngiti ni Denis nang muling pumasok sa isipan niya ang mukha ng dalaga. Shei Brillantes. SB. Hindi niya akalain na magkikita sila kanina. Mabuti na lang at naisipan niyang magpunta para tingnan ang nangyayaring hiring sa kompanya. “Agad?” Kumunot ang noo ni Kayde. “Oh, pustahan, hindi siya tatagal nang isang buwan,” pahabol nito. “Three weeks is enough,” segunda ni Denrik. “I think magtatagal siya.” Ngumiti si Garrie bago nilingon ang dalawa. “More than a year,” dagdag pa nito. Samantala, kumunot ang noo ng dalawa sa naging hula nito. “Gano’n kalaki ang tiwala mo sa lalaking ‘yan?” “Base sa ngiti niya, mukhang may iba,” komento ni Garrie bago siya nilingon. “Tama ba ako?” pagtatanong nito sa kaniya. Tinungga niya ang isang bote ng beer. “She’s my buyer.” Nanlaki ang mga mata ng tatlo sa tatlong salitang isinagot niya. “Pinahanap mo siya?” “Ang tadhana ang naglapit sa aming dalawa,” mabilis niyang sagot bago ipinikit ang mga mata at maliit na ngumiti. “Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit bigla siyang nanlibre.” Si Kayde. Hindi siya umangal. Iyon naman talaga ang dahilan. “Ngayong nakita mo na siya, ano ang balak mo?” seryosong tanong ni Garrie. Natahimik sa pagbabangayan sina Kayde at Denrik, hinihintay ang magiging tugon niya sa tanong na iyon. Maliit siyang ngumiti bago inilapag ang bote ng alak. “Go with the flow,” aniya sabay kibit-balikat. “Go with the flow, pero hindi mawala sa isip mo?” nang-aasar na pambabara ni Denrik saka siya tinapik. “Pare, mukhang nakikita ko na ang kapalaran mo.” “Kapalaran?” “Oo. Kapalaran na makakasama ka sa grupo ng mga torpe at indenial.” Nawala ang ngiti niya, kusang tumaas ang gitnang daliri bago pinakita kay Denrik. “G*go!” “Mukha nga,” segunda ni Garrie. Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlong kupal. Kabagin sana ang mga g*go.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD