Three

1569 Words
            "Do you want to rest?" tanong ko kay Ericka na pawis na pawis na. Hindi ata sanay sa init ng pilipinas. Mainit din naman ang California pag summer pero hindi kasing init dito. Forever mainit ata ang pinas. Andito na kami sa bahay at pinalakasan ko talaga ang aircon ng bahay. Naliligo na sa pawis ang mga anak ko eh.             "I'm okey mommy. Pwede ba akong kumain?" tanong nito.             Ngumiti ako. "Kumain ka lang kanina ah? Gutom ulit?" biro ko. Now alam niyo na kung bakit ang lakas kong kumain nung buntis ako. Alam niyo kung ano ang favorite niya? Beefsteak at fried chicken habang mahilig naman sa boiled egg si Edmund. He loves breakfast, sabi nga niya. I wonder kung sino sa kanilang dalawa ang mahilig sa balot?             Dinala ko si Ericka sa kusina at binigyan ng makakain. She reminds me of myself so much. Hinanap ng mata ko si Edmund at namataan ko itong nakikipaglaro kina Phoebe at kay Philip. Ang laki na ng mga pamangkin ko. Dati, binubuhat ko lang si phoebe ngayon, ang bigat-bigat na niya. But she's still beautiful. Unti-unti ng lumalabas ang mukha ni Gio sa kanya. Dati diba, kamukha ko.              Masayang masaya na akong nanunuod sa kanila ng marinig kong magsalita si Ericka. "Bakit wala kaming daddy tulad nina Ate Phoebe?" tanong nito habang nakatingin kay Gio na nakaupo sa harap ng mga batang masayang naglalaro.              Tila may bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari dati. Kumusta na kaya siya? Wala na akong balita sa kanya. As far as possible, hindi binabanggit ng mga kaibigan ko at ng pamilya ko si Tyron lalo na pag nasa harap nila ang mga anak ko.               Ang huli kong balita sa kanya ay nung na-annul na kaming dalawa. Kinailangan kong umuwi nun dito eh. Hindi ko siya nakita pero narinig ko ay proud na proud nitong pinakilala ang anak sa mga tao. I admit, nasaktan ako but kinalimutan ko na yun, ako naman ang nagdesisyon nito kahit na may choice akong angkinin na lang si Tyron.                But I'm completely over him. Ang mga anak ko na lang ang mahalaga sa akin ngayon. Wala na akong pakialam kung nag-asawa na siya. Hindi na rin niya kailangang malaman pa ang tungkol kina Edmund at Ericka. We're happy naman kahit minsan nagtatanong sila.                "May gusto ka pa bang kainin?" pagbabago ko ng topic.                Ngumiti si Ericka. "I want a fried chicken." aniya.                Umalis ako sa harap niya at kinuha ang fried chicken na nasa tabi. Mabilis niya itong nilantakan. Ang lakas kumain pero ang payat payat pa din. Mana talaga siya sa akin. Sabi pa niya ay magmo-model din siya tulad ko. Gusto din daw niya makita ang sarili sa magazine.                "Gianne!"                Napatingin ako sa tumawag. Nakita ko si Tina na nakangiting nakatayo mula doon. Lumapit siya sa amin. "Manang mana talaga sayo!" natatawa niyang wika habang nakatingin sa anak ko.                I giggled. "I know right."                "I heard may proyekto ka with Fashion farmers?" tanong ni Tina matapos ang ilang minutong katahimikan.                Napakamot ako ng ulo. "Yep. Malaki ang offer and you know known din yun. Malaking offer. Sayang kung aayawan ko."                "Pero alam mo naman na connected sila sa Pinch?"                I nodded. "Wala naman sigurong masama."                "Yep. But I heared rumors na si Miss Chandria ang magha-handle sa Fashion Farmers fashion show."                Napatingin ako sa kanya. Nagtatrabaho pa rin siya sa Pinch. Sina Althea at Carla pero yung iba umalis na. Like Rebecca. Marami na rin kasing nag-pamilya na o talagang mas pinili na lang na magpahinga.                "Eh di mas mabuti. Kilala ko na siya. Hindi na ako mahihirapan."                Tumikhim siya at tinuro ang anak ko na busy pa rin sa pagsubo ng pagkain. "What if malaman nila?"                I chuckled. "Hindi nila malalaman. Three weeks lang naman kami dito. Rehearsal then photoshoots then fashion show."                "And? Hindi mo alam?" taka niyang tanong.                I raised my eyebrow. "The what?"                "Sa Pinch ang rehearsal since inaayos pa ng F° ang mga studio nila."                Doon na ako natigil. Hindi iyun nakalagay sa kontrata. Hindi rin naman sinabi sa akin ni Rafael. Kung sa Pinch ang rehearsal that means...                 "Makakasama mo si Carla sa fashion show." kumindat sa akin si Tina at tumayo na sa kinauupuan niya. "The positive side is, mas madalas tayong magkikitang dalawa!!!"                 Inayos niya ang sarili bago nagpaalam sa akin na pupunta kina Edmund. Hindi ko na nakita si Rebecca. Wala rin si Gian. Mukhang alam ko na kung saan nagpunta ang dalawa. Tsk. Mukhang miss na misa talaga ang isa't isa.                 Hapon na. Walang ibang ginawa si Edmund kundi maglaro habang so Ericka naman kain lang ng kain habang nanunuod sa mga pinsan na naglalaro.                 "Tom, ikaw na muna ang bahala kay Ericka." bilin ko dito.                 "No problem maam."                 I rolled my eyes. "Gianne na nga lang. Ang awkward ng maam eh."                 Ngumiti siya. "Sige po ma'am. Este, Gianne."                 Natawa ako bago nagpaalam na sa kanya. Kailangan ko pang kausapin si Rafael abour what I heard from Tina. Gusto kong i-confirm kung totoo ba. Malay ko bang totoo yun o pinaglalaruan lang ako ng babaeng yun. I know Tina, minsan ang hilig manukso.                  "Mabuti at tumawag ka dahil may sasabihin din ako sayo. Bukas, may meeting tayo with the company." bungad da akin ni Rafael.                  Huminga ako ng malalim. "Kasali ba ang pinch sa meeting?"                  Natahimik siya sandali sa kabilang linya. Narinig konpa ang malakas niyang pagbuntong-hininga. "Look, Gianne. Ngayon ko lang din nalaman na magpa-participate ang pinch sa fashion show. Masyado na daw kasing hectic ang sched and they're still repairing their studio kaya sa pinch na lang daw muna ang rehearsal. Sakto pang umalis ang isa sa mga mentors and handlers ng event nila kaya naman kinailangan nila ang tulong ng pinch."                   "I agreed dahil akala ko hindi kasali ang pinch. Alam mong ayaw kong nakikipagtrabaho sa kanila."                   "We have no choice. Nakapirma ka na. Nakapirma na ako. Makakasuhan tayo kung hindi ka tutuloy."                   Sandali akong napaisip. Wala naman sigurong masama. Tatlong linggo lang. Hindi naman siguro kami magkikita doon noh? I mean, ang laki ng pinch and I'm sure wala siyang alam sa akin at wala na siyang pakialam sa akin. Trabaho lang toh. Maging civilize na lang kami sa isa't isa kung sakaling magkita kami. Nasanay na rin naman akong makipag-plastikan dahil sa trabaho ko. Walang problema.                   "Okey. Saan ba ang meeting bukas?"                   "Sa pinch. 8am sharp."                   Napasinghap ako. Sa pinch ba talaga ihe-held lahat? Ano? Wala bang natitirang lugar sa F° na pwede naming gamitin? Kaloka. "Okey. Magkita na lang tayo dun."                   Binaba ko na ang tawag at inis na inis na tinapon ang cellphone sa kama. Bwesit. Bwesit. Sa lahat ng pwedeng makakatrabaho ang pinch pa talaga. Okey na sa akin si Miss Chandria pero yung buong pinch mismo? Biro ba toh?                  Stress na stresa akong humiga sa kama. Kung hindi lang para sa anak ko, hindi ko toh gagawin. Hays. Si Ericka na lang at Edmund ang iisipin ko para ganahan akong magtrabaho. I just need that Fashion Farmers fashion show. After talaga nito, hindi na ako kukuha ng mga proyekto na dito sa pilipinas ihe-held. Parang wrong idea talaga lagi eh.                   I've move on na. Ang kinatatakutan ko lang ay ang mga anak ko. Paano kung malaman niya? Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Paano kung malaman ng anak ko at malaman nilang may sarili ng pamilya ang ama nila? Sila naman yung kawawa. Ayokong maramdaman nilang tinutulak sila palayo ng tatay nila kaya mas mabuting hindi na nila malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD