Andito na ako sa studio. Nagsasalita na sila sa harap pero wala akong naririnig. Hanggang ngayon ginugulo pa rin ng boses ni Tyron ang utak ko. Na LSS ako frens. Nagdismiss na sila para kumain na daw ng lunch ng may lumapit sa akin na gwardiya. "Pinapabigay po ni Sir Tyron." anito at inabot sa akin ang isang bouquet ng roses at paper bag na siguradong pagkain na naman ang laman. "Salamat. " wika ko dito. Nang makaalis na ang lalaki ay pinagmasdan ko ang bulaklak na binigay niya sa akin. Ang ganda. Hindi talaga ako fan ng bulaklak lalo na pagganito pero nakaramdam ako ng tuwa ng makita ito. Nagsilapitan sa akin ang mga kasama ko at binato na naman ako ng nga katanungan. "Nanliligaw ba sayo ulit si Sir Tyron?" "Magbabalikan na ba kayo?" Nailing na lang ako sa mga tanong nila saka nila

