Excited na nagbihis ang dalawang chikiting. I told them na pupunta kaming mall ngayon. Kailangan ko rin silang bilhan ng mga damit at mga laruan para naman maaliw sila habang andito. Naiwan kasi nila ang mga toys nila sa bahay namin sa California. To be honest? Hindi sila gaanung mahilig sa laruan. They're more on coloring books and foods!!! Pag binibilhan ko sila, lalaruin lang nila yun ng mga two days then after that wala na. Iiwan na lang nila kahit saan. "Ready?" tanong ko sa dalawa pagkapasok ko sa loob ng kwarto nila. Nangiti ako habang nakatingin sa kanila. Marunong na sa fashion ang dalawa. Hindi ko na sila kailangang turuan o sabihan. May sense sa fashion. Nakikita kasi nila akong nag-aayos. Minsan naman pag dinadala ko sila sa trabaho, nakikita nila an

