Seven

1352 Words
             Kakauwi ko lang at inexpect ko nang bubungad sa akin ang kambal pero katahimikan lang ang nadatnan ko. That's so unusual. "Goodevening manang, ang kambal?" tanong ko. "Nasa taas po." anito. Hinarap ko ang mga kaibigan na kanina pa kumakalam ang sikmura. "Kayo na ang bahalang dito. Pupuntahan ko lang ang mga anak ko." "Okey. Magpapatulong na lang kami kay manang." Kinuha ko ang binili ko para sa mga anak at nagmamadaling naglakad sa taas. I miss them. Lalo na ang kakulitan nila. Kung pwede ko lang talaga silang isama, sinama ko na sila. Kaya lang hindi pwede si Ericka doon. Baka ma-bored lang siya o baka may mangyari lang sa kanya saka andun si Tyron. Ayokong makita niya ang mga anak ko. Natatakot ako eh. Hindi ko alam. Basta natatakot ako. Pumasok na ako sa kwarto ng kambal at napakunot-noo ng makita si Ericka na nakahiga sa kama niya habang pinapaypayan ni Tom. Tinignan ko ang aircon, naka-on naman. Mabilis akong lumapit sa kanila. "What happened?" nag-aalala kong tanong. "Muntik na pong matumba ng maglaro sila ni Edmund. Nahilo daw po siya." anang lalaki. Malungkot kong tinignan ang anak. She really needs to undergo chemo as soon as possible. Gusto ko na siyang gumaling. Ang hirap makita yung anak mong hindi magawa ang mga normal niyang ginagawa dahil sa sakit niya. Lumapit ako dito at hinalikan siya sa noo. "Are you okey?" malambing kong tanong dito. She smiled weakly saka tumango. "I miss you mommy." aniya pa. Nanlambot ang puso ko sa narinig. Niyakap ko anak. "I miss you too. Don't worry, si mommy ang mag-aalaga sa inyo bukas." masaya kong wika. Magpapaalam na lang muna ako na hindi sisipot sa rehearsal. Okey lang naman siguro. Isang araw lang naman. "Talaga po?" lumiwanag ang mukha nito. I nodded. "Of course. Maglalaro tayo bukas. Gusto mo ba yun?" "Yes! Yes!" excited niyang wika. Mula sa kama niya ay tumakbo si Edmund sa tabi namin. Kinandong ko ang anak saka hinalikan sa noo. Sila talaga ang nagpapawala ng pagod ko araw-araw. "Maglalaro tayo tomorrow?" tanong ni Edmund. "Yes. Tapos mamamasyal tayo. Saan niyo ba gusto pumunta?" "Ahmm sa playground?" I chuckled. "Okey. Pupunta tayong playground." Niyakap ako ng dalawa. Napangiti ako. Hays. Kahit amg hirap maging nanay, ang sarap naman sa feeling na nalikita mo ang mga anak mo. Yung pagiging sweet nila. Alam niyo yung ang inosente nila sa mga bagay-bagay tapos matatawa ka na lang everytime may gagawin silang kalokohan? Yung pagod at hirap, worth it. Now, I understand my parents. Kung bakit ang over protective nila sa akin dati at kung bakit lagi nila akong pinapagalitan tuwing may ginagawang kalokohan. Nandun talaga yung takot eh. Yung takot na baka may mangyaring masama sa kanila. Maiintindihan mo na lamg talaga ang mga magulang mo, oras na maging magulang ka na. Parang gusto ko tuloy lumuhod sa harap nila at magsorry ng magsorry. "Teka, binili ko ang gusto niyo!!!!" masaya kong inabot sa kanila ang plastik na may lamang mga pagkain. Excited nilang inagaw sa akin ang pagkain. "FRIED CHICKEN!!!!" masayang sigaw ni Ericka. Bumalik na ang sigla. "Dito lang kayo kay Kuya Tom niyo ha? Magbibihis lang si mommy." "Kumusta naman ang dalawang chikiting?" tanong ni Tina sabay subo ng pagkain sa bibig. "Ayun, tuwang tuwa. Kaya lang... Nahilo na naman si Ericka kanina. Naaawa na ako sa anak ko." Binaba ni Carla ang hawak na kutsara. "Dapat kasi hindi lang ikaw ang namomroblema sa mga bagay na yan. Tsk. Habang naghahanap ka ng paraan para ipagamot amg anak mo, ang tatay naman nila--" "Carla!" sita ni Rebecca. Napabuntong-hininga ako. "Kaya ko naman ipagamot ang anak ko. Naaawa lang talaga ako sa kanya. Dapat nakikipaglaro siya sa ibang babae instead na magkulong sa loob ng bahay. Gusto ko siyang mabuhay ng normal ng walang ibang iniisip kundi maging masaya." Tumayo si Rebecca at lumapit sa akin. Tinapik-tapik nito ang balikat ko. "Gagaling din si Ericka. Maniwala ka. Mana yun sayo eh. Malakas." "Alam kong gagaling siya." Tumayo na rin ang iba at niyakap ako. Kailangan ko tapusin ang trabaho dito at nang makabalik na kami sa California. Doon, magagamot ng maayos si Ericka. Pagkatapos nito, hindi na namin kailangan bumalik dito. Ayaw kong maging involve sa buhay namin si Tyron. May something kasi. May nararamdaman akong kakaiba. Isipin ko lang na makilala ng mga anak ko ang tatay nila, kinakabahan na ako. "Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ko pagkuway. "Pinapaalis mo na ba kami?" nakangusong tanong ni Carla. I rolled my eyes. "May trabaho pa bukas. Speaking of trabaho, pwede pang ipaalam mo ako na hindi muna sasali sa rehearsal bukas? Nangako na ako sa kambal na sasamahan ko sila mamasyal tomorrow." "Of course. Ako na ang bahala. Malakas ka sa akin eh." "Thank you. Maaasahan ko talaga kayo." "So paano? Aalis na kami? Pahiram na lang ng kotse mo Rebecca. Iuuwi ko din bukas." ani Tina. Tinignan ko si Rebecca. "Dito ka matutulog?" "Ayaw akong pauwiin ni Gian. Dito na muna daw ako. Naglalambing ang bata." I chuckled. "Baka may mabuo ah. Ingat-ingat din. Hintayin mo munang makasal kayo." "Tss. Gumagamit kami ng protection, wag kang mag-aalala. Hindi pwedeng pumasok nang hindi safe." Pinalo ko siya sa braso. "Gaga. Kadiri ka." "Parang hindi niyo naman ginagawa ni Tyron yan dati. Nahuli ko pa nga kayo eh." I rolled my eyes. "Mag-asawa na kami nun." ugh. Naalala ko na naman ang nangyaring yun na nakita ni Rebecca. Tsk. Tama na nga. Tama na brain. Wag mo na alalahanin ang mga bagay na matagal ng wala. "Whatever. Pauwiin mo na tong dalawa." Nilingon ko ang dalawang kaibigan. "Umuwi na daw kayo. Diretso ah? Baka kung saan pa kayo pumunta." "Opo mahal na Reyna. Sige na. Gusto ko na rin matulog eh." So ayun, hinatid ko ang dalawa sa labas. They borrowed Rebecca's car. Ihahatid na lang daw ni Tina si Carla sa bahay nito. Hinintay ko muna na makaalis sila bago ako pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ay nabungaran ko si Rebecca at si Gian na sweet na sweet sa isa't isa. Nakaupo sila sa sala habang nag-uusap. You know what? Bagay talaga sila. Gian's sweet and Rebecca's sweet too. Ewan ko na lang kung hindi sila langgamin oras na mag-asawa na sila. Hays. They remind me of.... Him. I don't know. Nakalimutan ko na naman siya. Alam ko tapos na ako sa kanya. Halos hindi ko na nga siya naalala noong nasa California ako, pero nung nakita ko siya ulit... Every memory went back. Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko pag nakikita ko kung gaano siya kalambing sa anak niya. Lumalakas ang pintig ng puso ko pag nakikita siya. I hate it. I hate the feeling. Naiiling akong naglakad ulit papunta sa taas. Kailangan ko pang tingnan ang dalawa kong anak. Baka hindi na naman naglinis ng sarili nila after kumain. Ang kukulit pa naman nun lalo na si Ericka. Maaabutan ko na lang minsan na may hawak na pagkain sa kamay habang tulog. Pinapagalitan ko nga eh. Tsk. Pagdating ko sa kwarto nila ay nakita ko si Edmund na nanunuod ng tv habang si Ericka naman ay nagco-color ng drawing book niya. Dahan dahan akong lumapit sa dalawa. I looked at Tom first at sinenyasan siya na pwede nang umalis. "Nag-toothbrush na kayo?" tanong ko habang naka-crossed arm. Sabay na tumango ang dalawa. "Paamoy ng bibig." Mabilis na tumakbo si Edmund at huminga sa harap ko. "Very good. Ericka?" Hindi siya gumalaw. Nanatili skya sa kama na parang hindi ako narinig. "Ericka?" "Why do I need to brush my teeth?" nakabusangot niyang tanong. I sighed. "Gusto mo bang masira ang ngipin mo?" Umiling siya. "Then mag toothbrush ka. Wag matigas ang ulo." Nagdadabog itong tumayo at naglakad papunta sa banyo. "Hindi ko gusto yang pag-uugali mong yan." seryoso kong wika dito at sinundan siya sa banyo. "I'm just tired tapos--" "Sasagot ka pa. Now brush your teeth at matulog ka na pagkatapos." wika ko. Natahimik siya pero siguradong sinasagot-sagot na ako niyan sa isip niya. Tss. Para namang di ako dumaan sa pagka-bata. Kinuha ko ang drawing book niya at tinago iyun sa drawer. Tsk. Natututo ng sumagot. Hanggang kaya ko, dinidisiplina ko na sila habang maliit. Naku, isipin ko pa lang na mamana ni Ericka amg mga kalokohan ko dati, kinakabahan na ako. Wag naman sana. Okey nang mamana niya sa akin ang ganda ko. Charot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD