Late akong pumunta ng Pinch. Well see? Ang usapan namin ni Tyron ay maaga kaming magkikita. Kanina pa nga siya text ng text kung nasaan na daw ako. Mga 7am andun na siya and it's already eleven. Lunch din naman kasi ang pasok ko kaya walang problema. I know ang rude but I love this game. Ang sarap tingnan na nahihirapan siya. Gusto ko siya pahirapan. Somehow may pleasure akong nafe-feel isipin ko lang na nasasaktan ko siya. Am I a sadist? Wala akong kagana-ganang pumasok sa loob ng building. Dumiretso ako sa studio and wala si Tyron doon. Good thing. Mga kasama ko lang ang andun. Magkausap sila. Wala pa ring Carla akong nakikita. I don't know kung anong nangyayari sa babaeng yun. Kagabi tinext ko siya at tinawagan pero hindi sumasagot. Tinanong ko sina Rebecca at Tina pero wala rin silang

