Kakatapos lang ng rehearsal. It was so tiring. I mean not the rehearsal kundi ang mga kaibigan kong walang ibang ginawa kundi guluhin ako. Cheer ba naman ng cheer. Napagod din nga si Miss Chandria kakasita kasi tawa na lang ako ng tawa. Hindi ko na magawa ng tama ang pinapagawa nila sa akin.
"Wag na kayo ulit bumalik dito." biro ko sa mga kaibigan.
"Ayaw mo nun? May cheerer ka!" -Rebecca
I rolled my eyes. "Rehearsal toh guys... Para sa fashion show. Hindi ako sasali ng beauty contest."
Hindi ko na mabilang kung nakailang tawa na ako ngayong araw. For awhile para bang nakalimutan ko lahat ng problemang dinadala.
Palabas na kami ng studio ng maramdaman ko na may yumakap sa hita ko. Nagtataka kong nilingon iyun. Si Acey. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko ng makita ang maamo nitong mukha. "Hi Acey!" bati ko dito.
"Hello po!" magiliw niyang bati pabalik.
Narinig ko ang malakas na pagtikhim ng mga kaibigan ko. Sinamaan ko sila ng tingin. Of course they know. Sila ang andito sa pilipinas noong mga panahong yun diba? They need to know na hindi dapat nadadamay ang bata sa kung ano man ang nangyari dati. Ano ba namang malay nitong si Acey sa nangyari diba? Di naman niya kasalanang nabuo siya.
"I saw you walking on the stage! You're so pretty po talaga." aniya pa.
Lumuhod ako para harapin ito. Nasaan na ba ang tatay niya at hinayaan lang ang anak? Tsk. "You're pretty too."
"When I grow up, I want to be like you."
I chuckled. "Bakit naman?"
"I want to be pretty like you."
Sasagot na sana ako ng magsalita si Carla. "Hindi pa ba tayo aalis? Gutom na ako eh." she said bitterly. Nakita ko pa ang pag-snob nito sa bata kaya naman kinurot ko ito sa tagiliran. Gaga. Ang isip bata talaga ng mga toh. Pati si Acey pinapatulan.
"Your friends are funny. I saw them singing earlier. Tita Tyra keeps on laughing." aniya habang tuwang tuwang nakatingin kina Carla at Rebecca. Ngumisi si Rebecca dito habang si Carla naman, nakabusangot lang. Tsk.
Piningot ko ang ilong ni Acey. She looks a lot like her mother pero kahit ganun, hindi ko magawang magalit o magdamdam pag nakikita siya. Ganun siguro talaga pag may anak ka na noh? "Where's your tita Tyra?"
"Umalis na. Nauna na po siya."
Tumango ako. "And your dad?"
Tinuro niya ang nasa likod niya kaya napatingin ako doon.
In that direction ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na naglalakad papalapit sa amin. Seryoso lang ito habang nakatingin sa anak na kausap ko. Tinawag nito si Acey na agad namang tumakbo papunta sa kanya. Kinarga niya ang anak. Napaiwas ako ng tingin sa kanila. I don't know but ang awkward para sa akin. I guess it's normal. We never have closure. And hindi naman ako humihingi ng closure... It's just that--
"Do you know my dad too? I mean you're friends with tita so you know my dad too?"
Huminga ako ng malalim. "Of course." tumingin ako kay Tyron. "We're close.... Friends."
Nakita ko ang tuwa sa mga mata ng batang babae. "Really? You're friends too?"
I nodded. "Yes. We used to hang out alot." totoo naman diba? Nagha-hang out kami dati. Sa bahay... Sa kama... Charot... Hindi nga lang bilang friends pero ang sagwa naman kung sasabihin ko na asawa ako ng daddy niya dati. Hindi iyun maiintindihan ng bata.
"And we need to hang out na before gumabi dahil siguradong magiging kj ka na pagdating ng alas sais. Nagta-transform ka na sa oras na yun eh." pagsabat ni Tina sa usapan namin.
Tinignan ko ang mga ito na bored na bored na nakatingin sa amin. After what I told them dati, hindi na daw nila bet si Tyron para sa akin. Ayaw na daw nila dito. Kaya naiintindihan ko ang reaksyon nila ngayon.
Tumikhim ako. "We need to go. May lakad pa kasi kami. Bye Acey." paalam ko dito.
Nakita kong lumungkot ito. Nahabag naman ang puso ko. Iba na talaga pag nanay ka na. Kahit ibang bata ang nakikita mong malungkot, nalulungkot ka na rin.
"Can you stay a little longer?" anang bata.
Lumapit sa akin si Rebecca saka kinabit ang kamay sa braso ko. "Sorry Acey pero baka magalit na ang BABY ni Gianne pag hindi siya umuwi ng maaga. Ang strict pa naman nun."
Pinanlakihan ko ng mata si Rebecca. Bakit kailangan niya sabihin yun?? I know she's talking about Edmund. Alam niyo naman ang batang yun. Mabilis magtampo. Saka ayaw na ayaw niya pag nagpa-promise tapos hindi tinutupad. Pero... Ghad!
"May asawa ka na po Ate?"
Napakamot ako ng ulo. Sasagot na sana ako ng lumapit si Tina. "Wala. Pero committed na siya. Kaya sige na, Baby Acey... We need to go bago pa magtampurorot yun."
"Saka bago pa ako mapagalitan ni Gian." ani Rebecca.
Tumawa ako. "Hirap buhay may asawa noh? Hiwalayan mo na." biro ko. Syempre ayaw ko mangyari yun. Kapatid ko naman ang heartbroken pag nagkataon.
"Hindi pa kami mag-asawa. Papunta pa lang. Handa naman na akong makulong. Kayo lang yung hindi."
Nag-crossed arm si Carla. "Sinong gustong makulong? Mas okey nang single kesa mag-asawa noh. Hirap gumalaw. Magi-Gianne ka teh."
Kinurot ko siya sa tagiliran. Tinignan ko si Acey at si Tyron. Nakita ko ang pamumula ng leeg ni Tyron. Pati tenga niya, namumula na rin. Galit ba siya? Siguro sa ingay namin. Tsk. Kung wala ang anak nito baka napasipa na kami palabas ng building.
"Tayo na nga." wika ko sa mga ito. Ngumiti ako ulit kay Acey at nagpaalam na sa mga ito. Halos hatakin ko na palabas ang mga bwesit kong kaibigan na walang tigil sa debate tungkol sa pag-aasawa. Tsk.
"Daan nga tayo ng fast food. Bibilhan ko ng foods ang mga anak ko."
Doon lang ata sila natahimik. Inistart na ni Rebecca ang kotse. Sabi niya, kinuha daw ni Gian ang kotse ko kanina. May spare key kasi siya kaya sumabay na lang daw ako sa kanya. Dadaanan niya daw si Gian sa bahay dahil may kukunin siya mula rito. Para na talaga silang mag-asawa. Kulang na lang tumira sila sa iisang bahay. Swerte ni Rebecca at nagbago na si daddy dahil kung hindi papahirapan din siya nito like Ate Cath.
Nag-drive thru kami sa fast food. Bumili na rin sila ng pagkain nila. Sabay na lang daw kami kumain sa bahay. Hindi na rin kami makakalabas dahil hahanapin na ako sigurado ng mga anak ko. Malapit na kasing mag-six. Ayaw kong mag-break ng promise sa kanila dahil next time baka hindi na sila maniwala sa mga pangako ko.
"I hate seeing Tyron's face." ani Tina pagkuway.
"He's your boss." pagpapaalala ko.
"Hindi naman namin masyadong nakikita yun sa building kaya hindi namin kailangang makipagplastikan sa kanya."
"You mean hindi siya masyadong nagtatambay sa pinch. Mostly sa ibang opisina niya siya o kaya sa bahay siya nagtatrabaho para ata mabantayan ang anak niya."
I coughed. "Bakit di ka sumali sa fashion show, Tina?" pag-iba ko ng usapan.
"Hindi niya tinanggap. Ang arte. Gusto daw niya magpahinga na muna." sagot ni Carla.
I raised my eyebrow. "Kailan ka pa nagpapahinga mula sa trabaho?"
"Nakakapagod na din kasi saka ayaw ko sa mga kasama natin. Ang dami kasing bago."
"But they're nice. Mabait at jolly." wika ko.
Nagkibit-balikat siya. "Basta. Ayoko. Bakit ba napunta ang topic sa akin? Magsoundtrip na nga lang tayo. I-on mo ang music Rebecca."
Sinunod naman ni Rebecca ang sinabi nito. Nag-play ang Northern Downpour by P!ATD kaya naman napakanta kami. I love how parehas kami ng taste sa music. Kung anong alam nila, alam ko. Kung ano ang alam ko, alam din nila. Kung may mga new songs naman o kaya may alam ang isa na hindi alam ng iba, pinapakinggan din agad namin sa youtube. Para lang akming mga teenagers. We're different from each other but we understand each other more than anybody else.