Kabanata 4 (STILL FLASHBACK)
BECAUSE I like Logan naman. I agreed na ligawan ako nito. Sinekreto ko sa magulang ko na may manliligaw ako na mahirap. Dahil for sure naman kase na pag nalaman nila, baka sigawan pa ko sa pangaral at ulitin ang sinasabi.
Wala na muna 'kong pake if he's after the money lang.
Hindi naman ako mapera talaga. Mga parents ko lang eh.
Sa mga nakalipas na buwan, na panliligaw sa akin ni Logan. He made sure to prove that he's sincere. Masikreto kaming nagdadate and naiintindihan naman nito dahil in explain ko lang na dahil hindi pa ko tapos sa pag-aaral. Gusto lang ng mga parents ko na makapagtapos muna ko bago makapag boyfriend. But the truth is okay lang naman magkaroon ako ng manliligaw at boyfriend but they want it to be rich.
"Sorry ngayon lang kita mapapakilala sa mga kapatid ko." ani nito sa akin.
Tumango naman ako. I understand him.
Me nga hindi ko pa ito napakilala kina Mommy.
"Hindi sa kinahihiya kita, baby face."
"Stop calling me, baby face." Inis kong sambit.
"Kalma. Baka makurot mo na naman ako dahil sa inis. I mean baby annie."
"Baby mo mukha mo." wala na sa mood.
Hindi ko ito pinansin pero dahil sa korning joke nito. Nawala rin. Nang tinanong ko kung saan nito nakuha ang mga 'yon, sa f*******: lang daw. Well, f*******: joke can make you laugh naman talaga. Epektibo sa akin kase hindi naman ako gaanong serious na tao tulad ng iba pero when I'm using sss wala na grabe na tawa ko.
"Pagpasensyahan mo na rito. Masikip talaga." saad niya nang naglakad na kami papasok sa eskinita.
"Okay lang." sabi ko at ngumiti.
Pero sa totoo lang not okay. I feel suffocated and para kong mamatay sa baho... Hindi naman sa judgemental ako sa kinalakihan nitong lugar.
Pero gusto kong itanong kay Logan. Hindi ba naglilinis ng paligid ang mga tao rito?
It's dirty! Mabaho pa!
Muntik pa kong masuka sa gilid. Buti na lang napigilan ko.
Ewww.
Next time I'll wear a face mask to prevent me sa germs here and an alcohol.
"Nandito na tayo," pukaw sa akin ni Logan.
I blink and blink.
Serious? Ito ang bahay ni Logan?
I don't want to go inside and I have a reason!
Kung masikip na ang dinaanan namin kanina. Mas masikip pa ata ang bahay nito.
"Pasok na tayo," Giniya ako ni Logan papasok. Napahawak pa ko sa braso nito at nilanghap ang panglalaki nitong amoy.
Kahit paano nawala ang pagdalawang isip ko.
"Meet my mama, baby annie."
Nang tignan ko ang tinuro nito nakita ko ang may katandaan ngunit magandang ginang na nakaupo sa gilid ng kama.
"Yun naman mga kapatid ko." Tinignan ko ang isa pa nitong tinuro.
"Panganay ako,"
"Sumunod 'yan." turo sa babaeng nag cecellphone. Mukhang busy at hindi man lang lumingon.
"Pangatlo." Sa binatang lalaking na nakangiti at tumatango sa akin.
"Namatay ang pang-apat." malungkot na saad nito.
"Panglima naman 'yan." Sa babaeng nanonood ng kung ano sa cellphone.
"Pang anim..." sa batang babae rin na naglalaro ng barbie doll.
"Pang pito..." sa batang lalaki na special.
"at si Papa wala rito. Kase namatay na siya." Malungkot na saad nito.
"ako at si Loris na lang ang naggagawa ng paraan para mairaos ang pamilya namin."
"Sana hindi magbago at pahinto mo ko sa panliligaw sa'yo. Kahit na ganon na marami pa akong responsibilidad." malungkot na ngumiti ito at hinawakan ang palad ko. Then he kiss my fingers kahit na nasa paligid lang ang pamilya niya.
"Totoo na 'to. Makinig ka... Hindi lang kita gusto o baka mahal na rin. Mahal talaga kita." with that my heartbeat began to move in a fasting pace.
Nang makatapos ako sa pag-aaral sa college and kahit walang naging award. I'm thankful my parents didn't say bad to me like what they always did before.
Kahit kinakabahan sa sasabihin ng parents ko. Naisipan ko ng ipakilala na si Logan. I already answer him too sa panliligaw sa akin ng makapagtapos.
I was sweating so badly.
"Okay ka lang?" Tanong ni Logan sa akin at pinisil ang palad ko na hawak nito.
"Yes, I'm okay." Sagot ko.
"Pwede namang bukas na lang, baby annie."
"Mukhang hindi maganda pakiramdam mo eh."
"No." Ngumiti ako.
I'm ready na. Ba't ko pa ipapabukas? Ba't kase ko kinakabahan?
Dahil ba seryoso ko kay Logan at naisip kong ipakilala ito?
Eh duh bakit 'di ako magseseryoso kung seryoso din ito sa akin. He's such a lovable and uhmm...many more.
Hinandaan ako ng parent's ko. Maraming handa at maraming bisita ang dumating.
The music was loud na hindi mo marinig ang mga boses ng mga nag-uusap. Halos magkalapit na ang iba.
"You look familiar." sabi agad ni Mommy ng humakbang kami papalapit ni Logan.
"I'm Logan----" hindi pa man natatapos ni Logan ipakilala ang sarili ng maunahan ito ni Mommy.
"You're that man who's-
Baket ka nandito?" Pagbabago ni Mommy ng sinabi at binalingan ako.
"M-mom." Utal kong sambit.
"Annika? paanong nakapasok ang mahirap sa mansyon natin? Wag mong sabihin..." halos manlaki ang mata nito.
Sa takot na sigawan ako at ipahiya sa mga tao. Nakayukong nagsalita ako. Hindi makatingin kay Logan. "Hindi po ba wala si Yaya? Then, si Logan po ang maghuhugas ng mga Plato pagkatapos, Mommy. Nandito po siya dahil don." I told her.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Logan.
Malungkot na umiling ako.
How can I do this to my boyfriend?
Denying him to my parent's.
"Yes po, Ma'am." Saad ni Logan.
"Sige po, Sa kusina na po ako para simulan ko na ang paghuhugas."
"Mabuti pa nga dahil mukhang mauubusan ng plato dahil sa dami ng bisita."
He glance at me before he went at the kitchen.
I clutched at my dress and close my eyes.
No...
Hindi ko ito dapat seryosohin.
Sorry, Logan. I have to hurt you in order for me to be happy.
You're my happiness too pero I can live without you. The only greatest thing that can make me happy talaga ay ang mga mamahaling bagay na meron ako or so I thought.
--
"LOGAN," Tawag ko rito habang nasa loob kami ng sinehan. He understand me when I denied him. I really love this man.
"Hmmm?" He respond habang ang tingin nasa screen na pinapanood.
"Uhm..." Hindi ko ma say ang bumabagabag sa akin.
I play my fingers and said what bothering me without looking at him.
"You know kase, Logan. Someone told me that they offer workers in their company na hindi nakapagtapos ng college as long as highschool naman nakapagtapos."
"Anong pinahihiwatig mo?" tanong nito sa akin.
"Baka kase tanggapin mo. Mataas ang sahod don and tutal diba nahihirap--"
"Kaya kong magtrabaho, baby annie. Nang hindi kailangan lumayo. Kailangan ako ng mga kapatid ko. Kung magtatrabaho ako dapat malapit lang na lugar o dito dito lang din." Mariin ang pagkakasabi nito at halos magtagis ang bagang.
"I can take care of them." tabingi ang ngiti ko na pag volunter dito.
Natigilan ito at tumingin sa akin. "Sigurado ka ba? Hindi ka ba busy sa trabaho sa kompanya mo?" Tanong nito.
"Oo naman." Sagot ko.
"Pero kase..."
"Your siblings is malaki naman na. I'm sure they can take of themselves rin. Basta ang aalagaan ko na lang ang mom mo, and ang maliit pa."
Bumuntong hininga ito. "Lahat sila kamo."
"Para na rin, Logan. Matanggap ka ng mga magulang ko kung sakaling bumalik ka." sabi ko.
"Sorry talaga kung dineny kita. You know naman kase, Logan. Na my parents just want the best of me."
"Alam ko." ani nito.
"Basta magtrabaho ka at magpadala sa pamilya mo. Then mag ipon ka na din. I'll help you rin kung hindi mo kakayanin. Let's help each other."
"Baka naman, baby annie. Matanggap ako ng pamilya mo kahit mahirap ako kung sakaling ipakilala mo ako bilang boyfriend mo. Sa tingin ko naman hindi masama ang mga magulang mo. Saka-"
"I love you." Sabi ko, to cut his sentence.
He sighed and smile "Mahal din kita sobra."
"Sige, baby annie. Pakisabi sa kilala mo tinatanggap ko na ang trabaho. Basta alagaan mo ang pamilya ko, huh? Kahit hindi 24 hours."
"Opo." I said giggling.
He smile again at inilapit ako upang yakapin. "Mukhang mamimiss na kita. Hindi pa man ako nakakaalis para magtrabaho."
"Grabe ka to your family. You don't miss them?"
"Mamiss ko sila pero mas mimiss kita sobra. Dahil hindi ko kaya na hindi kita makita sa bawat araw. Gayong ikaw na ang nagbibigay lakas sa akin. Salamat sa pagtanggap sa akin." I feel like crying.
When the day come at umalis na siya and tumagal sa trabaho. Even I don't want. I have to break up with him.
Sorry in advance, Logan if I'm going to break your heart.