"Sama ako mommy." paglalambing ni Ericka. Kung kahapon si Edmund ang nanglalambing, ngayon naman si Ericka. Gusto niyang isama ko siya sa trabaho.
Hinawakan ko siya sa pisngi. "Not now baby. Papagalitan ako ng boss ko pag isasama ko kayo."
"Pero gusto kong sumama. Ayoko na dito. Wala akong magawa." naiiyak nitong wika.
Mula sa likod ko ay dumating naman si Edmund na niyakap ako. "Ako din. Sama ako."
"Gusto kayo isama ni mommy pero hindi pwede. Bawal kasi ang mga bata dun."
"Kahit sa labas na lang ako. Gusto ko sumama mommy."
Ang hirap magkaanak. Lalo na at kambal. Sa California hindi naman sila ganito. Ibibilin ko lang sila sa Tito Gian nila ay okey lang sa kanila basta ba hahayaan ko silang maglaro ng xbox after nang school nila. Malamang naninibago sila sa lugar. Tulad ko, they want to explore. Malamang ay gusto nilang masilayan ang maynila at hindi lang itong bahay.
Niyakap ko sila pareho. Hindi ko naman plano na ikulong sila dito sa bahay but... Everything is just really complicated. I can't brinv them to Pinch! Obviously!
"Dadalhan na lang kayo ni mommy ng food. Pagkauwi ko, maglalaro tayo. Okey ba yun?"
Sabay na ngumiti ang dalawa saka tumango. "Okey. Gusto ko ng fried chicken."
"Ako kahit ano."
Nakahinga ako ng malalim. Buti na lang at nadaan sa lambing ang dalawa. Tinawag ko ang katulong na nagbabantay sa kanila. Hinintay ko muna na maaliw na ang dalawa sa paglalaro bago umalis. Naalala ko ang tagpo kahapon. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Ilang taon na rin ang nakalilipas. Okey na ang lahat. Wala ng rason pa para mag-krus ulit ang landas namin ni Tyron. We're fine. And I'm sure he's having a good life with her daughter as well.
Pagdating ko sa Pinch ay dumiretso na ako sa studio. Hinawakan ko ang batok ko. I feel tired. Ang tagal kong nakatulog kagabi. Ericka was crying the whole night. I hate seeing her that way kaya I want this project to end as soon as possible.
Pagdating ko aa loob ay handa na ang lahat. Mabilis akong nagpunta sa dressing room at nagbihis. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. This is so weird for some reason. I mean, me being here.
"Nagbago na ang size mo ah?" natatawang wika ni Carla.
I rolled my eyes. "Konti."
Lumabas na kami at pumunta sa stage. Ngiting ngiti ako habang nakikipag-usap kay Carla nang makita ko si Tyron na nakaupo sa harap habang kausap ang staff. Andun din si Tyra saka ang anak ni Tyron. Lagi ba talaga niya itong kasama? Hindi man lang ba nababahala si Siara? O kaya hindi man lang ba niya namimiss ang anak niya? Kasi ako kahit isang minuto ko lang na di kasama ang kambal gusto ko na agad tumakbo pauwi para mayakap sila.
Inilayo ko ang tingin sa kanila at sumampa na sa stage. Focus, Gianne.
"Nice walk Gianne." sigaw ni Miss Chandria na nasa baba. One positive thing about this project is nakakasama ko ang malalapit sa akin dati. "Stop." aniya ng nasa gitna na ako.
"You improved alot, Gianne. It's really nice seeing you back." giliw nitong wika.
I smiled at her saka naglakad na ulit pabalik ng backstage. Nag-highfive kami ni Carla ng matapos na ako. Sinuot ko ang maluwang na shirt na dala ko dahil medyo malamig talaga dito sa loob.
Bumaba kami ni Carla mula sa backstage para puntahan ang mga kasama namin. Nakita namin sila na nakaupo hindi malayo sa mga boss dito sa Pinch at nag-uusap. Walang kaemo-emosyon akong naglakad palapit sa kanila.
"Hi Gianne." bati ng mga ito sa akin. Ngumiti ako sa kanila saka umupo sa tabi ng isa na hindi ko kilala.
"HERE'S A THING. WE STARTED OUT AS FRIENDS. IT WAS COOL BUT IT WAS ALL PRETEND!!"
Napatingin ang lahat ng marinig ang isang pamilyar na boses mula sa pinto. Mahina akong natawa ng makita ang kikay na kikay na wala lang namang iba kundi si Rebecca na nagwa-walling pa kuno. Damn, I'm so sick of that song. They kept singing that everytime na nagvi-video call kami. It's been years pero ang katangahan nila? Andyan pa rin!
"AND ALL YOU'D EVER HEAR ME SAY IS HOW I'D PICTURE ME WITH YOU. THAT'S ALL YOU'D EVER HEAR ME SAY..." dugtong ni Carla sa kanta ni Rebecca.
Napatakip ako ng mukha ng lumapit si Rebecca tapos mula sa likod niya ay si Tina na seryosong seryoso ang mukha.
"BUT SINCE YOU'VE BEEN GONE!! I CAN BREATHE FOR THE FIRST TIME!!! I'M SO MOVING ON YEAH YEAH THANKS TO YOU!! NOW I GET.... WHAT I WANTTT!!!" sabay pa sila dun ah. Jusko. Nakatingin na sa kanila ang lahat. Nakakahiya sila maging kaibigan talaga.
"How can I put it? You put me on. I even fell for that stupid love song yeah yeah! Since you've been gone. How come I never hear you say, I just wanna be with you. I guess you never felt that way." parang tangang nage-emo dance si Tina. Omg.
"BUT SINCE YOU'VE BEEN GONE!! I CAN BREATHE FOR THE FIRST TIME!!! I'M SO MOVING ON YEAH YEAH THANKS TO YOU!! NOW I GET. I GET WHAT I WANTTT!!!"
Nag-head bang pa ang mga gaga. Natawa na lang ang ibang model na hindi sanay sa mga katangahan nila. I miss them so much. Namiss ko ang mga kalokohan nila at ang mga soundtrip kuno nila. Though kinakantahan pa rin naman nila ako sa skype. Sinilip ko ang iba na ngangang ngangang nakatingin sa kanila. Well, they have to get use to them. Siguradong walang ibang gagawin ang dalawang yan kundi manggulo rito. Palibhasa kasi mga "veteran" ng pinch lol.
"YOU HAD YOUR CHANCE YOU BLEW IT. OUT OF SIGHT. OUT OF MIND. SHUT YOUR MOUTH I JUST CAN'T TAKE IT AGAIN AND AGAIN AND AGAIN" nag-emo pose ang tatlo na parang naiiyak kuno.
Tawang tawa na talaga ako sa kanila. Di ko kinaya
Nang matapos silang kumanta ay nag-vow pa ang mga gaga. Tuwang tuwa namang pumalakpak ang mga new models.
"Thank you fans." ani Carla at naiiyak pa kunong kumakaway-kaway.
Matapos ang kalokohan nila ay tumakbo sila sa akin at niyakap ako ng sooobrang higpit na parang first time naming magkita. Kaloka.
"Miss na miss ko toh." naiiyak na wika ni Rebecca. This time totoo na talaga.
"Nakakahiya kayo. Kung hindi ko lang talaga kayo kaibigan nagtawag na ako ng mental." natatawa kong wika.
Ngumuso si Tina. "Gaga. Pero kulang tayo. Wala sina Althea. Hays. Hirap talaga pag may mga pamilya na ang mga kaibigan mo. MABUHAY ANG MGA SINGLE!!"
"MABUHAY!!!" sabay naman naming sigaw. Tinignan namin si Rebecca. "Hindi ka kasali. Sapakin kita diyan eh." biro ko. Speaking of Althea, ang naasawa niya ay si Erick!!! Yes!!! Siya mismo. Kaloka diba? May something na pala sa kanila noon. Hindi man lang namin nalaman. Di man lang nag-share ang bruha.
Nagtatawanan kaming nagyakapan. Hays. Kung pwede lang ibalik ang panahon talaga, mas ispe-spend ko ang mga araw ko kasama sila. Ang dami dami kong na-miss noong mga times na nag-refuse akong sumama sa kanila dahil lang mas pinili kong kasama si Tyron. Friends are really important. Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko kung wala sila.
Para kaming tangang nag-uusap. Puro mga nonsense stuffs ang pinag-usapan namin. Hindi nga maka-relate ang iba eh. Lol. Pasalamat talaga sila at si Carla lang ang kasama namin dahil kung kasama pa namin tong dalawang toh araw-araw baka mabiliw na rin sila. Nakakahawa kasi ang kabaliwan. Contagious lalo na kung galing sa mga toh.