Four

1991 Words
            "Baby, kailangan ko mag-work. Uuwi din agad si mommy." wika ko habang karga-karga si Edmund na iyak ng iyak.             "Bakit ka magwo-work? Diba sa California ang work mo?"             "Kaya pumunta dito si mommy dahil sa work. Uuwi din ako. Kasama ko si Tito Rafael mo. Don't cry na." pilit ko itong pinapatahan pero mas lumalakas lang ang iyak nito.              I looked at my mom frustrated. Hindi ko alam ang gagawin. Soooobrang late na ako. Lagot na talaga ako nito. Kanina pa tawag ng tawag si Rafael. Sinabi ko na lang na may emergency at hahabol din ako.               "Ako na ang bahala sa anak mo. Umalis ka na." ani mommy at kinuha si Edmund mula sa akin pero humawak ito ng mahigpit sa braso ko. Ayaw talaga akong paalisin. Si Ericka tahimik lang na nakatingin sa amin.               "Edmund, stop crying. Late na si mommy sa work." seryoso kong wika dito.               "Just go. Titigil din ito mamaya." ani mommy.               Tumango ako. Hinalikan ko si Ericka at nagpaalam dito. Sumunod naman si Edmund na sinusubukan pa akong pigilan. Binilin ko siya kay mommy. Kinausap ko na rin si Tom tungkol kay Ericka. After that ay umalis na ako. Hiniram ko ang lumang kotse ni Gio dahil walang makakahatid sa akin saka ang pangit naman kung magpapahatid pa ako.                Hindi alam ng pamilya ko ang tungkol sa pinch. Mom knows na magka-konekta ang fashion farmers at F° sa Pinch pero hindi niya alam na kasali ang pinch sa fashion show.                Pinaharurot ko na ang sasakyan ko dahil ring na ng ring ang phone ko which is obviously si Rafael.                Pagdating ko sa pinch ay tumakbo na ako papasok. I'm thirty minutes late. Goodluck to me. Pumasok na ako sa loob ng elevator. Sasara na sana ang pinto ng may pumigil dito.               "Good morning." bati niya at pumasok sa loob.               Tumitig ako sa mukha nito. I think hindi niya ako nakilala. Nakasuot din kasi ako ng sunglasses na sobrang laki halos matakpan na ang mukha ko. Pero hindi niya talaga ako nakilala.               I looked at her from head to toe. Still the same Tyra I knew five years ago. Medyo nagkalaman siya ng konti pero makikilala mo pa rin talaga. Ganun pa rin siya kung manamit. Astigan pa din ang dating. Wala naman talagang masyadong pinagbago ang pilipinas. Kung ano ito noong umalis ako, ganun pa rin ito ngayon. Kaya hindi ako nanibago.               Masyado akong na-distract sa pagtingin kay Tyra na hindi ko na napansin ang pagbukas ng elevator. Piniling ko ang ulo at mabilis na lumabas ng elevator. Nagmamadali na akong naglakad papunta sa meeting room. I thought papunta sa opisina niya si Tyra pero nagulat na lang ako ng sabay pa kaming napahawak sa handle ng pinto.                "Dito ka rin. Model?" tanong niya.                I nodded. Natatawa ako. Hindi niya talaga ako kilala. "Fashion farmers." wika ko.                Nakita kong kumunot ang noo nito pero agad din namang nawala ng bumukas ang pinto. Bumungad sa amin si Rafael na palabas.                "Thank god you're here!!!! Akala ko hindi ka na darating." nag-aalala nitong wika habang nakahawak sa dibdib niya.               I rolled my eyes saka pumasok na sa loob. Tinanggal ko ang suot suot kong sunglasses saka pinagmasdan ang mga taong andun. Nakita ko ang gulat sa mukha ng iba ng makita ako. Napatayo si Carla na kanina ay prenteng nakaupo lang. Pati si Miss Chandria napatanggal sa suot na eyeglasses ng makita ako.               "Gianne Emilia Herrera." di makapaniwalang wika ni Carla. Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.               Ngumiti ako. "Long time no see, Carla."               Napailing-iling siya. "Now I know kung anong ibig sabihin ni Tina sa surprise na sinasabi niya. You're back!!! Kailan pa??"               "Kahapon lang. I'm here for Fashion Farmers fashion show. I'm the representative for F°…"               Tumango siya. "Big time na. Mas lalo kang gumanda!"               Sasagot na sana ako ng marinig kong may tumikhim. Miss Chandria. Still strict. "Gianne... Welcome back." punong puno ng class na wika ni Miss Chandria.               "Thank you."               Nilapitan ako ni Rafael at sinamahan ako sa aking upuan. Tinignan ko si Tyra. Nakatingin din ito sa akin pero agad din namang iniwas ang tingin ng makitang tumingin ako sa kanya. Nagkibit balikat na lang ako saka tumingin sa harapan.                "So we're here for Fashion Farmers. I'm really glad to see you here Ms. Herrera." ani Ms. Go. I met her once sa isang fashion show sa london last year. Hindi ako makapaniwala na andito rin siya. She's actually nice.                "I'm glad to see you too Ms. Go." wika ko naman.                Ilang mga kamustahan ang naganap hanggang sa nagsimula na ang meeting. Seryoso lang akong nakikinig habang ine-explain mabuti sa akin ni Rafael ang mga sinasabi ni Ms. Go. Tango lang ako ng tango.                After ng usapan namin ay in-adjourn na ni Ms. Go ang meeting. Nagpaiwan ako dahil gusto ko lang kausapin si Rafael ng lumapit sa amin si Tyra.                "Hindi kita nakilala. You changed alot." aniya.                Tumayo ako para harapin siya. "Halata nga. Akala ko nagka-amnesia ka na." biro ko.                She chuckled. "How are you Gianne? Ang tagal mong nawala."                Tinignan ko muna si Rafael na ngayon ay nakatingin sa amin. Ang alam niya lang ayokong makipag-trabaho sa Pinch dahil dito ako galing and awkward para sa akin kung makakasama ko sila sa isang proyekto. Hindi niya alam ang tungkol sa past namin ng mga Rodriguez. Hindi ko na rin ikinuwento. Para saan pa ba?                "I'll just call you later Rafael. We'll just talk." wika ko dito.                "Okey." tumayo siya at hinarap si Tyra. "Nice to meet you Ms. Rodriguez."                 "So you went to California?" manghang tanong ni Tura ng kami na lang ang naiwan sa loob ng meeting room.                 Tumango ako sa kanya.                 "Bigla ka na lang nawala after what happened. Pagkatapos nun wala na akong balita sayo. Ayaw ka ding pag-usapan ni Tyron."                 Sandali akong nag-iwas ng tingin ng banggitin nito ang kapatid. I'm really glad na hindi ko siya nakita sa meeting.                 "So are you staying here for good?"                 Umiling ako. "Andito lang ako para sa fashion farmers. Babalik din ako ng California after. May mga trabaho din akong naiwan dun eh."                 "Ooh... Okey."                 Ngumiti ako sa kanya. She said something else pero hindi ko na narinig ng bumukas ang pinto ng meeting room at mula doon ay bumungad sa amin ang isang batang tila natatarantang tumakbo papasok. Napakunot-noo ako ng makita ito. Tinignan ko si Tyra na nakangiti lang habang nakatingin sa bata. Pwede na pala gawing playground tong Pinch. Kailan pa pinayagang magdala ng anak ang mga empleyado dito?                "Acey, what are you doing here?" magiliw na tanong ni Tyra sa bata.                Doon lang kami napansin nito. Bumilog ang mga maliliit nitong mata ng makita si Tyra. "Tita!!!" sigaw nito.                "What are you doing here? Alam mo namang bawal dito mag-play, right?"                "I'm hiding from dad." cute na cute niyang bulong kay Tyra pero rinig na rinig naman. Napangiti na lang ako. Naalala ko tuloy ang mga anak ko. Ugh. Malamang ay nakatulog na iyung si Edmund kakaiyak.                "Ang kulit mo. Lagot ka kay daddy mo."                Ngumiti siya. "He didn't allow me to eat the chips. I'm mad."                "Tsk. Bumalik ka na kay daddy mo kung ayaw mong mapalo nun."                "No way."                "Acey!"                "No--"                Hindi nito natapos ang sasabihin ng malakas na bumukas na naman ang pinto at narinig namin ang isang malakas na sigaw mula sa baritonong boses. Sumiksik ang bata sa tabi ni Tyra.                "Acey!!" natigil kaming pareho ng marinig ang sigaw ng isang pamilyar na boses.                I looked at him at tila huminto sa pag-ikot ang mundo ko ng makita ang pamilyar nitong mukha. Acey.... So... Siya pala ang ang anak ni Tyron. Mapait akong ngumiti. Kaya pala close na close sila ni Tyra. Mukhang tanggap naman nito ang bata. They're really back together ni Siara. Obviously.               Nakita kong napatingin ito sa side ko. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya. He changed a bit. His facial reaction, I mean. I can see unfamiliar emotions in his face na hindi ko maipaliwanag.               Huminga ako ng malalim. "Tyra, I need to go. I still have work to do plus Rafael's waiting for my call." wika ko saka tumayo na.               "I really want to talk to you longer. I mean, it's been five years. I'm sure marami kang ikukwento."               I chuckled. "We'll see each other pa din naman. Rehearsal?"               "Of course. It's really nice to see you again. I'm happy. Like for real."               Ngumiti ako at tinignan ang batang hawak nito. "Hi. You're so cute, Acey."               "Thank you. You're so so so pretty. What's your name po?"               Tumawa ako. "Bolera. Mana sayo, Tyra." biro ko. "My name's Gianne. Just call me Ate Gianne. I'm your Tita Tyra's friend."               "Really? You're so pretty. I like your eyes. Artista po kayo?"               "I like my eyes too. Charot. I'm a model. Hindi artista. Sige na Tyra. I gotta go. Baka magalit na naman yung si Rafael. See you around."               Tumalikod na ako sa kanila. Nakita ko si Tyron na nakatayo pa rin sa kinatatayuan niya kanina. Ngumiti ako dito ng malapit na ako sa kanya at tuluyan ng lumabas ng meeting room. Nang nasa loob na ng elevator ay huminga ako ng malalim. Sinipa ko ang dingding non sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. He still has that same effect sa akin pero hindi sa parehas na rason. I'm sure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD